Seven - No more than that

12.2K 263 4
                                    

Seven

"Nica tanghali na, gumising ka na!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang sigaw ni Rozen sa labas ng kwarto.

Hinila ko ulit ang kumot at nagsimulang matulog kaso dahil sa ingay niya ay hindi ko na natuloy... Galit ko siyang pinag-buksan ng pinto.

"Ano ba Rozen, ang aga pa! Inaantok pa ako!" bulyaw ko sa kanya.

"Nica, tanghali na at may kailangan pa tayong puntahan!" aniya habang tuloy-tuloy na pumapasok sa loob ng kwarto.

"Saan na naman ba tayo ngayon? Masakit pa ang ulo ko," wika ko habang minamasahe ang aking sentido.

"Basta!" itinulak niya ako papuntang banyo. Papalag pa sana ako kaso mabilisan na niya akong ipinasok sa loob.

"Maligo kana kasi at dalian mo! Hihintayin kita..." Suminghap na lang ako kahit labag sa loob sa gusto niyang mangyari, humanda talaga ang baklang 'yan sa akin mamaya!

Ilang minuto ay lumabas na rin ako ng banyo, akala ko nandoon siya at naghihintay pero wala na pala.

Nagbihis ako ng maayos na damit bago bumaba. Naabutan ko silang nag-uusap ni Hyron samantalang si Ninang ay naghahanda ng pagkain.

"Nandito na pala si Nica!" Narinig kung pahayag niya na nagpakuha ng atensyon nilang lahat.

"Good Morning, iha!" bati sa akin ni Ninang kaya banati ko rin siya pabalik. Tumingin ako sa gawi ni Hyron. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin. Malapit na siya sa akin ng humila siya ng upuan upang paupuin ako roon. My heart jump a bit at sandaling natigilan.

"Salamat," I said and smiled.

"You're welcome..." tugon niya bago bumalik sa inupuan niya kanina.

Lumingon ako kay Rozen na kakaiba na ang tinging pinupukol sa akin bago niya hinila ang dulo ng aking buhok.

"Ouch!" daing ko. Lumapit siya at bumulong.

"Huwag mong sabihin sa akin na nagkakamabutihan na kayo ng artistang 'yan?"

"Hindi...we're just friends..." sagot ko

"Gaga ka, d'yan nagsisimula lahat ng 'yan, sa we're just friends na 'yan."

Inirapan ko siya. Bwisit na baklang 'to inaasar pa ako!

Makaraan ng ilang minuto ay natapos rin naman kami sa pagkain. Ang staffs na ang nagligpit ng pinagkainan samantalang kami ni Rozen ay naghanap ng tyempo upang makapag-paalam kay Ninang. Hindi ko alam kung bakit pa ba namin kailangan magpaalam, but still, for respect I feel like we need to. Para alam niya rin kung saan kami pupunta.

"Saan ang punta n'yo ngayon?" tanong niya sa amin.

"Mamamasyal lang po sana kami Ninang, and then we're going to Island after that. Is it okay?" paalam ko.

Napansin ko ang pagsulyap niya sa dako ni Hyron, hindi namin mabasa ang sinasabi ng mata niya but afterwards she smiled.

"Oo sige, mag-ingat kayo... Ikaw Hyron bantayan mo si Nica ah!" ngumisi agad si Hyron sa bilin ng ina bago bumaling sa akin.

He smiled seductively and winked at me. Sa pangalawang pagkakataon ay kinurot ulit ako ni Rozen habang kinikilig na tumitili ng mahina.

"Girl, masa-sabunutan na talaga kita, kinikilig ako sayo!" sabi niya habang pasimpleng hinahampas ang braso ko.

Ang landi! Ugh!

Si Rozen ang pinagbitbit ko ng mga gamit dahil halos siya naman ang nag-ayos ng mga gamit ko. Psh! Hindi man lang ako tinanong kung ano ang preference kung suotin ngayon.

One-Night stand with a HEARTBREAKER | HINOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon