Chapter 2

1.1K 41 4
                                    

Malalakas na katok sa pintuan ng kanyang silid ang nagpagising kay Roni. Walang sinabi ang alarm clock niya sa bibig ng kanyang mama. Agad siyang napabalikwas nang bangon ng maalala niya na may job interview siya sa umagang 'yun. Kaya kahit namimigat pa ang talukap ng kanyang mga ay nagpumilit siyang bumangon. Dali-dali siyang naligo, pagkatapos ay nagbihis saka pa dumulog sa mesa para mag-almusal.

"Oh, Roni, siguraduhin mo naman na matatanggap ka sa trabaho. Wala namang trabahong tumagal sayo anak eh,." --singhal sa kanya ng kanyang mama habang nag-aalmusal sila.

"Eh,kaw naman Hon,bakit mo ba pipilitin magtrabaho itong anak mo,?Naiiraos naman natin ang buhay kahit ganyang patambay-tambay siya" --sabay hagalpak naman ng tawa ng Papa niya.

" Pa naman..akala ko pa naman kakampi kita" --nakangusong wika naman ni Roni sa ama.

Graduate ng Vocational Course si Roni.Office Management with Computer ang natapos niya.Kaisa-isa siyang anak.Mayroon silang maliit na karinderya sa harapan ng bahay nila at iyon ang nagtataguyod sa pang-araw-araw na buhay nila.

Kung ang trabaho nga ni Roni,hindi niya magawang seryosohin,lovelife pa kaya.Nagkaedad na siyang easy go-lucky.Lahat halos sa buhay niya,hindi na niya magawang seryosohin.Pag-aaral noon,trabaho at lovelife.Nagka-boyfriend din siya noon pero "fling-fling" lang.Walang seryosohan.Ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang magseryoso sa mga lalaki.Madami naman siyang manliligaw.Maganda din naman kasi siya at may utak din naman.Dahil spoiled siya ng Papa niya,at kakampi niya ito sa lahat ng bagay,pakiramdam niya,lahat ng bagay eh ok lang.Nasa isip niya,na hindi niya kailangan ng trabaho kasi maykaya naman sila.Hindi niya kailangan ng boyfriend dahil sakit lang sa ulo at panggulo sa tahimik na buhay niya.'Yung mga ganung pananaw ang iniisip ni Roni.Kahit may edad na siya,feeling immatured pa din siya.

"Oh sige,Ma!Pa!,mauna na ako ha baka malate ako sa interview ko.Sayang naman." --at sinundan niya ito ng malutong na tawa.As if magseseryoso ba naman siya sa trabaho.

Naiiling na lang na humabol ng tingin si Aling Marife.Dalangin niya na sana magbago na si Roni.At magmatured na sa maraming bagay.
Naiwang tahimik na lang na kumain ang mag-asawa.

Samantala...
Nagmamadaling tinakbo ni Roni ang office kung saan siya may interview.Ilang minuto na lang kasi at mag-iistart na.Buti na lang at kakaunti ang aplikante na kasabay niya. Pang-tatlo kasi siya sa pila.Wala nang sumunod pa.Ibig sabihin tatlo lang silang nag-aaply.
"Naku sana naman,chance ko nang matanggap sa trabaho" --piping dalangin niya.Kahit naman paano ay gusto na rin niyang magkaroon ng sariling kita at kahit paano ay makapag-abot man lang siya kahit konting halaga sa mama at papa niya.

Kinakabahan na siya sa paghihintay.Siya na kasi ang susunod sa interview.Maya-maya ay narinig niyang tumunog ang messenger ng cellphone niya.

"Shit" --mahinang sabi niya.Malakas kasi ang tunog ng cp niya kaya naisipan niyang i-off muna.Binubuksan na niya ang bag niya para i-off ang fon niya nang muling bumukas ang pintuan ng maliit na opisina.

"Next applicant please" --tawag ng nakangiting babae.

Dahil sa pagmamadali,hindi na niya nagawang hagilapin ang cellphone niya.Dumiretso na siya sa loob ng opisina at buong-tiwala na humarap sa mga naroroon.

Matapos ang ilang minuto na pakikipag inglesan niya sa loob ng opisinang 'yun.Narinig niyang muling nagsalita ang isang maganda ngunit hindi katangkarang babae.

"Ok,thank you Miss Salcedo.Please wait for our call" --nakangiting wika nito sa kanya matapos ang interview .

Napanguso siya.Sa dami na ba naman ng opisinang napasahan niya ng resume at napuntahan niyang interview,laging ganun ang sinasabi sa kanya.Laging nangangakong tatawagan siya eh,wala namang tumawag ni isa.Kaya,kung ano-anong trabaho na lang ang napagkaisipan niyang pasukan na hindi rin naman niya natagalan.

