02

11 7 0
                                    


----


"Ma'am, wake up, may nag hihintay po sainyong babae sa may lobby." Tawag sakin ng secretary kong si april. What the fudge? Nakatulog ako? Omg.




"Sino?" I asked pagka bangon ko sa desk.



"Rhea daw po ang name ma'am, kilala niyo daw po siya." Sabi ng secretary ko. Wait rhea? Parang natatandaan ko nga siya hmm, wait aalalahanin ko muna. Oh shoot! Si rhea!! Isa sa mga kaibigan ko. Nagmadali akong pumunta sa lobby at nakita siya roon na nag hihintay.




"OMG rhea!! AAAA it's nice to see you again gorgeous!!" bati ko sakanya at agad siyang niyakap.



"Hey there pris, i missed you too." Pagbati niya sakin at ginantihan ako ng yakap.




"How are you? Kamusta na kayo ni kyle?" tanong ko agad sakanya. nanlaki naman ang mata niya at nag blush bigla, hay inlove na inlove 'tong si gaga.



"O-okay naman kami, uhm, may purpose kasi talaga kaya ako andito." sabi niya.



"Tinanong ko lang si kyle, namula ka na jan, hay nako sige ano ba' yon?" natatawang tugon ko sakanya.




"Here" abot niya sakin sa isang sobre na may design sa gilid. nagtataka akong kinuha 'yon at binuksan.




"OMG!! Ikakasal na kayo!?" sigaw ko ng mapagtantong wedding invitation ang binigay niya sakin, omg, nakakakilig, isa kasi sila sa sikat na couple sa school dati kasi matatalino at maganda' t gwapo naman talaga sila.




"Shh shh girl nakakahiya ka ang ingay mo!!" palo niya sakin na namumula pa ang pisnge. natawa ako sa reaksyon niya.



"So ayon nga, invited ka sa kasal namin, sa friday na 'yon, ipapadala ko nalang ang dress na gagamitin, I'm expecting you to be there okay? ay here pala, invited din si cedric, ipapadala ko nalang yung susuotin niyo ha? I need to go na girl, madami pa akong pupuntahan. Bye I love you. " she said at hinalikan na ako sa pisnge, tinanguan ko lang siya at ngumiti.



pagkatapos ng pag-uusap namin ni rhea ay dumeretso narin ako sa office para kuhain mga gamit ko, para makauwi. pag dating ko sa condo wala pang tao kaya nag wash muna ako at humiga sa kama at kinuha ang laptop para sana matapos ko na ang mga hindi ko natapos sa office, pero nakatulog ako. nagising nalang ako sa tawag sakin ng isang pamilyar na tao.



"Love, wake up, dinner's ready." sabi niya kaya napabangon ako agad dahil bigla kong naramdaman ang gutom. pagkalabas ko, dumeretso na ako sa lamesa at hinintay siyang umupo.



Love behind the liesWhere stories live. Discover now