CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Nilayo ko ang speaker ng phone ko para suminghot para na rin hindi niya marinig na umiiyak nga ako.

"Are you okay? May sipon ka ba?" Pagtatanong niya sa kabilang linya.

Pa'no niya nagawang kalmado gayong akala ko lasing siya at nakipagharutan? Muling tumulo ang luha ko sa sinabi ng aking isipan. Wala naman akong paki kung anong gagawin niya. Pero bakit ako umiiyak dito? Nakakalito naman ito.

Hindi ko nakaya at pinatay ko ang tawag. Tinapon ko ang phone ko sa kabilang banda ng kama ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka ako umiyak ng umiyak.

Am I jealous?

No way!

Hindi pwede.

Pagod lang siguro itong nararamdaman ko.

Kasalanan ko ba kung bakit niya nagawa iyon? Kasalanan ko ba dahil nakalimutan kong may usapan pala kami kaninang umaga at mas pinili kong sumama at magpahatid kay Zach?

Eh ano naman kung nagpahatid nga ako, ha?

Naalala ko ulet ang babae sa mga hita niya. Nag iinit ang ulo ko at gusto kong sampalin si Nova. Ang kapal ng mukha niyang magalit na makalimutan ang usapan namin gayong ibang babae pala ang gusto niya. Ang kapal ng mukha niyang ipakitang nasasaktan siya dahil nakita niya akong nagpahatid kay Zach. Ang kapal niya. 

Muling nakabawi ang sarili kong utak. Revenge? Paghihiganti ba ang ginawa niya sa nagawa ko?

Nakatulugan ko ang pag iyak. Nang nag umaga ay namamaga ang mga mata ko kaya tinago ko na lang sa makakapal na foundation at make ups.

Bumuntong hininga ako. Ayoko sanang lumabas at pumasok kaya lang iyong reporting namin. Kawawa naman si Zummy. Ngumuso ako. Ano ba kasing iniyak iyak ko kagabi.

Muling sumagi sa isipan ko ang photos na iyon.

Tss. Pakialam ko ba dun?

Nang bumaba ako ay sinalubong ako ni Mama na nagtataka at puno ng question mark ang isipan.

"May nangyari ba?" Sinabayan niya ang lakad ko hanggang sa dining area namin.

"Ha? Wala naman, Mama. Bakit?"

Naupo ako at kumuha ng pagkain. Tiningnan ko siya na nag iisip. Masuyo niya akong tinitigan.

"You're wearing makeup. Presentation?"

Nalunok ko ang pagkain ng wala sa oras. "yeah. Reporting kaya mas maganda pag formal ka"

Umupo si mama sa harapan ko at kumuha din ng pagkain saka kumagat nito. "Nagpunta si Nova dito kagabi. Hinanap ka. Gusto ka raw'ng makita. Eh, tulog ka na kaya sabi ko bukas nalang at sabay kayo papuntang school"

What the hell?

Muntik akong nabulunan sa sinabi ni Mama. Anong...

"Lasing ata iyon, gusot pa ang polo niya. May problema ba ang batang iyon?" Muling pagsasalita ni Mama ng hindi ko makuhang umimik.

"I don't know" mahina kong sabi. Napatingin si Mama sa akin. Kumurapkurap ako sala tumayo. Nagpaalam akong mauna na sa school. Aniya'y sasabay nalang siya sa mga kapatid kong lalaki.

Nang nasa bukana ako ng pintuan palabas ay nahimigan ko ang busina ng sasakyang sobrang pamilyar. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi nga ako nagkamali. Si Nova iyon.

Preskong presko siya ngayon. Complete uniform at maganda ang korte ng kanyang buhok. Muntik ko ng makalimutan ang nangyari kagabi.

"Good morning"

Colonus Series 2: Shoe LacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon