CHAPTER 3

9 5 0
                                    

"sabi ni troy sakin kasama nya daw yung mga co doctor nya para kaunin ka mag text kana lang daw kung andun kana."sabi ni ate shaine kaya tumango na lang ako

"sige asan naba si leo aalis na tayo."sabi ni mama dahil ihahatid nila ako papuntang airport

"nagbabaon pa ng pagkain nya."sabi ko naman at tumingin kay ate shaine ng kalabitin nya ako.

"pupunta ako don after 1 month para kamustahin ka kung ano ng ginagawa mo."Sabi nya kaya tumango lang ako

"andito na ako."sigaw ni leo kaya sinuot kona ang earphone ko at sumakay na sa passenger sit si ate shaine daw kasi magdadrive para habang nasa biyahe ako nakakapagpahinga ako.

Nakasilip lang ako sa labas ng bintana habang pinapakinggan ang music na pinatutugtog ko.

Wala pa ako sa airport pero andami ng tumatakbo sa utak ko

Paano kung makita ko sya ulit?magagalit ba sya sakin?paano kung makita ko ulit yung mga taong nanakit samin?magiging maayos ba ang lahat?

Naamdaman kona lang ang pagpikit ng mata ko sa sobrang pagod.

_____________________________

"belle gising na andito na tayo"rinig kong boses ni mama dahan dahan naman akong dahan dahan naman ako nagmulat ng mata bumungad sakin si mama na umiiyak iyak pa si ate shaine na o ana nagpupunas ng luha at si leo na nagpipigil ng luha.

"namatay ba ko habang tulog ako?"sabi ko at bahagya pang kinusot kusot ang mata

"ate belle babalik ka agad ha."Sabi ni leo kaya tumingin naman ako sakanya

"sabihin nyo lang kung gusto nyo akong wag ng umalis okay lang naman."sabi ko kaya agad silang nagpunas ng luha

"tara na."sabi ni ate shaine kaya tatawa tawa lang ako

"hindi pa ako nakakasakay ng eroplano naiyak na agad kayo."pagbibiro ko

"eh paano naman tinuluan mo ng laway yung kotse ko."sabi ni ate shiane

"sige sige na dyan na kayo."sabi ko at niyakap si mama

"mama magiingat ka ha."sabi ko at bahagya syang hinalikan sa pisngi nung makikisali si ate shiane sa pagyayakapan ay agad ko syang tinulak

"bye na."sabi ko at tinalikuran na pero muli akong kumaway sa kanila para kahit papaano mabigyan ko sila ng maayos na pamamaalam.

Nginitian ko sila at kumaway bago ako muling tumalikod at naglakad.

habang hinahanap ko ang upuan ko sinuot kona ang headset ko para kahit papaano makapagpahinga ako.

"hi."sabi ng isang babae sakin kaya sinilip ko ito gamit ang isang mata ko ankangiti sya sakin at may kaunting kulot kulot ang buhok nya at halata ang pagkahilig nya sa kulay na pink kasi kahit buhok nya kulay pink.

Agad din akong pumikit upang magpahinga na ng muli nya akong kalabitan malalim naman akong bumuntong hininga

"palit tayo ng sit mahuluhin kasi ako."sabi nya hindi pa ako nagsasalita may lumapit na saming flight attendant upang paahalahanan na magsisimula ng lumipad ang eroplano.

"ako ng apala si Vernice."pagpapakilala nya sakin ngunit hindi ko parin sya pinapansin.bakit nya baa ko kinakausap ni hindi ko nga sya nameet kahit minsan atsaka hindi naman sya isa pinagkautangan ko eh.

"alam mo familiar ka sakin kapatid kaba ni ate shaine."pagkasabi nya non ay humarap na ako sakanya habang nakataas ang isang kilay

"ka ano ano ba kita?malayo ba kitang kamaganak o isa ka sa nilandi ni leo."sabi ko kaya agad syang natawa

When I Met YouWhere stories live. Discover now