Napabalikwas ako dahil may lumagapak sa labas ng kwarto ko. Ano yun? Kusot kusot ko ang mga mata habang sinusuri ang labasan ng aking kwarto ngunit wala akong nakita na sinyales na nakakapag sabi kung ano iyon. Bumalik na lamang ako sa kwarto at nahiga ulet. Pinilit kong ipikit at matulog ulet ngunit hindi ko magawa.
Nakakainis talaga kapag nagigising ako ng ganitong mga oras, hindi na ako makakatulog ulet. Alas tres y media sa madaling umaga, heto ako't mulat na mulat ang mga mata. Kinamot ko ang aking ulo at inopen ang cellphone. Binuksan ko ang socila media accounts ko at sinirado ulet sa kadahilanang wala namang maraming online ngayon dahil sobrang aga pa.
Habang nag mumukmok ako ay nahulog ang talukap ko.
Andito na naman tayo, oh! Alas sais na at ngayon pa dinalaw ulet ng antok. Ano ba yan!
Imbis na matulog ulet ay dumiretso ako sa banyo at parang tangang binilang ang mga daliri kung ilan ang naging tulog ko.
Tulog na ako nong alas nuebe, kaya magsisimula akong mag bilang sa alas dies. Ten, eleven, twelve, one, two, three. Three ako nagising so may anim na oras akong natulog. Napahinga ako nang nalaman na kahit papano ay sakto lamang ang aking tulog.
Agad akong naligo at nagbihis.
Naaamoy ko na ang mga niluto ni Mama kaya ay lumabas na ako. Lalo na nong kumalam na ang sikmura ko.
"Good morning, Mama"
Bati ko sa kanya, nakatalikod siya dahil sa kanyang ginawa at humarap na ngayong napansin ako."Good morning, anak. Maaga ka ah? May pupuntahan?"
Umupo ako sa lamesa iyong sakto ko lamang na matanaw siya.
"Wala po, nagising lang ng maaga. May narinig kasi ako kanina na may lumagapak sa labas ng kwarto ko kaya nagising ako bandang alas tres."
Paliwanag ko sa kanya na ngayon ay nasa ginawa na ang atensyon. Sinusundan ko ng tingin ang kanyang ginagawa."Oh? Tiningnan mo kung ano iyon?"
Ngayon ay nasa akin na ulet ang atensyon niya."Opo, pero wala naman akong nakita."
Ngiwi ko sa alaala kanina.Tumango siya at binalik na naman ang gawi sa niluluto.
Nag volunteer ako na maghugas ng mga pinaggagamitan niya sa pagluto at para na rin siya ang mag handa sa lamesa. Sinabi niya rin sa akin na baka ang pusa iyon sa kapitbahay namin na nagawi sa bahay at baka may naitumba na plastik vase, kasi may napulot daw siya kanina sa paggising niya.
Tumango tango ako habang sinusubo ang chicken bilog. Nag vibrate ang phone ni Mama sabay ang pag ilaw noon. Nakita ko sa lockscreen ang picture naming dalawa doon noong graduation ko sa highschool. Napangiti ako. Hindi niya pa rin pala pinalitan.
Nag excuse siya upang sagutin ang tawag ng kung sino. Ako naman ay nag patuloy sa aking pagkain.
Sabado ngayon. Ano kayang planong gagawin ni Mama gayong wala kami parehong pasok sa school? Hmm, siguro maglinis ng bahay o hindi kaya'y mag grocery? Or... Tatapusin niya ang kanyang mga reports sa school? Ewan, bahala na nga. Kung ano ang gagawin niya ngayon ay tutulungan ko na lang.
Tinapos ko ang pagkain at uminom ng tubig. Sinundan ko siya sa veranda at tinanaw siyang nakipag tawanan doon.
Tatanungin ko sana kung kakain ka pa ba siya o hindi na dahil kung hindi na ay ililigpit ko na. Ngunit naunahan na niya ako. Sinabi na niyang iligpit ko na dahil ayaw na niyang kumain.
Matapos kung iligpit ang pinagkainan namin ay bumalik ako sa kwarto.
Kinatok niya ako sa kwarto at sinabing magpapatulong siya sa pag encode ng mga reports ng kanyang mga estudyante na agad ko namang tinalima dahil wala naman akong gagawin.
Dalawang oras o higit ang aming ginugol sa pag encode niyon. Nanakit ang likod ko sa kakatype, siya naman iyong taga dikta. Ako na ang nag type para naman ay magaganan siya kahit papano.
