[Ano bang nangyari kanina?]tanong ni ate shaine sa kabilang linya agad naman akong bumuntong hininga tiningnan ko ang pasyente ko na inaayos muli ang mga pagkakakabit ng mga tinanggal nya.
"Bakit kung kailan ako ang nasa tabi mo dun mo lang minumulat yang mata mo."bulong ko habang nakatingin sa lalaking yun.
[Ano banag pinagsasabi mo dyan ha Belinda?!tinatanong kita kung anong nangyari?]sabi ni ate shaine na halata ang pagaalala kaya agad pumasok sa isip ko ang nangyari kaninang umaga.
*Flashback*
Habang nagchechck sakanya ay laking gulat kona lang ng gumalaw ang kanyang mata at ang kanyang daliri.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko tatawag ba ako ng ibang doctor o ako na mismo ang magaaikaso kasi bigla nya na lang hinawakan ang kamay ko.
"S-ssino k-ka?"unang salita nya pa lang ay nagtindigan na ang balahibo ko at sa sobrang gulat ko ay nakatingin lang ako sakanya na para bang may krimen syang ginawa.
"Isa akong doctor."sabi ko ngayon lang ako nakaramdam ng kaunting takot ng tingnan ko sya sa mata nya walang emosyon ang kanyang mukha.
"umalis ka dito."mahinahon na sabi nya pero bakas dun ang pagkainis kaya agad akong lumapit sa kanya ng tatanggalin nya ang mga benda sa ulp at kamay nya.
"Wag mong gawin yan!"sabi ko at hinawakan ang kamay nya ng malakas nya akong itulak palayo sa kanya.
"BITAWAN MO AKO!!"sigaw nya at patuloy na pinagtatanggal ang benda sa kanya agad akong napatakip ng bibig ng makitang dumudugo ang ulo at kanyang kamay dahil ang mga sugat nya ay sariwa pa.
"H-Huminahon ka."sabi ko at patuloy syang pinipilot na bumalik sa kanyang higaan pero muli nya lang akong tinulak agad akong napahawal sa likod ng maramdaman ang pagtama ko sa isa sa mga lamesa.
"Bakit?BAKIT NYO PA AKO BINUHAY?!!"sigaw nya at kahit nahihirapan pinilit nya parin tumayo dun na lang ako na himasmasan ng marinig ang mga nagbabaksakang gamit sa labas.
Agad akong tumakbo at laking gulat kong makita ang mga gamit na nagkalat na sa sahig at ang kaninang magandang lugar ay para bigla na lang naglaho.
"Bakit pa ako nagising?!!!"kasabay ng sigaw na yun ay ang mga nagbaksakang gamit mula sa kusina agad akong tumakbo at agad na nagulat ng makita syang may hawak na kutsilyo habang nakatutok yun sa kanya.
"Tigil!"sigaw ko kaya agad syang napatingin sakin tiningnan nya naman ako na para bang inis na inis na sya sakin.
"Lumayo ka sakin at tumakbo kana habang nanghihina pa ang katawan ko"sabi nya habang nakatingin sakin ng masama.
"Yung ulo mo a-at yung sugat mo dumudugo"sabi ko at bigla na lang syang ngumisi sakin na para banag wala syang nararamdamang sakit.
"Isa kang doctor pero takot ka sa dugo?umalis kana bago kopa itutok sayo ang hawak ko"sabi nya.
Mahabang katahimikan ang namayagpag ng matagpuan ko ang sarili kong nakayakap sakanya.
Narinig kona lang ang malakas na pagbagsak ng kutsilyong hawak nya sa sahig.
"Shhhh itigil mona to"bulong ko
Hindi ko alam kung bakit koto ginawa pero para sakin ito lang ang magagawa ko ngayon
"B-Bitawan mo ako."mapamig na sabi nya at mahina akong tinulak tiningnan nya naman ako sa mata.
"Pagsisisihan mong pinigilan mo ako sa gusto ko."sabi nya at naglakad palayo sakin pero hindi pa sya nakakalayo nagtaob na sya dahil sa panghihina.
YOU ARE READING
When I Met You
Misteri / ThrillerWhen I Met You(Ongoing) --------------- Belle is a doctor with a dark past that she doesn't want to go back to but the day comes when she has to go to the Batanes area to watch over a patient who has no identity and is thought by others to be dead...