Six
Ang daming kwento ni Rozen pagbaba namin sa 2nd floor. Halos mabasag ang eardrums ko sa bunganga niya.
"Iha, saan ang punta n'yo?" tanong ni Ninang ng nakasalubong kami sa may Lobby.
"Sa Bar lang po d'yan sa malapit..." sagot ko. Napako ang tingin niya kay Rozen. Nakalimutan ko silang ipakilala.
"Ninang, Rozen po, friend ko." pakilala ko sa kanilang dalawa. Siniko ko agad si Rozen na wala sa amin ang atensyon. Nagtataka niya akong tiningnan at nang makuha ang ibig kong sabihin–naglahad agad siya ng kamay kay Ninang.
"Sorry po, Rozen po pala..." pormal na pakilala niya.
Tiningnan ako ng kakaibang tingin ni Ninang. "Boyfriend mo?" Natawa ako at muntik siyang mahampas. Boyfriend ko raw? Si Rozen? Kung alam lang nila ang tipo ng lalaking 'yan baka matawa sila sa tanong nila.
Ninang cleared her throat at naging awkward sa harap namin. "Sorry po, naku Ninang hindi po... friend ko lang po talaga."
Bumalik ang tingin niya kay Rozen na ngayon ay nakangiti na sa kanya. "Okay sige, mag-enjoy kayo." Ngumiti kami at nagbigay galang bago umalis sa harap niya. Paglabas namin ng resthouse ay halos sabay kaming napa-halakhak ni Rozen dahil sa nangyari.
"Ano raw, girlfriend kita? What the Hell!" natatawa na bigkas niya.
"Huwag ka ng maingay d'yan at baka marinig pa tayo ni Ninang. Mapalayas pa tayo sa resthouse."
Hinawi niya lang ang bangs niya bago umakbay sa akin at hinila ako. Aalis na sana kami nang biglang sumulpot si Hyron sa pagitan naming dalawa at tinanggal ang kamay ni Rozen na nakaakbay sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan. Ano na naman ba ang sadya niya at bakit nandito na naman siya sa tabi ko?!
Sumipol si Rozen at makahulugan akong kinurot sa tagiliran. Sinamaan ko siya agad ng tingin at makahulugan niyang nginunguso sa akin si Hyron...Anong gagawin ko d'yan? Bakit niya ingunguso sa akin 'yan?! Nag-iinit na naman ang ulo ko.
"Bar?" tipid na tanong ni Hyron sa amin.
"Huwag mong sabihin na sasama ka sa amin?" malditang wika ko.
"Masama ba?"
"Hay naku Hyron, sumama kana, ayokong maging bodyguard ng babaeng 'yan kapag nalalasing." Siniko ko si Rozen dahil sa sinabi niya.
Halatang inaasar niya talaga ako sa lalaking 'to, Haist! Wala ako sa sariling nakarating sa loob ng Bar. Umupo ako sa bakanteng table habang si Rozen naman ang umo-order ng maiinom namin. Ginala ko ang aking paningin sa paligid habang si Hyron ay nagmamasid at panay ang sulyap sa akin.
"Bakit?" wala sa sariling usal ko.
"What?" Ngumiti pa siya.
"Bakit ka sumusulyap sa akin?" Mas lalo siyang ngumiti at idiniin sa noo ko ang hintuturo niya. Inis kong tiningnan ang kamay niyang nakalapat sa aking noo.
"H'wag kang mag-assume, tinitingnan ko ang babae sa likod mo." I rolled my eyes. "Kanina pa panay kindat sa akin." Nilingon ko ang sinasabi niya at siya nga ang tinitingnan. I hissed.
Nakaramdam ako ng hiya dahil doon at yumuko na lang. Nang dumating si Rozen dala ang maiinom binulungan niya agad ako about sa waiter na gwapo. I laughed. Kapag boys hunting ang labanan, ang bilis talaga ng mga mata niya.
Panay ang turo niya sa akin ng mga lalaki sa dance floor habang may sinasabi pero dahil sa lakas ng tugtog–wala ako gaanong maintindihan.
Binulungan niya ulit ako. "Aalis muna ako girl, makikipag-sayaw lang sa harap." Aniya at kinindatan ako, samantalang sinenyasan naman niya si Hyron na aalis muna siya.

BINABASA MO ANG
One-Night stand with a HEARTBREAKER | HINOVEL
General FictionNica Hermoine Belle, is one of the most happy go lucky girl. She's a fan of night club, every fuckin night. She didn't believe in love because for him, love can make you miserable like what happen to her best friend. Para sakanya ang salitang "pagma...