3

3 3 0
                                    

ᴘᴏᴠ; Jᴀᴍᴇs

  𝐀𝐥𝐚𝐬-𝐤𝐰𝐚𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐛𝐫𝐞𝐚𝐤 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐤𝐞𝐭𝐛𝐚𝐥𝐥 𝐭𝐞𝐚𝐦. Isa lang ang nasa utak namin ngayon ng mga lokong 'to"  ang kumain! Hindi lang naman kasi utak ang pagod sa'min ngayong araw, isama na rin natin ang katawan dahil paspas sa practice ng basketball. Pero mas ayos na 'to dahil wala rin naman akong pinagkakaabalahan sa buhay. Paulit-ulit na lang din naman ang rountine ko sa araw araw, nakakasawa na nga kung minsan.
   
         Yung tipong pagmulat pa lang ng mga mata mo, mapapa-bungtong-hininga ka na lang talaga dahil sa mga bagay na alam mong mangyayari na naman. Nakakatamad lang talagang gumising kapag ganito.

           "Delikado, ngumingiti kang mag-isa?" biglang sabi nitong si Lance habang papasok kami ng bakeshop na malapit sa University. Ito lang kasi ang pinakamalapit na pwde naming kainan, at lugar kung sa'n pwede rin kaming makapagpahinga kahit sandali lang. Paspasan ang practice ngayon dahil malapit na ang tournament.
  
       Habang naglalakad, inakbayan ko si Lance sabay sabing, "Di mo pwedeng malaman, para lang sa single---Ay potek, sorry Pare. Break na nga pala layo. Pwedeng pwede na 'to sa'yo, gusto mong malaman?" biro ko. Kakabreak lang kasi 'yan sa girlfriend niya. "AH!" Natawa na lang ako nang bigla niy akong suntukin sa kanang braso

      "Wala bang kanin dito?" tanong nitong si Xavier habang paupo siya sa unang bakanteng upuan na nakita namin. Isa pa sa mga kasama ko 'yan sa team. Medyo wirdo, pero isa sa mga mapapagkatiwalaan mong tao.

       Sunod-sunod na kaming nagsi-upuan sa mg pwesto namin. "Kung tampalin kaya kit nang magising ka!? Magbasa ka nga, Antuken
Nakita mong bakeshop tapos kanin ang hahanapin mo?" reklamo naman nitong isa ko pang kadamahan sa basketball team, si Tyler.

     "Masama bang mangarap? Ah?! Libre mangarap," tulalang pagkasabi nitong si Xavier. Inaatok na naman 'yan, sigurado

      "Oh, tama na 'yan mga loko. Order na---" kita mo 'tong mga 'to. "Ayos ah?" Nagkanya-kanya  pikit at sandal sila sa mga pwesto nila, akmang matutulog na. "Oo na, oo na, ako na o-order," at saka ako tumayo. Tumingin ako sa menu nilang nakapaskil do'n sa harapan malapit sa counter. May bago kaya sila? Magkape na lang kaya ako? Pa'no ' yung iba naman--- "Sh*t!" May natabig ako paghakbang ko sa gawing kanan ko. Napatingin ako bigla dun sa mantsa sa white blouse nitong kaharap kong babae. Hawak niya pa rin yung tray niya habang nakataob na 'yung cup ng iced coffe nito. 𝑁𝑖𝑐𝑒 𝐽𝑎𝑚𝑒𝑠. 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔!Nantabig pa 'ko, tsk!

       kinuha ko kaagad 'yung hawak niyang tray na agad din naman niyang binitawan at saka ko pinatong 'yun sa katabing table. "Sorry Miss, sorry talaga." Hindi ko alam kung ano tamang sabihin, asar. Inilabas ko 'yung panyo ko at in-offer ko 'yun sa kanya para ipamunas sa namantsahag damit nito.

       Pero parang huminto bigla ang mundo ko nang mula sa pagkakayuko ay tumunghay siya at tiningnan ako. Sabay na ngumiti ang mga mata at labi niya sabay sabing, "No, ayos lang, may jacket naman ako. Tatakpan ko na lang 'to, don't worry." Ligth brown long hair na mas nakadagdag sa mapuputing kutis niya. Mahahabang mga pilik-mata na mas lalong nagpaganda sa hazelnut eyes nito, ang ganda. She has a straight nose, full lips---she seemed to be a picture of perfection. At sa ngiti niya? Asar, tanggal pagod ko ah.