"Ok,Miss Secretary,thanks so much din" -pilit siyang ngumiti sa magandang babae.Kahit ang totoo naiinis siya.Lalabas na siya ng opisina nang biglang magsalita muli ang babae.

"Miss Salcedo,next time na may job interview ka.You, better turn-off your phone,para hindi ka naaabala.Ang lakas kasi ng tunog eh."--at isinara na nitong muli ang pintuan ng opisina.

Naiiirita siya sa babae.Ang kapal ng mukha para sabihin sa kanya 'yun.Turuan ba naman siya ng dapat gawin.Napakunot noo nga siya.

" Bakit nga ba kanina pang tunog ng tunog ang messenger niya."
Naglakad na siya palayo sa opisinang 'yun nang maisipan niyang muling buklatin ang kanyang cellphone.

At nagulat siya.Na-add pala siya sa isang group chat na wala siyang permiso.At talagang tumaon pa sa job interview niya.Kaya naman pala tunog ng tunog ang cp niya.

Pero sa halip na mabadtrip si Roni. Sumigla at napangiti siya. Group Chat pala 'yun ng klase nila 'nung high school.Ini-add pala siya ni Sam.Ang kanyang bestbuddy noong highschool.

Natatawa siyang nagback read ng mga mensahe doon.Ilan lang naman ang nakikita niyang active at nagrereact sa mga post doon.Natatawa siya dahil ang topic lang doon ay ang highlight sa buhay highschool nila.Napapag-usapan ang mga nakakatawang teacher nila,mga paboritong ipagawa ng mga ito sa kanila at pati na rin ang mannerism ng bawat guro na napagdaanan nila.Sakay na siya ng dyip pauwi nang bahay pero hindi niya maiwasan ang matawa sa mga sinasabi ng kaklase niya noong highschool.Minsan,nagagawa niyang pigilan ang pagtawa sa loob ng dyip.Minsan naman,hindi pa rin niya maiwasan ang humagikhik kaya't napapalingon sa kanya ang ibang pasahero na kasama sa loob ng dyip.Pero deadma lang siya.Patay-malisya siya.Ano bang pakialam niya sa mga damuhong na ito.Tawa lang siya nang tawa.Mabuti na lamang at namalayan pa niya ang bumaba ng dyip sa tapat ng gate ng bahay nila.

"Oh,anak kumusta ang interview mo ha!" --narinig niyang tanong ng Mama niya.

"Ok lang Ma!Akyat lang po ako sa kwarto ha" --at patakbo siyang umakyat ng kwarto at tawa pa rin siya ng tawa sa topic ng mga kaklase niya.

Mr.President:Oh,sige,lapagan naman tayo ng picture kasama si crush.
-hamon ng class president nila nung highschool.Nagsimula na nga itong magpost ng picture niya kasama ang crush niya nung highschool.Sunod-sunod na naglapagan ng picture ang kaklase niya kasama ang kanilang mga crush nung highschool.

OmG Roni.Maglalapag ka din ba ng picture.Pero,kunsabagay matagal na naman 'yan eh.'Yung crush mo dati pwedeng may asawa at anak na.Matured na kayong lahat kaya okey lang 'yan.
Pansamantala ay lumipad ang kanyang isipan.

Naudlot ang kanyang malalim na pag-iisip nang muling tumunog ang cellphone niya.
@Ronalisa Salcedo,lapag na..

"Gosh!" --napahawak siya sa pisngi.

Kahit nagdadalawang-isip siya.Pinagana niya ang "just for fun".Ayaw niyang masabihan na killjoy siya.

Hindi naman siguro member ng gc na 'to si " crush".Hindi man lang niya nakikitang nagrereact ito,o kaya ay nakikisali sa convo,wala din nagmemention.Unless,iba ang profile pic na ginagamit.May nakikita siyang nagsi-seen lang.Pero picture naman ng teddy bear ang ginawang profile pic kaya malamang na babae 'yun..Kahit napapaisip siya.Na ki go-on- the -flow na rin siya at inilapag ang picture niya kasama si "crush".

"Ok guys.Lapagan lang ba ng picture ni " cush.Game ako diyan noh!"---mayabang na saad niya sa group conversation na 'yun.

At umani ng samu't-saring reaction ang post niyang 'yun.May nag 💖,may nag 😀,may nag 😯 at may nag 👍.

Hellow mga Sissy,Gusto ninyo bang makita ang post ni Roni...Heto oh👇

Dont forget to leave your comments and hit the 🌟Enjoy Reading😚#Proud StefCam fan💖

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now