Chapter 11

568 33 1
                                    

Samantala
Masiglang-masigla na kinakabahan  si Roni nung hapong iyon. Kakagising lang niya dahil sa pagbawi ng tulog sa  pagkapuyat nung nagdaang gabi.
Tinatanong niya ang sarili, totoo nga kayang bibisitahin siya ni Borj.Pumatak na ang alas-siete ng gabi,wla pa ring Borj ang dumarating sa bahay nila.

"Roni,halika na kakain na tayo" --narinig niyang tawag ng Mama niya.

Nakasimangot siyang dumulog sa mesa.Naiinis kasi siya.Gabi na pero wala pa din si Borj.Hindi siguro nito tototohanin ang sinabi nitong dadalawin siya,o baka naman nalimutan na,o baka tulad niya nagbawi din ng tulog kaya posibleng tulog din si Borj sa oras na 'yun.

Tahimik lang siyang naglagay ng pagkain sa pinggan niya.

"Oh Roni,anong problema mo bakit natahimik ka?" --tanong ng kanyang Papa nang mapansing wala siyang kibo.

Halinhinan niyang pinagmasdan ng tingin ang Mama at Papa niya saka wala sa sariling nagtanong.

"Ma,Pa,palagay ninyo ba....Pwede na akong magboyfriend" --tanong niya.

Nakita niyang nagtinginan ang Mama at Papa niya.Kinabahan siya sa maaaring maging sagot ng mga ito.

Maya-maya ay nagulat siya dahil bumunghalit ng tawa ang papa niya.

"Papa,Bakit?Anong nakakatawa dun?" --kunot noong tanong niya na tila naiirita.

"Anak naman kasi.Hindi ka na teenager para itanong ang bagay na 'yan.Wala na nga sa kalendaryo ang edad mo eh.'Yung mga kasabay mo,may mga anak na.Dapat nga sayo Roni,may pamilya na rin."--paliwanag ng kanyang Papa.

" Pero dapat Roni,ang pipiliin mo eh 'yung mahusay na lalaki naman.Baka mamaya kung sino lang ang maging ama ng anak mo" --seryosong singit ng Mama niya sa usapan.

"Wala naman kaming nakikitang nanliligaw sayo anak ah,So,Paano ka magkakaboyfriend?" --narinig niyang tanong na muli ng Papa niya.
Sasagot na sana siya at magpapaliwanag sa papa niya nang:
Ilang sunod-sunod na katok sa pintuan ang saglit na gumambala sa kanilang pagkain.

Mabilis na tumayo ang Papa niya para buksan ang pintuan ng bahay nila.

"Goodevening Sir" --narinig niyang boses ng isang lalaki sa labas ng bahay.

Sumikdo nang mabilis ang dibdib niya.Kilala niya ang boses na 'yun.Hindi siya maaaring magkamali.Tumayo siya sa silyang kinauupuan para patuluyin ang binata.

"Pa,kaibigan ko po.. si Borj.Tuloy ka Borj" --nahihiyang ngumiti siya sa lalaki.

"Kumain ka muna" --alok niya sa lalaki.

Ngumiti din ito sa kanya at saka tipid na sumagot .

"Sige Roni,kumain ka muna.Ok lang ako katatapos ko lang din kumain" --nakangiting saad nito.

Kahit anong oras talaga at kahit anong sitwasyon napakagwapo ni Borj sa paningin niya.Hindi na niya nagawang tapusin ang pagkain.Uminom na lang siya ng tubig.Hindi niya alam kung ano ang gagawin.Ano kaya ang pag-uusapan nila ni Borj?OMG,hindi niya maitago ang nararamdamang kilig sa  sarili.

"Oh sige Roni,ako na lang ang bahalang magligpit dito,asikasuhin mo na 'yung bisita mo." --narinig niyang wika ng Mama niya.

Lumapit na nga siya sa binata.Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas-lakas ng dagundong ng dibdib niya.Agad namang tumayo ang lalaki nang makita siya.Ngumiti ito nang ubod-tamis sa kanya.Haiiii..Napakagwapo.Para talagang lulundag ang puso niya sa sobrang kilig.

"Hi Roni" --nakangiting bating bungad nito.Tumayo pa talaga ang lalaki.Naiilang  siyang gumanti ng ngiti sa binata.

"Roni,eto nga pala yung teddy bear.Para sayo naman talaga 'to eh.Hindi lang talaga ako nagkachance na ibigay  'to sayo noon"--seryosong wika ni Borj habang nakatitig sa kanya at iniaabot ang Teddy Bear na naka profile pic ng binata.

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now