ᴘᴏᴠ; Jᴀᴍᴇs
"𝐍𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐦𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐥𝐢𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐨𝐤𝐨 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨. 𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐞𝐫𝐚!" sagot ko kay Lance na kausap ko sa cellphone ngayon. Maaga kaming pinapunta ni Captain sa gym ngayong araw kaya pare-parehas kaming mga wala pang kinakaing almusal. Habang wala pa ang Captain, 'eto at nagtuturuan kami kung sino ang bibili ng pwedeng makain ng team. Ano pa nga ba? Asa namang bumili ang mga lokong 'yun. "Sige na, nakuha ko na. Oo na nga---." Napahinto ako nang may bigla akong mapansing pumasok na babae sa bakeshop. Manahimik ka diyan, Lance." Kinukulit ako kung bakit 'di ako nagsasalita. "Mamaya ka na bye." Binabaan kona si Lance ng telepono habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Mahirap na, baka mawala pa.
"Siya 'yun. . . sigurado," mahinang sabi ko sa sarili ko. Siya 'yung babae kahapon na natabig ko habanh naglalakad. Ang totoo, nagbabakasakali lang naman talaga ako na makita ko ulit siya rito kaya ako na ang nagpresintang bumili ng pagkain ng team.
Dumiretso siya sa counter, hindi ko naririnig ang sinasabi niya pero alam kong umo-order na siya. Lumingon siya sa direksyon ng mga bakanteng upuan, saka siya lumapit sa pinakasulok na table at doon siya puwesto. Lumingon din siya sa direksyon ko pero hindi man lang napatingin sa'kin. Tsk, ordinary lang ba ang hitsura ko? 'Di man lang niya ako natandaan. Pero teka. . .
Anong gagawin ko?" Asar," napatingin ako sa cellphone ko. Timatawag na naman ang mga loko. "Mamaya na kayo," pinatay ko 'yung call saka ako tumayo paalis sa pwesto ko. Pero 'di ako nakapaglakad kaagad, hindi ko rin naman alam kung sa'n nga ba ang punta ko. 𝐸𝑡𝑜 𝑛𝑎 𝑏𝑎 '𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑜𝑟𝑝𝑒?
Nakita ko siya nakatingin lang sa labas. Malayo ang tingin at mukhang malayo rin ang iniisip. Mas bagay sa kanya kapag nakangiti lang siya ay hindi 'yung mukha siyanh mataming problema. Tama na satsat, James. Lakasan na 'to mg loob, tara!
Naglakad ako palapit sa pwesto nito habang nakatingin lang ako ng deretso sa kanya. Kailangan kong malaman ang pangalan niya. Oo, tama ka nga Lance. Ngayon na at hindu bukas. 𝐾𝑎𝑝𝑎𝑔 '𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑝𝑎 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎, 𝑖𝑠𝑖𝑝𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑘𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑒𝑎𝑚. Kailangan kong malaman--- Tsk!
Pero hindi, kahit makita ko nalang pala 'yung ngiti niya, okay na. Para kasing may naaalala ako sa ngiting 'yan. Kahit 'yun na lang, ayos na 'ko.
Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya nang bigla namang tawagin nung staff ng bakeshop ang pangalan ko para kunin ang order ko. Sarap sigawan nung crew, lanya kung tsumempo.
"For Lance!? Lance!?" blurry
Bigla akong tamalikod pabalik sa diteksyon ng counter dahil bigla ring tumingin papunta sa dereksyon ko 'yung babae. Wrong timing, panira naman kasi ng diskarte 'yung crew. Pagkarating ko sa counter, kinuha ko 'yung mga order nung mga loko kong team mate saka ako bumalik sa table kanina. Nagpanggap naman ako na inaayos 'yung mga kinuha kong orders kanina, pero ang totoo, 'di ako maalis ang tingin ko sa kanya. ,Lalapitan ko na ba. . .?"mahinang tanong ko sa sarili ko habang inaayos-ayos ko 'tong mga kape sa harapan ko. Nang mahawakan ko naman na lahat ng ibibitbitin ko, "Tara, yra," saka ako naglakad papunta ulit sa dereksyon niya. "Wala ng atrasan 'to," Para akong sirang pinapakalma ang sarili habang palapit sa kanya. Peti nanv dalawanv hakbang na lang ako mula sa pwesto niya. . .
YOU ARE READING
𝐈' 𝐥𝐥 𝐛𝐞
Romance"𝑨 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒊𝒕𝒉, 𝑯𝒐𝒑𝒆, 𝒂𝒏𝒅 𝑳𝒐𝒗𝒆... 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒍𝒅 𝒔𝒂𝒚𝒔 𝒊𝒕'𝒔 𝒊𝒎𝒑𝒐𝒔𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆, 𝒉𝒐𝒍𝒅 𝒐𝒏 𝒕𝒐 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝑭𝒂𝒊𝒕𝒉, 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒂𝒏𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒔 𝒑𝒐𝒔𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆. ...