Chapter 6

541 40 2
                                    

Nasa kalagitnaan na nang biyahe ang kotse ni Borj nang bigla siyang makaramdam ng panlalamig at panunuyo ng lalamunan.Nakakaramdam na siya ng matinding pagkahilo,sanhi marahil ng aircon.Sa totoo lang hindi naman siya sanay sumakay ng kotse at mas nakakasama pa ng kaniyang pakiramdam ang napakalakas na aircon.

OMG Roni,Nakakaramdam ka na ng pagkahilo,ano ang gagawin mo ngayon.Baka masukahan mo ang kotse ni Borj."--bulong niya sa sarili.

" Sandali Borj,"--pigil nito sa braso ng binata.

" Bakit?"--takang tanong naman nito.

"Itigil mo 'yang kotse please!Itigil mo Borj" --pakiusap niya.Hindi na niya inisip kung nakakahiya man sa lalaki ang ginawa niya.Mas nakakahiya naman siguro kung dun siya aabutin ng pagsuka sa loob ng sasakyan.Mabilis siyang bumaba ng kotse at lumura-lura doon.Nagtatakang nilapitan naman siya ng lalaki.

"Bakit ba Roni" --kunot noong tanong nito.

" Pasensiya ka na Borj ha.H-hindi lang ako sanay sumakay ng kotse tapos ang lakas pa ng aircon"--nahihiya niyang pag-amin sa lalaki.

" Ah ganun ba,sandali lang ha" --at pumunta ito sa malapit na tindahan na malapit sa kinaroroonan nila.Maya-maya ay may dala na itong bottled water at nakangiting iniabot ito sa kanya.

"S-salamat" --nahihiyang tinanggap niya yun.

"Sige Roni,ilabas mo lang kung ano 'yang nararamdaman mo.Mahirap kapag pinigilan mo 'yan" --at makahulugan itong ngumiti sa kanya at saka sumakay na muli ng kotse.Hindi alam ng dalaga kung ano ang iisipin sa sinabing yun ni Borj.Nalilito kasi siya.Maaaring may kahulugan ang sinabing yun ng lalaki.Uminom na lang siya ng tubig.Maya-maya ay muli na siyang sumakay ng kotse.Gusto na niyang makauwi.Sobrang sakit na talaga ng ulo niya at hindi na niya mapipigilan ang nararamdamang pagkahilo.

"Ok ka lang ba" --tanong ni Borj sa kanya.

Pilit siyang tumango-tango sa lalaki.Wala na siya sa mood makipag-usap dito sanhi ng labis na pagkaliyo.Gusto niyang sapukin ang sarili,nakakahiya tuloy kay Borj.Nakakaturn-off talaga siya.Sa isip-isip niya.Ilang sandali pa lang silang nakakaandar ni Borj,maya-maya ay nakakaramdam na siyang muli ng pagsuka.

"OMG Roni."bulong niyang muli sa sarili.Pilitin man niyang magpakahusay sa mga mata ni Borj talagang mapapahiya yata siya.Nakatanaw siya ng isang fastfoodchain.Agad niyang muling pinara si Borj kahit nakakahiya talaga.

"Borj itigil mo please.Hintayin mo ako ha,sandali lang ako promise."--hindi na niya hinintay makapagsalita pa ang lalaki.Agad siyang bumaba ng kotse ng lalaki at patakbong pumasok sa isang fastfood chain at naghanap ng cr.Nasusuka na siya.Maya-maya nga ay nailabas ni Roni ang sama ng nararamdaman.Pagkatapos,makasuka ay nakaramdam ng ginhawa si Roni.Naibsan din ng bahagya ang nararamdamang sama ng kanyang pakiramdam.

Matapos linisin at ayusin ang sarili.Lumabas na siya ng cr.Lalabas na sana siya ng fastfood chain nang mapansin niyang nakaupo si Borj sa loob.Kumaway pa ito sa kanya at ngumiti.Nahihiya siyang lumapit sa lalaki.
"Roni,tara kain muna tayo!" --alok ni Borj sa kanya.

"Huh" --naiilang niyang sagot.
"Sige,basta treat mo ko ha" --naiilang na biro niya sa lalaki.Nakita naman niyang ngumiti lang ito.
Umupo siya sa harapang silya.Pasimple niyang kinuha mula sa bag ang dalang compact mirror at pasikretong nanalamin.

"May boyfriend ka ba,Roni?" --maya-maya ay narinig niyang tanong ng lalaki.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at hindi niya inaaasahan na magtatagpong muli ang mga mata nila.Seryosong nakatingin sa kanya si Borj at talagang naghihintay nga yata ng isasagot niya.

"Boyfriend!Naku wala" --sabay yuko niya at itinago muli sa bag ang salamin.

"Wala,bakit naman ?Nakakapagtaka naman yata kung 'yang ganyang kagandang babae eh single pa din hanggang ngayon?"--mahabang papuri ni Borj.Hindi alam ni Roni kung bakit siya nakaramdam ng saya sa narinig sa binata.

"Naku,sakit lang naman sa ulo ang mga lalaki" --nakangiting sagot niya sa lalaki.

