Maagang nagyakag ang magkakaibigan sa umagang 'yun para umuwi na.Tahimik lang silang magkakaibigan.Parang ayaw nilang pag-usapan kung ano ang nangyari.Samantala,hindi mapalagay si Roni.Kanina pa siya nagsesend ng personal message kay Borj.Sini-seen lang 'yun ng binata.Pero hindi ito sumasagot.Gusto na sana niyang tawagan ang lalaki pero pinipigilan niya ang sarili.Nais din niyang magtanong kay Allan kung nakontak na ba si Borj.Kaya lang,para namang may pumipigil sa kanya na gawin 'yun.Nasa paligid lang kasi si Eric at hindi niya sigurado kung tama ba kung magtatanong siya sa harapan nito tungkol kay Borj.
"Roni,pwede ba tayong mag-usap" --maya-maya ay narinig niyang wika ni Eric.Hindi siya nagsalita.Naramdaman niyang tumabi ito sa silyang kinauupuan niya.
"Roni,I'm very sorry.Hindi ko na dapat ginalit pa si Borj.Aminado naman ako na kasalanan ko ang nangyari.Alam ko naman na malaki ang gusto sayo 'nun"--mahabang paliwanag ni Eric.Kunot-noo siyang napalingon sa lalaki.
" Paano mo naman nasabi 'yun"--takang tanong niya.
" Roni hindi mo ba nahahalata?Palaging nakabakod sayo.Manhid lang ang hindi makakaramdam 'nun Roni.'Huwag mong sabihin sakin na manhid ka"--si Eric muli.
Noon pa man ay nararamdaman na niya na may kakaiba sa ipinakikita ni Borj sa kanya.Subalit,ayaw niyang isipin na posible ang ganung bagay lalo na't alam naman niya na may girlfriend si Borj.Ayaw niyang umasa,ayaw din niyang magkamali.Pero,dahil sa nangyayari nagiging malinaw na ang lahat sa kanya.Pero siyempre,kailangan niyang linawin mula mismo kay Borj ang tungkol sa sinabi nito sa harap ng barkada .Kailangang kumpirmahin 'yun ni Borj kung katotohanan ba ang mga narinig niya o dala lang ng kalasingan nito.
"Bye Tita Hilda" --napukaw ang pag-iisip niya nang marinig na isa-isa nang nagpapaalam ang kanyang mga kaibigan.Tahimik siyang tumayo at binitbit ang ilang dalang gamit.Pilit siyang ngumiti ng lumapit sa ginang.Niyakap siya nito at hindi niya akalain na may ibubulong ito sa kanya.
"Hija,mas bet ko si Borj kaysa kay Eric" --bulong nito sa kanya sabay sinundan nang malutong na tawa.
"Si Tita talaga" --napangiti tuloy siya sa birong 'yun.
"Ang hirap nang maganda ano" --tudyo pa nito.
"Sorry Tita ha,nagkagulo tuloy" --tila nahihiya niyang wika dito.
"Huwag mo nang isipin 'yun.Ang gusto ko lang,sana magkaayos kayong magkakaibigan" --at muli itong yumakap sa kanya.Mahigpit na mahigpit na yakap.Matapos nilang magpaalaman sa isa't-isa ay tahimik na siyang sumakay ng dyip ni Eric.
"Roni,huwag kang mag-alala nasa bahay na si Borj.Kung gusto mo puntahan natin siya para maayos ang problema"--suhestiyon ni Allan.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan.Nakatingin lang din ang mga ito sa kanya na tila sumasang-ayon.
"Kaya ninyo pa ba.I think kailangan ninyo na magpahinga.Siguro next time na lang.Wala pa tayong mga tulog.Siguro,mas ok na magharap-harap na lang tayo kapag nakapagpahinga na ang lahat at relax na.Ok"--'yun na lang ang tanging nasabi niya.
Nagsitango naman ang mga kaibigan na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon sila sa desisyon niya.
Umandar na nga ang dyip.At kahit nasa biyahe pa lang,inagaw na nang antok ang katawan at kamalayan ni Roni.Nakatulog na siya nang tuluyan.
"Roni,Roni gising" --marahang alog sa balikat niya ang nagpabalik sa kamalayan niya.
"Bahay na ba namin 'to?" --takang tanong ni Roni.Nahihiya siyang bumalikwas sa pagkakasandal.Inayos ang bahagyang nagulong buhok at saka nagtangkang bumaba ng sasakyan.
"Guys,thank you so much.Ingat kayo ha" --at nakangiti siyang nagpaalam sa mga kaibigan.
"Roni,wala ka pa sa bahay ninyo.Nandito tayo kina Borj" --pagkakalma ni Sam.
YOU ARE READING
💖Mr. Right💖
RomanceHi guys. I'm back. Narito pong muli nag kwentong StefCam. Hope you will like it!