05

12 4 30
                                    



----


-Continuation of Flashback-



andito kami ngayon sa Greenwich nirentahan itong buong place para icelebrate ang laro nila renz, nanalo sila, grabe tambak e sila 105 tapos yung kalaban nila 75, masyadong mainit ang laban kanina kaya't halos lahat ay tutok sa labanan nila.




dumating na ang orders namin at nagsimula na kaming kumain. maya't maya pumunta ang isang waiter sa dito at bumulong kay renz.




"papasukin mo sila"




hindi ko na pinansin ang usapan nila at kumain na. wala ako sa mood ngayon e, nakausap ko kasi priscilla at yung daddy niya na naman pinagalitan na naman siya dahil lang sa hindi sinasadyang pagkabasag ng baso kaya grounded siya ngayon.



badtrip talaga, kung wala lang akong respeto sa nakakatanda, baka pinatulan ko na 'yon. kaso ayokong saktan ang nararamdaman ni pris, masyado ko siyang mahal, at masyado niya ring mahal ang daddy niya kahit ginaganyan siya. mabuti na nga lang at mabait si tita hazel sakanya e, mommy ni pris. lagi ni tita pinagtatanggol si pris pero bakit ganon pakiramdam ko sa pamilya nila? parang may tinatago?




busy ako sa pagkain ng biglang may humimas ng braso ko.
gulat akong napatingin dito.




"hi, it's nice to see you 'again' here..." i didn't expect to see her again here. what the hell.




"h-hey, can you please, g-get your hands o-off me? b-baka kasi may makakita at i-iba yung maisip n-nila."




hindi niya tinanggal ang kamay niya sa braso ko pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko tinatanggal? kayang kaya ko naman siyang tanggalin pero bakit parang ayaw ko? nagtatalo ang puso't isipin ko.




"hey what are you two doing?" biglang singit ni claire. girlfriend ni rhenz




napunta ang atensyon samin ng mga kasama namin kaya bahagya kong naitungo ang ulo ko. bakas sa mga mukha nila ang panunukso at pagtataka.




please, wag niyong bigyan ng meaning 'tong nangyayari!! ayokong makarating to kay pris, ayoko, ayokong mawala siya sakin dahil lang sa hindi pagkakaintindihan na ito!!!




"it's not what you t-t-think... n-nilagay niya lang yung kamay niya ng kusa sa braso ko..." hindi ako makatingin sakanila kasi baka, baka magalit sila sakin at pag-isipan ako ng masama.


Love behind the liesWhere stories live. Discover now