Chapter 1

2.2K 67 5
                                    

"Congratulations, Graduates, Batch 2000-2001" ---malakas at masiglang bati ng Master of Ceremony sa Graduation Rites nina Roni. Masayang-masaya siya dahil sa wakas, natapos na din niya ang buhay highschool. Subalit, hindi niya maiwasan ang kakaibang lungkot. Magkakahiwa-hiwalay na silang magkakaklase at magkakabarkada. Simula Elementary at Highschool sila-sila ang naging magkakasama at magkakaramay sa anumang lungkot at saya. Mamimiss niya sa buhay highschool ang hingian ng pulbo, ang hingian ng papel, ang tularan kapag may biglaang quiz, ang pagbabasa ng pocketbooks kapag may intramurals,ang pagkopya sa assignment ng kaklase kasi wala siyang libro sa bahay, at siyempre 'yung pagtili at pagkurot niya sa katabi kapag nakikita si "crush" .

Humaplos ang kakaibang lungkot sa puso niya nang maalala ang isang lalaking kanyang lihim na "iniibig".

Magkakahiwalay na din sila. Hindi man lang niya nasabi ang kanyang nararamdaman sa lalaking 'yun. Napakalalim pa naman ng kanyang " lihim na pagtangi "para  sa binata.

Habang ang kanyang mga magulang ay nagsasaya dahil sa wakas ay "graduate" na siya,tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid at hinahanap si "crush"...

Napakagat labi siya. Hindi niya makita si "crush" .

"Asan ka na ba kasi??" --tila naiirita na siya dahil hindi agad matagpuan ng kanyang paningin ang hinahanap.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Humakbang dito, humakbang doon. Nagkandahaba na ang leeg niya sa paghahanap kay "crush".

Hanggang sa wakas, natagpuan din ng mga mata niya ang lalaking kanina pa niya hinahanap. Nanlulumo siyang napakagat labi. Marahil, ito na ang huling pagkakataon na masisilayan niya ang binata. Dahil ang pagkakaalam niya, sa Maynila na  tutuntong ng college si "crush".

Dapat ba niyang aminin sa lalaki na may "lihim siyang paghanga dito" .Mariin siyang napapakit.
"Hindi.. hindi niya dapat malaman, nakakahiya!" --tutol ng isipan niya.

Mula sa malayo ay palihim niyang pinagmasdan ang binata. Ang mapupulang labi nito na kaakit-akit para sa kanya.Ang ekspresibong mga mata nito na nagpapahayag ng anumang nararamdaman ng kaluluwa. Ang bagsak at may kahabaang buhok nito na nagpapadagdag sa kaguwapuhan niya. Ang kakaibang porma ng pananamit nito na kering-keri naman niyang madala. Ang lakad nito na talagang makakatawag pansin sa sinumang babae na madadaanan niya.

Gusto sana niyang lapitan ang binata.Subalit, Napansin niyang may hinahanap din ito. Patuloy din ito sa paglinga sa paligid. Mula sa kinatatayuan niya, ay kitang-kita niya kung paano abalahin ng binata ang sarili sa paghahanap para sa taong gusto nitong makita.

Sobra at walang kapantay na kalungkutan ang naramdaman ni Roni nang gabing 'yun ng graduation. Kaya mabilis na niyang niyaya ang kanyang mga magulang na umuwi na ng bahay. Walang sali-salita na umuna na siyang sumakay sa owner nila at tahimik na umupo. Hindi na niya nagawa pang magpaalam sa ibang mga guro, kaibigan at kaklase. Ang sumali sa picture taking ay hindi na rin sumagi sa isipan niya. Nawala na talaga siya sa mood. Na-badtrip na talaga siya.

Nung makaupo na siya sa madilim na bahagi ng owner, doon lihim na kumawala ang luha niya. Hindi lang dahil maghi-hiwalay na silang magkakaibigan, kundi napakasakit tanggapin ng katotohanan na hindi na niya makikita si "crush"....

Hellow mga Sissy💖💖💖
Alam ko na alam ninyo kung sino ang tinutukoy kong " crush"  ni Roni..
Baliw na baliw tayo sa kanya eh..
'Di nga maka-move-on di ba?!
Heto po ang panibagong kwento ko para sa lahat ng STEFCAM..
Hope you'll like it guys🤗

Dont forget to leave your comments and hit the 🌟Enjoy Reading😚#Proud StefCam fan💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now