"hoy Belinda gumising kana!"sigaw ng ate ko sa labas ng kwarto ko.
"gising na kanina pa!"sigaw ko pabalik
"isang daang beses mo na naman sinusuklay yang buhok mo napakaarte mo Belinda!"sigaw nya sakin kaya agad kong naibaba yung suklay na hawak ko at binuksan ang pinto
"ate,belle ang pangalan ko hindi Belinda ang ganda ganda ng pangalan ko tapos Belinda lang ang itatawag mo sakin?"sabi ko sakanya pero hinila nya lang ang tainga ko.
"ikaw ang dami mo pang arte."sabi nya habang hinihila ako sa tainga
"a-aray mama si ateee!"pagsusumbong ko agad naman na lumabas mula sa kusina si nanay na may dala pang sandok
"ano ba yan Susana!bitawan mo yang kapatid mo ang aga aga nyo magsigawan."sabi ni mama kaya agad akong natawa ng tuluyan ng bitawan ni ate yung tainga ko.
"Ma naman, hindi ho Susana ang layo layo nan sa pangalan kong shaine eh para saan pa yung pagbibinyag ko kung papaltan nyo lang ng susana."sabi ni ate at umupo sa upuan at hinanda ang mga pinggan sa lamesa
"wag ka ng magreklamo,ikaw Belinda umupo kana at tatawagin kona si leo."sabi ni mama
"leo bumaba ka na riyan nakahanda na ang lamesa bilisan mo!"sigaw ni mama at umupo na narinig na din naman namin ang yapak ni leo na parating.
"pag kay leo maayos ang pangalan pag samin ay Belinda at Susana."Sabi ni ate at tumingin kay mama kaso tinawanan lang sya nito
Maya maya ay umupo na si leo na may nakasuot pa sa kanyang headset at gulo gulo ang buhok.
"ano yan uso pala ang mickey mouse ngayon."natatawang sabi ko at sumubo ng kanin agad naman na tumawa si ate dahil napansin nya din ang suot ni leo na pajama na may design na mickey mouse agad ko naman na nilabas yung cellphone ko at pinicturan sya.
"ate belle naman burahin mo yan."sabi nya at bahagya pang inaagaw ang cellphone ko pero inilayo ko lang yun.
"alam mo leo halos magtatapos kana ng highschool iniidolo mo parin yan."nagpipigil na tawa ni ate shaine na tinutukoy ay si mickey mouse kaya agad na sumama ang mukha ni leo
"ma si ate belle at ate shaine oh."pagsusumbong nito
"hay nako itigil nyo nayan."nakangiting sabi ni nanay.
Nagsiupo naman kami para maghandang kumain habang naguusap usap si mama at ate shaine ako naman ay nanatiling kumakain
"ah sya nga pala Belinda."biglang sabi ni ate shaine kaya tumigil ako sa pagkain at agad na tumingin sakanya
"may kaylangan akong sabihin sayo mamaya tsaka ikaw na lang ang magsundo kay leo madami kasi akong pasyente."sabi nya kaya agad akong napangiwi
"madami din akong pasyente mamaya bakit ba kasi hindi na lang ikaw"sabi ko at tumigil sa pagkain pero bigla na lang nagring ang phone nya at kumunot pa ang noo kaya agad kaming nagtaka nila mama
Tumingin naman sakin si ate shaine na para banag sinasabi nya na sumusunod ako sakanya kanya tumayo naman sya at dumiretso sa garden namin kaya agad akong sumunod sakanya dahil sa pagtataka.
"hindi ba pwedeng kumuha na lang ako ng ibang tao na magbabantay sakanya ibang doctor na kayang ihandle yung sitwasyon."inis na sabi ni ate shaine kaya nanatili akong tahimik
"anong hindi pwede?paano kung mapahamak yung kapatid ko ng dahil dyan?bakit ba kasi kayo tumanggap ng pasyente na alam nyong ikapapahamak natin at alam nyo naman yung nangyari sakanya dyan sa batanes diba."sabi ni ate shaine sa telepono kaya agad akong natahimik mukhang natapos na din ang paguusap nil kaya nagulat pa si ate ng makita ako.
"kanina kapa dyan?"tanong nya sakin kaya agad akong ngumiti at umiling sakanya
"hindi naman,bakit moba ako pinasunod?anong bang meron?"tanong ko sakanya at umupo sa tabi ng pool at tinanggal ang suot kong tsinelas upang ibabad ang aking paa sa trubig umupo din naman si ate sa tabi ko
"kaylangan mong pumunta sa batanes."pagkasabi nya nun ay hindi na ako muling nagsalita at nanatili akong nakatingin sa mga paa kona na nakababad sa tubig rinig kopa ang malalim na pagbuntong hininga ni ate shaine bago muling ituloy ang kanyang sinasabi.
"kaylangan kang ipadala sa isang hospital doon para alagaan ang pasyenteng matagal na nilang tinatago."sabi nya kaya kunot noo akong tumingin sakanya
"tinatago?paanong itinatago?tsaka hindi naman ako yaya isa akong doctor."sabi ko
"walang nakakakilala sa taong yun Nakita lang sya ng isang doctor sa tapat ng kanilang hospital na puro dugo bago daw sya mawalan ng malay ibinilin nya na wag ipaalam kahit kanino na nandun sya sa hospital ilang buwan na din simula ng nangyari yun pero hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung sino yung taong yun o kung ano ang nangyari sakanya."sabi nya at muling tumingin sakin
"paano kung masamang tao pala yung lalaking yun at madamay pa ako sa problema nya."sabi ko
"ikaw ang unang sinuggest na doctor na ipadala dun hindi ko alam kung bakit kaya tumanggi ako at hanggang ngayon hindi parin ako pumapayag pero ngayon wala na akong magawa kasi ikaw parin ang gusto nilang ipadala dun kaya sinabi kona sayo."sabi nya at tumayo na
"kapag sa oras na nagawa mong mapagaling ang taong yon at makarecover sya sa sakit na kanyang dinadala pwede kanang bumalik dito at hindi kana pwedeng bumalik sa batanes para sa ikaliligtas mo."sabi nya at tuluyan ng umalis.
Hindi sa gusto kong pumunta pero nacucurios ako kung bakit ako at kung sino yung taong yun.
YOU ARE READING
When I Met You
Mystery / ThrillerWhen I Met You(Ongoing) --------------- Belle is a doctor with a dark past that she doesn't want to go back to but the day comes when she has to go to the Batanes area to watch over a patient who has no identity and is thought by others to be dead...