CHAPTER 6

13 4 0
                                    

TROY POV

Habang tumatakbo ako kasama sina Kier at Mico papunta sa room kung nasan si Belle ramdam kona agad ang pagaalala lalo na nung may marinig akong nagbabaksakan na gamit sa iisang kwarto.

"Bilisan nyo!"sigaw ko at mabilis ma tumakbo ng makarating kami dun ay puro kalat na ang gamit at ang ilaw ay patay sindi na.

"Belle!!"sigaw ko at hinanap sya kahit kaunti lang ang liwanag na nakikita dahil patay sindi nga ang ilaw sila Kier naman ay nakasunod lang sakin.

"May dugo"sabi ni kiee habang nakatingin sa sahig kaya agad akong napatingin dito at sinundan kung saan papunta ang dugo na yun.

"Belle."sabi ko ng makitang puro dugo ang kanyang damit at ang pawis sa kanyang mukha ay tagiktik.

"Akin na ang mga gamit bilisan nyo.!"sigaw nya samin kaya agad agad naman na lumapit si Mico at Kier sakanya.

Tiningnan ko ang pasyente na nakahiga at puro dugo ang kamay at noo

"Anong nangyari?"bulong ko pero agad akong napatingin sa ginagawang panggagamot ni Belle base sa kanyang pistura parang walang nangyari at hindi manlang sya nagrereact sa mga dugo sa kanyang kamay lalo na sa kanyang damit na para bang sanay na sanay na sya sa mga gantong pangyayari.

"Kumuha ka ng room na bago Mico wag na dito dapat ay dun sa malayo sa ibang paayente."sabi ko kay Mico agad naman syang tumakbo paalis at naiwan kaming tatlo nila Belle dito.

"Okay na"sabi ni Belle pagkatapos magpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Paano nangyari ito?"takang tanong ko kaya tumingin naman sakin si Belle.

"Kayo at ang hospital na to dapat ang tinatanong ko."walang emosyon na sabi ni Belle na para bang hindi sya makapaniwala sa nangyari kanina ako naman ay nagtataka parin dahil kahit isa walang sumasagi sa isip kona pangyayari para mangyari ito.

Hinawi ni Belle ang kanyang buhok at ngumisi.

"Mukhang magugustuhan ko ang Hospital na ito*smirk*dahil tumanggap kayo ng pasyente na hindi nyo naman pala ganon kakilala"sabi ni Belle at umalis na agad kaming nagkatinginan ni Kier.

Habang palabas kami ay agad na kumapit sa braso ko si Kier.

"Grabe nakakatakot nagsitayuan balahibo ko"sabi nya at bahagya pang hinawakan ang mukha nya.padabog ko naman na inalis ang kamay nya sa pagkakakapit sakin.

"Para kang bakla"sabi ko

"Bakla na kung bakla pero ikaw ba di natakot nakita mo ba yung mga dugo kanina at yung lalaki na pasyente woah"hindi makapaniwala na sabi nya at nauna ng maglakad pero ako ay kinuba ko lang ang cellphone ko sa bulsa at idinial ang phone no. ni shaine.

Kaylangan nya ng paalisin si Belle ngaypn baka kapag tumagal sya may mangyari pa sa kanyang masama.

[Oh?]sagot nya bumuntong hininga muna ako bago muling magsalita.

"Si Belle nanganganib sga dino Shaine kaylangan nya ng bumalik dyan sa Batanes."sabi ko.

Belle POV

kapapalit ko lang ng damit at nandito ako sa cafeteria dahil hanggang ngayon hindi parin nag sisink-in za utak ko ang mga nangyari kanina gusto kong kalimutan pero kada anong kilos ko yun ang naaalala ko.

"Belle!!"rinig kong sigaw ni Vernice sa malayo pero hindi ako tumingin sakanya dahil patuloy lang akong umiinom ng kape pero nagulat na lang ako ng itaas nya ang braso ko.

"Okay ka lang may masakit ba?sabihin mo?"sabi nya sakin na may pagaalala kaya agad kong inalis ang pagkakahawak nya sakin

"Okay lang ako"sabi ko at umupo naman sya sa tapat ng upuan ko

"Alam mo bang alalang alala ako ng makasalubong ko si Mico na sinasabing gising na yung pasyente mo at puro dugo ka"sunod sunod na sabi nya

"Hindi naman ganon kalala ang nangyari kanina dahil nahandle ko naman ito ng ayos."sabi ko at tumayo na

"Kaylangan ko nang umalis dahil ngayon ililipat ng kwarto ang pasyente ko"sabi ko at tinalikuran na sya ng higitin nya ang damit ko.