Matapos namin sa ginawa ay nag meryenda kami.
"Naku! Wala na pala tayong mailuluto mamaya. Naubusan na tayong mga groceries."
Sabi niya ng tanaw tanaw ang ref at kabinet na lagayan ng aming mga sangkap.Subo subo ko ang pancake na bagong luto niya. Nakikinig lang sa kanyang mga hinaing at ang mata ay nasa TV.
"Tulungan mo ako mamayang mag grocery?" Maligaya niyang tanong. Alam niya kasing gusto ko ang mamili ng mga lulutuin at mga sangkap nito.
"Sure, Mama."
At ginantihan ang kanyang maligayang aura.Daldal siya ng daldal habang naglalakad kami patungong Mall. Ako naman ay walang magawa kundi ang makinig sa kanyang mga kwento. Kinukwento niya kasi kung gaano ka kulit ang kanyang mga tinuturuan. Lalo na at mga bata pa.
"Nakaka stress nga eh. Pero okay lang. Masaya naman ako eh. Stress sila sa akin pero stress reliever din."
Sabay tawa niya. Nahawa din ako sa tawa niya kaya napasabay ako."Nandito na tayo. Tara na anak"
Tinahak namin ang Mall at sinalubong agad kami ng marami raming tao. Weekend kasi kaya ganon. Dumiretso kami sa meat section. Matapos ay doon naman sa mga gulay. Mas maraming gulay ang binili naming dalawa simce vegetarian talaga ang lahi namin. Doon namin kami sa mga sangkap at panlasa nang matapos. Huli naming binili iyong mga requirements sa darating na pasukan ko. Sa lunes na kasi iyon. Una ay wala akong balak bumili ngayon. Bukas na sana pero nandito na kami kaya bakit hindi na lang ngayon.
Naiwan si Mama sa mga bibilhin niya at ako naman ay umakyat sa second floor para makabali na ng mga school supplies.
Nilaro laro ko ang escalator habang kumakanta ako ng mahina, iyong ako lang ang nakakarinig. Nang ihakbang ko na ang mga paa ko ay doon ko napagtanto na kinain na pala ng gumagalaw na hagdan ang sintas ng sapatos kong suot. Agad akong kinabahan ng hindi ko kayang hablutin iyon. Pinapawisan na ako ng malamig. Baka pati ako maipit diyaan. At uusbong ang balita. Isang dalaga naipot ang sintas pati siya ay nadala, patay!
Naku naman! Ang pangit naman ng pagkamatay ko kung sakali. Ano na? Hindi ko talaga makuha e. Naiiyak akong tinanaw ang escalator na malapit ng maubos at aakyat na ako sa saktong floor pero hindi ko makuha ang sintas ko.
Hindi ko makuhang gumalaw ng isang grupong lalaki ang dumaan at natabunan nila ako dahil sa kanilang tangkad. Parang nagkakatuwaan silang mag barkada at nag ha-high five sila sa isa't isa.
Mas lalo lamang akong kinabahan ng napansin nila ang presensya ko. May isa pang sumipol. Ngunit naestatwa ako ng ginalaw ko ang aking mga paa ay nakuha ko ng ihakbang ang paa kung saan naipit ang sintas ng sapatos doon. Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang naghila noon. Ang naabutan ko na lamang kasi ay ang likod niya. Nauna siyang umalis doon matapos siguro hilain ang sintas ko. Hinabol siya ng kanyang mga kaibigan at wala akong nagawa kundi sundan sila ng tingin.
Napahinga ako ng malalim. Pero agad ding nanlumo sa katotohanang hindi ko man lang napasalamatan ang lalaking iyon. Saka baka hindi ko rin makuhang magpasalamat sa kanya kanina kung sakali man dahil ang dami nila at nakakahiyang humarap, saka mukang nagmamadali pa silang mag barkada.
Hayaan na nga lang natin iyon. Alam ko naman na may panahon ring magkikita pa kami ulet.
Pero hindi ko alam anong hitsura non. Pati pangalan.
Ah! Basta.
We'll meet somewhere, someday, again.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 2: Shoe Laces
General FictionHannah Muriel ay isa sa biktima sa mga pangakong napako. Ang unang nagtaksil ay ang kanyang ama, na ang akala niya'y hero sa kanyang buhay. Pangalawa ay ang taong unang minahal niya ang nagpabuo sa kanya, subalit napako ang mga ito. Naputol ang tiwa...