      "Excuse me?"
      
       "Ah?"

        Ngumiti uli siya saka niya sinabing, "Ayos ka lang?"

        May bigla akong narinig na mga nangisian sa bandang likuran ko, na alam ko na rin naman kung sinong mga loko 'yon.

       Napahawak ako sa batok ko at napangiti na lang. "Ah oo, ayos lang," at binaba ko 'yung kamay ko  "Ikaw sigurado ka bang ayos ka lang, ah---

     "Ayos na nga kasi.... sinabi na eh."

     " Yan tayo eh. Medyo makulet lang, 'tol?"

   Narinig kong singit ng mga lokong 'to sabay tawanan. Sasamain ang mga 'to sa'kin mamaya.

     Bago pa 'ko nakapagsalita uli, matipid siyang ngumiti at umalis na siya sa harapan ko. 'Di ko na namalayan na ngayon lang ako nakahinga ng maluwag pagkaalis niya. "Teka," napatingin ako sa tray na ipinatong ko kanina sa table. 𝑆𝑤𝑒𝑒𝑡 𝑏𝑟𝑒𝑎𝑑 '𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎---, "Asar, bahala na." Umorder ako nung inorder ng babae bago ko matabig 'yung tray niya kanina at saka ko 'yun dinala sa table niya.

     Nang datnan ko siya, may kausap siya sa phone. "Yes, I get it. Babalik na 'ko, I'm sorry." Nakita kong seryuso ang mukha niya. 𝑀𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑘𝑎 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡𝑖,  gusto ko sana 'yung sabihin. Saka niya inilayo sa kanya ang phone niya at napatingin sa'kin. "Yes?" tanong niya.

      Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil napatitig ako sa mga mata niya. Her eyes. . . I can see sadness in there. She looks so vulnerable na gusto ko siyang yakapin. I don't know why. . .  I felt so strange. "Kapalit sana nung order mo kanina. Sorry talaga, Miss."

      Tumayo siya habang isinusuot 'yung shoulder bag niya. Mas natakpan na rin ng jacket niya 'yung mantsa ng damit nito kanina. "Ayos lang," saka niya hinawakan 'yung suot niyang jacket. "See?" at ngumiti siya.

    Asar, kahit buong araw kong titigan 'yang mga ngiting 'yan, 'di ako magsasawa. "Oo nga, nice," sagot ko habang nakatitig sa kanya.

    Kinuha niya 'yung inaabot ko sa kanya at saka siya nagsalita ulit. "I' ll go ahead, thanks." Sinundan ko na lang siya ng tingin habang palabas siya ng pintuan.

   At maya-maya pa, may biglang umakbay sa'kin. "Sabihin mo lang kung kami na ang o-order, pre," napalingon ako sa gilid ko, si Lance.

    "Mabuti pa nga at nang magkasilbi naman kayo," saka ako kumawala sa akbay niya at dumiretso ako sa pwesto namin.

    "Didiskarte ka na lang James, nantatapon ka pa ng kape," sabi nitong si Gio

   "Kaya nga,tsk. Nakakahiya," sagot ko naman.

  "Tanda-tanda mo n 'di ka pa marunong tumingin sa dinaraanan mo, Manok,"  dagdag naman nitong si Xavier.

  "Matulog ka na lang," sabi ko sabay sandal. Sayang, hindi ko natanong 'yung pangalan niya. Pero ayos lang, matatandaan ko pa rin siya dahil sa mga ngiti niya. 𝑃𝑒𝑟𝑜 '𝑦𝑢𝑛 𝑎𝑦 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑝𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑢𝑙𝑖𝑡, 𝐽𝑎𝑚𝑒𝑠. 𝑇𝑠𝑘! Pero parang nakita ko na 'yung mga ngiting yung dati. . .

    'Di ko lang matandaan kung saan.

𝐈' 𝐥𝐥 𝐛𝐞Where stories live. Discover now