"Oh kunin mo yan para mawala yang stress mo"sabi nya at iniabot sakin ang isang gum bago ngumiti ng malaki sakanya kaya tumango naman ako at umalis na.

Pagkalayo ko sa cafeteria ay agad kong tiningnan ang gum na iniabot nya sakin at sikretong napangiti.

"Hindi ko alam na may nagaalala parin sakin sa gantong pangyayari."

Nilagay ko naman ang gum na yun sa pants ko at dumiretso sa kwarto na pinaglipatan.

Nakita ko agad dun si Troy na i aaaikaso at ikinakabit ang mga makina na nakakabit kanina sa lalaking to.

"Belle kaylangan kitang makausap mamaya"sabi ni Troy at nilagpasan na ako upang lumabas pero hindi ko lang sya pinansin dahil nanatiling nakatingin ang aking mata sa pasyenteng nakahiga at parang namamahinga lang na para bang walang nangyari.

"Hindi ko alam kung bakit pero ang isang katulad mo hindi na dapat dinideretso sa hospital na tulad nito"bulong ko dahil sa kinilos nya pa lang kanina mukhang hindi sya normal na tao at mukhang sya din yung tipo na kinakatakutan ng mga inoseteng nilalang sa mundo.

Tiningnan ko ang mukha nya ngyon ko lang napansin ang maliit na hiwa sa kanyang pisngi.

"Tsk"agad akong napaatras ng marinig ko yun sakanya unti onti nyang binuklat ang kanyang mata at gumuhit sa kanyang labi ang ngisi at ang kanyang mata ay tumungin sakin kaya tumayo ako ng ayos at tiningnan sya ng diretso kung kanina ay natatakot ako sakanya nhayon ay nabawasan ang takot ko ng makuta ang ugali nya kanina.

Bumuntong hininga sya at mahinang tumawa

"Ang akala ko ay tatakbo kana kanina ngayon naman ay nandito ka sa tabi ko at nakatingin ng ganyan sakin"sabi nya ramdam ang panlalamig sa kanyang boses na mukhang labag pa sa loob nya ang pagsasalita.

"Hindi ko alam na may Doctor palang tumatanggap ng pasyenteng patapon ang ugali."sabi ko at lumapit sakanya.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa mo dito pero umalis kana"sabi nya at pumikit na tipong matutulog at inaasahan na aalis ako.

"Hindi ko din alam kung anong ginagawa ko dito pero mas nakakapagtaka na may pasyenteng mayabang habang may benda sa ulo"sabi ko kaya agad syang mumulat na para bang ngayon nya lang narinig ang mga salitang yun lalong sumeryoso ang kanyang mukha at dahan dahan na umupo.

"Kilala mo ba talaga ang taong nasa harapan mo?"sabi nya kaya agad akong ngumisi.

"Hindi at wala akong balak na kilalanin"sabi ko at tiningnan ang oras sa aking orasan.

"Aalis na ako"sabi ko at kinuha ang coat ko sa upuan ng bigla syang tumayo at isa isang tinanggal ang mga nakakabit sakanya.

"Bumalik ka sa higaan mo at wag mo ng ituloy ang balak mo"sabi ko habang nakatingin sakanya pero seryoso lang syang lumalapit sakin habang tumutulo ang dugo sa kamay dahil sa mga tinanggal nya.

"T-Tingnan mo ako sa mata"sabi nya kaya agad ko syang tiningnan pero nagulat na lang ako ng sakalin nya ako sa leeg pwersa ko itong tinatanggal pero hindi ko kaya.

"Bakit?w-wala akong n-nakikita?"sabi nya kaya tumingin sya sakin.

"B-Bitawan mo ako"sabi ko sakanya at hindi pinapansin ang mga sinasabi.

"Bakit wala akong nakikitang takot sa mga mata mo?!!"sigaw nya na ikinagulat ko unti unti ng tumutulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.hindi ako manhid.

"D-Dahil......"sabi ko at tumingin sa mata nya para pa akong natigilin habang nakatingin sakanya.

"D-Dahil nakikita ko s-sa mata mo na n-nasasaktan ka."sabi ko at dun nya na unti unting niluwagan ang pagkakahawak sakin at dun na sya nawalan ng malay pero nanatili akong nakatingin sakanya.

"Anong ginawa ko??"sabi ko.

When I Met YouWhere stories live. Discover now