6

1 1 0
                                    

ᴘᴏᴠ; Jᴀᴍᴇs

   𝐀𝐥𝐚𝐬-𝐧𝐮𝐞𝐛𝐞 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲. Napatagal ang practice ng team,masydong ganado ngayon ang team para sa next game.

   "Ginagabi ka, anak ah," si Lola Dina. Hindi ko siya tunay na lola pero sa tagal na niyang nag-aalaga sa pamilya namin simula bata pa lang ang Dad ko, kapamilya na rin ang turing namin sa kanya, Lalo na nang mamatay ang mother ko.

    Umopo ako sa sofa at saka ibinaba ang gamit ko sa sahig.

   "Marami lang talagang ginagawa sa school, 'La," sagot ko.

   Umopo siya sa tabi ko. ,Wala ka pa bang ibang pinagkakaabalahan, uh, James?" napatingin ako kay Lola Dina.
"Wala ka pa bang . . . nililigawan, anak?"

   Napangisi na lang ako sabay sandal sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa kisame, at saka sumagot. ,Sa totoo lang po, ayokong manligaw ng babae ngayon. Dahil kapag nakikita ko si Dad, natatakot akong maging katulad niya. Masyado siyang nagmahal, kaya ngayon,masyado rin siyang nasasaktan. To the point na gusto na niyang sirain ang sarili niya. Tsk, sh*t happens nga talaga," at saka ako natawa pero hindi dahil sa galak, kung hindi dahil sa nakakainis na katotohanang kayang sirain ng sinasabi nilang pagmamahal ang buhay ng isang tao.

   Anong maganda sa pagmamahal na sinasabi nilang gusto nilang makuha? Kalokohan. . . Dahil ang alam ko lang, nawala ang Mom ko ng dahil din sa salitang 'yan. At ngayon naman, inumpisahan na ng Dad ko ang pagsira sa sarili niya. Bukas makalawa, baka pati siya, mawala na rin sa'kin.

   " Hindi pagmamahal ang sumisira sa buhay ng isang tao," narinig kong sabi ni Lola.

  Habang nakasandal, napatingin ako sa kanya. "Kung hindi 'yun ang dahilan, eh ano po pala, 'La? Ano pa bang pwedeng dahilan nun?" Sa pagkakaalam ko, 'yang pagmamahal na 'yan ang dahilan kung bakit hindi buo ang pamilya ko ngayon.

   Ngumiti siya at saka sinabing, 'Ang maling pagkilala ng isang tao sa pagmamahal ang nagiging dahilan kaya nasisira ang buhay nito."

   Napangisi ako at saka ipinatong sa noo ko ang aking kanang braso. "Malalim masyado, 'di ko makuha. 'Di ko pa nararanasan kaya wala akong maintindihan." Napatingin ulit ako kay Lola. "Pero don't get me wrong, La. I'm not looking for any of that rigth now. Masaya na rin siguro akong single."

Hinawakan ni Lola Dina ang braso kong nakapatong sa noo ko, bigla siyang nagsalita. "Hindi mo pa nararanasan kaya ganyan ang pagtingin mo sa pagmamahal. Depende sa kung anong naranasan o naramdam ng taong nagbibigay ng pakahulugan nito sa'yo. Maaring sa iba masaya, sa iba nama'y malungkot."

   "Masyadong kumplikado kaya hindi muna ako maghahanap ng sakit sa ulo."

   "Hindi ikaw ang hahanap sa salitang 'yan, apo. Ikaw ang hahanapin niyan. . . Kahit ayaw mo, kahit 'di mo sinasadya, kusa 'yang darating at magugulat ka na lang , ayan na nga. Tinamaan ka na niya nang 'di mo namamalayan."

  "Okay," umalis ako sa pagkakasandal ko. "May babae akong nakilala at kahapon ko pa siya iniisip, pero mas mabuti sigurong iniisip ko lang siya. Baka maging kumplikado kapag lumagpas pa do'n," saka ako tumayo at kinuha ko ang bag ko.

   "Tsk tsk tsk, hindi ka na bata pero bagito ka pa talaga sa salitang pagmamahal. Alam mo bang sa pag-iisip nag-uumpisa ang salitang pagmamahal, ah? Sa utak muna bago sa puso ang unang tinatamaan ni Kupido, anak," biro ni Lola

   "Ang dami nyo talagang alam---," napahinto ako, not again." May bigla kaming narinig na nabasag galing sa itaas. "Ako na po," sabi ko kay Lola Dina, at saka ako nagmamadaling umakyat sa may veranda.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐈' 𝐥𝐥 𝐛𝐞Where stories live. Discover now