CHAPTER 4

6 4 0
                                    

"Nga pala Belle nagpakuha na yung ate mo ng condo dun kana namin idederetso para makapagpahinga ka"sabi ni Troy kaya tumango naman ako mukhang matagal na napaghandaan ni ate shaine yung pagpunta ko dito.

"Kuya Troy sino ba yung babantayan ni Belle dito bakit parang ang importante naman kasi pumunta pa sya dito."tanong ni Vernice ako naman ay nanatiling nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang bawat daan na nadaraanan namin.

Hindi mo makakaikailang maganda ang lugar ng batanes.preskong hangin at halatang pinaganda at pinaayos ang bawat bahay.

"Yung nasa room 32."sabi ni Kuya Troy halata ang pagkagulat nung tatlo pero kahit nagtataka nanatili akong tahimik at nakatingin sa kanila.

"Yung Room na nagiisa dun sa 5 floor?diba hindi tayo pinapapunta don?"tanong ni Kier habang nakasilip mula sa likuran namin.

"Nakakapagtaka?bakit naman si Belle ang pagbabantayin sa pasyente don?malay mo isa palang aswang kaya tinatago nung may ari ng hospital."parang sira na sabi ni Mico agad naman na napatakip sa bibig si Kier.

'Mga abno'

"Oo nga baka mapahamak sya dun tapos hindi na makabalik ng buhay.......A-ARAYY!!!"sigaw ni Kier ng pingutin ulit ni Vernice ang tenga nya

"Bakit ba lagi ako yung sinasaktan mo porket binusted lang kita pati din naman si Mico ah."sabi ni Kier habang hinihimas himas pa ang tenga nya na namumula

"Walang aswang don normal na pasyente ang nandon."sabi ko kaya tumingin silang tatlo sakin tinanggal ko naman ang headset ko at tumingin sakanila.

"Sabi ni ate shaine sya daw yung pasyenteng timatago ng hospital nyo na inakala ng iba ay patay na kaya wala kayong dapat ipagaalala dahil tao ang pasyente ko."sabi ko at sumandal na ulit.

"Ha-Ha-Ha"pilit na tawa nila na para ibreak ang katahimikan na namamagitan samin.

"Yan kasi mga abno kung ano ano agad ang iniisip.tama yung sinabi ni Belle."pang sang ayon ni Troy ngumiti naman sya sakin habang nakatingin sa rear mirror.

Tumango naman ako sakanya bilang tugon.

"Tumahimik na kayo ha kaw kasi eh"bulong ni Kier habang tinuturo pa si Vernice pero inambahan lang sya ni Vernice.mukhang magkaaway talaga ang dalwa.

Pagtingin ko kay Mico nakatingin sakin.

"Bakit?"pagtatanong ko sakanya agad naman syang ngumiti.

"Tahimik kaba talaga?o ngayon lang yan?"pagtatanong nya kaya agad ako nagtaka sa tanong nya.

Lahat ng tao napapansin ang pagkatahimik ko dahil sa pamilya ko lang naipapakita yung mga hindi ko pinapalita sa iba.

Hirap akong pakisamahan ng iba dahil simula nung nangyari noon ay sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magtitiwala kahir kanino bukod sa pamilyo ko at kay Faye.

"Depende sa sitwasyon."simpleng sagot ko kaya naman tumango tango sya.

"Basta kapag may problema ka sa trabaho sakin ka pumunta kasi magaling ako kahit saan."sabi nya ar kinindatan ako kaya napangiwi ako.

"Timahimik ka Mico ikaw nga lagi ang palpak dahil ang inaatupag mo lang ay yung pagpapacute sa bawat nurse na makikita mk sa hospital."sabi ni Kuya Troy habang nakatutok sa pagmamaneho.

"Kuya Troy naman...gusto ko lang makipagkaybigan eh"sabi ni Mico habang kumakamot pa sa ulo.

"Lumalandi kamo manahimik na kayo dyan andito na tayo."sabi ni Troy sumilip naman ako sa labas.

Mukhang maganda ang condo na pinili ni ate dahil sa labas nito ay may mga restaurant at hindi masyadong madami ang bahay at mukhang tahimik din ang lugar.

When I Met YouWhere stories live. Discover now