"Talaga ba!Naranasan mo na bang magka boyfriend?"--seryoso pa ring tanong ni Borj sa kanya.Bakit ba kung ano-anong inuungkat ni Borj.Mga tanong na hindi niya akalaing itatanong nito.Napakadami naman kasing pwedeng itanong sa kanya,bakit ang mga ganung bagay pa.Mga tanong na hindi niya napaghandaan.

" O-oo.Nagka boyfriend na ako.Kaya lang hudas eh,Kaya iniwan ko"--sagot niya sa lalaki.

" Hindi naman siguro lahat ng lalaki magpapasakit lang ng ulo mo Roni.Balang-araw,malay mo matagpuan mo 'yung isang lalaki na magmamahal sayo ng sobra.Anong malay natin,'busy lang pala siya sa career at goals niya sa buhay.Pero,isang araw pagtatagpuin din kayo"--mahabang paliwanag ni Borj.Hindi niya inaasahan na hahantong dun  ang topic nila.Gusto niyang kiligin at gusto niyang namnamin ang sandaling magkasama at magkausap sila ni Borj.

"Alam mo Roni,hindi naman sa lahat ng pagkakataon ang mga lalaki ang nagpapasakit ng ulo eh.Minsan,ang mga babae din"--naramdaman niya ang malungkot na tinig ng lalaki.Tinitigan niya si Borj at saka seryoso ring tinanong.

" May..may girlfriend ka na ba?"--sa wakas ay naitanong niya.

Nakita niyang marahang tumango ang lalaki.Hindi alam ni Roni kung bakit tila kinurot siya sa dibdib nang malaman ang sagot na 'yun.May girlfriend na pala si Borj.Namatay na agad ang sumusungaw na pag-asa sa puso niya na baka single pa si Borj at may pag-asang maging sila.
Malungkot siyang tumitig sa kausap.

"Asan siya?" --tanong niya.

"Long distance ang relasyon namin.Napakahirap.Napakalabo.Hindi ko alam kung saan kami hahantong"--mapait na wika ni Borj sabay hugot ng malalim na buntong-hininga.

"Pero di ba,sabi nga ng iba,kung mahal mo talaga ang isang tao,dapat kayanin mo kahit gaano kahirap" --sagot niya sa lalaki.
Nasa ganun silang seryosong usapan nang biglang sumingit ang service crew ng fastfood chain para iserve ang pagkaing inorder ni Borj.Naputol tuloy ang usapan nila.Dahil nagfocus na lang sila sa pagkain.

Tumigil ang sasakyan ni Borj sa bakuran ng kanilang tahanan.May ilang manaka-nakang kumakain sa maliit nilang karinderya ang nakatingin sa kanila.

"Tumuloy ka muna sa bahay namin Borj" --yakag niya sa binata.

"Hindi na Roni Alam ko naman na kailangan mo nang magpahinga kasi masama ang pakiramdam mo di ba"--at ngumiti itong muli sa kanya.

" S-sige,salamat sa paghahatid ha" --at ginantihan na rin niya ito ng ngiti.

" Basta sa susunod,kapag may gimik tayo,sakin ka na lang sumabay.Ok ba yun" --nakangiti pa rin si Borj.

" S-salamat" --nahihiya man subalit ginawa na rin niyang ngumiti sa lalaki.Ang gwapo-gwapo talaga ni Borj sa paningin niya.Subalit,nabuhay na naman ang labis niyang panghihinayang dahil may girlfriend na pala ito.May babae nang minamahal si Borj kahit na sabihing nasa malayo pa ito.

"Sige ha,papasok na ako sa loob,bye Borj" --akma na siyang tatalikod nang bigla na naman siyang tawagin ng lalaki.

"Roni,sandali." --tawag nitong muli.Napalingon na naman siya sa lalaki.

"Pwede bang iwasan mo si Eric?" -tanong na may matibay na pag-uutos ang himig na 'yun ng lalaki.

"Bakit naman,anong problema kay Eric?" --kunot noong tanong niya.

"Mukhang kursunada ka ng loko eh.Kaya lang mukhang hindi mapapagkatiwalaan.Ayaw mo sa hudas di ba,pwes,iwasan mo siya Roni" --diretsong utos sa kanya ng lalaki .

Ramdam na ramdam ni Roni ang concern sa kanya ni Borj .Gusto niya talagang kiligin sa nangyayari sa kanya ngayon.Kaya lang,lagi namang sumasagi sa isipan niya na maling tao si Borj dahil meron na itong babaeng minamahal.Hindi na dapat mahalin si Borj.Hindi  maaaring mahulog ang loob niya sa lalaki dahil kung hindi niya pipigilan ang nararamdaman niya ngayon.Malamang,masasaktan siya pagdating sa banda roon.Kapag hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman.

"S-sige Borj" --at matipid niyang nginitian ang lalaki bago tuluyang tumalikod at pumasok na sa loob ng bahay.

Hello mga Sissy🤗
Dont forget to leave your comments and hit the 🌟
Enjoy Reading😚
#Proud StefCam fan💖

💖Mr. Right💖Where stories live. Discover now