Mabilis ang mga pangyayari. Lalo na at dumaan ang midterm exam kaya halos hindi na namin napapansin ang pagtakbo ng oras. Maraming kailangang gawin at ipasa. Maraming kailangang ireview. Kaya naman nong natapos na ang kalbaryo, we gathered in the gym.
May announcement daw. Balita ko ay tungkol ito sa nalalapit na intrams. Mabuti nalang at naisipan nilang gawin ito matapos ang midterm. Kaya makakapag enjoy talaga ang mga students.
Nandito na kami ngayon sa gym. Diretso ang tingin ko habang si Zumita ay kumakain naman sa aking gilid. Hinayaan ko siya at tahimik na nagmasid sa aking paligid.
Simula din nong incidente, hindi ko na nakitang muli pa si Zach. I don't know where he is. Ayoko ring tanungin si Zummy dahil nga sa busy kami sa midterm. Siguro kukumustahin ko nalang kapag nagkaroon ng oras.
Marami na ang estudyante sa gym kaya hindi nagtagal ay sinimulan na ang pag aanunsyo sa mga gagawin sa intrams.
Kahit hindi intresado ay nakinig nalang ako. I'm into volleyball when I was in Highschool. Dahil sa tangkad ko ay maraming nasasayangan kung bakit hindi ako nagpatuloy sa pagiging varsity ko.
Ayokong ungkatin ang nakaraang dahilan kung bakit hindi ako nagpatuloy. Nililibing ko na iyon kaya wala ng dahilan para hukayin ko pabalik.
"What sports do you like to watch? Aren't you going to play volleyball?" Tila walang ganang tanong ni Zumita sa akin na nasa harap ang tingin.
Napalingon ako sa kanya pero agad binalik ang tingin sa harapan. "Siguro volleyball." Kalmado ko ring sagot sa kanya.
Tumango siya at kinuha ang tubig sa bag. Binigay niya iyon sa akin na agad ko namang tinanggap dahil kanina pa ako nauuhaw.
"Hindi mo ba papanoorin mga kapatid mong mag laro?" Pag tutukoy niya sa mga kapatid kong lalake na parehong basketball players. Varsity.
"Still don't know, if I'm not bored then I'll watch them."
Muli siyang tumango saka nanahimik na. Napapahikab ako sa daming guro na pinakilala dahil sa mga specific na sport na kanilang ihahandle.
"Canteen muna tayo, Zummy. Let's have coffee."
Walang salita siyang sumunod sa akin. Hinintay kong makapag order iyong nauna sa akin kaya tumingin tingin muna ako sa paligid. Walang masyadong tao dito dahil nasa gym. Kaya kitang kita ko ang pag lingon ni Nova sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, sabay tingin sa kabilang direksyon. Kitang kita ko ang galit niya sa kanyang expression pero hindi ko pinansin. Nagkunwari nalang akong walang nakita.
Tapos ng mag order ang nauna sa akin kaya ako na ang sumunod. Dalawang cappuccino ang inorder ko at mabilis na bumalik sa lamesa namin ni Zumita.
Ang hindi ko alam ay nandoon na pala si Nova. Nakikipag usap kay Zumita na walang expression sa mukha.
"She's here, just ask her directly."
Tumaas ang kilay ko sa dalawa at mahinang nilapag ang kape sa lamesa.
Sinundan ni Nova ng tingin ang lahat ng kilos ko kaya naiilang ako. Tumikhim ako at naupo sa harap niya, katabi ni Zummy.
"Ikaw ba representative sa Department natin?" Nakataas ang kanyang kilay. Naka kros ang braso at nakatunghay siya sa akin.
"I don't remember I accepted the offer." Humigop ako sa cappuccino ko saka binaling ang tingin kay Zumita na busy sa kanyang cellphone. Hinihipan niya pa ang kape niya habang malikot ang kamay sa phone nya.
"I heard from Clyde." Matalim ang kanyang tingin sa akin. Nag igting ang kanyang bagang at para akong natatakot na ganon ka lalim ang tingin niya sa akin.
"It's just a rumor. I rejected the offer."
Bumuka ang bibig niya. Siguro ay may sasabihin pa ngunit nang nakita ang expression ko ay tumahimik nalang. Nag order ako ng burger saka kumain. Nagugutom talaga ako kaya hindi ko na napansin ang kanina niya pang titig.
Pinanlakihan ko siya ng mata, "What?"
Ngumuso siya at nag buntong hininga. Umiling iling siya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Humigop nalang ako ng kape habang si Zummy naman ay busy pa rin sa kanyang cellphone. Maya maya lang ay tumayo ito.
"Saan ka?" Pag tatanong ko dahil sa biglaang pagkilos niya.
"Ewan ko kung saan ako dadalhin ni Kuya." Walang ganang saad niya.
Naitikom ko ang bibig ko. Napalunok kong napatanong sa kanya. "Kumusta na pala siya?"
Dinig ko ang pag tikhim ni Nova sa harapan ko, imbis na pansinin siya ay kay Zummy nalang ang atensyon ko."Mag tatransfer na sya ng school. I'll tell you the details later. I need to go, bye."
Naiwan akong nakanganga. Hindi ma proseso sa utak ko ang sinabi ni Zummy. Hanggang sa natapos ang araw na iyon ay hindi ko parin talaga ma isip ang dahilan ng pag tatransfer ni Zach sa ibang school.
Bumuntong hininga ako. Imbis na mag basa, na wala namang pumasok sa isip ko ay pinili ko nalang lumabas at nag Starbucks.
Papunta pa lang ako sa Starbucks ay pabalik balik ang tunog ng phone ko. Nong una inignora ko pa ito. Nang nagtagal na ay kinuha ko na ito at tiningnan kung sino iyong tawag ng tawag.
"Ugali mo ba talagang hayaang mag ring ang phone mo?"
Inilayo ko ang phone sa aking tenga dahil sa kanyang pag galit na boses. Inis na inis siya.
"Kanina pa ako tumatawag. Bakit di mo sinagot agad. Damn pinapatay mo ako sa pag alala."
Hindi ako nakasagot. Nakatulala lang ako hanggang sa tumigil ang taxi sa harap ng mismong lugar.
"Aren't you going to answer me, Hannah?" Madilim at mababa na ang kanyang boses kaya napilitan akong sumagot.
"S-sorry..."
Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. I don't know. He's acting weird thesepast few days. I really don't know.
"Where are you?"
Kalmado niyang tanong matapos ang ilang segundos niyang pananahimik.
Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Matapos ang ilang minutos ay nakita ko na siyang papalapit sa lamesa ko dito sa loob ng Starbucks.
Napatingin ako sa kanyang mga mata na puno ng inis. Sumabay pa ang kanyang damit na parehong itim simula sa pang itaas hanggang sa paa.
Napanguso ako. Hindi ko ata ito nakitang naka de color. Rinig ko ang mga bulong bulungan sa counter. Napairap ako. Yeah right. Kahit sino napapalingon sa gandang itsura na iyan.
Medyo na iinis ako pag nalamang lahat ng atensyon ay nakukuha niya. Na bubwesit ako.
Hindi ko namalayang kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Kaya nang binalik ko ang tingin ko sa kanya ay nasa harapan ko na siya.
Tinaasan niya ako ng labi at ganon din ang gilid ng kanyang labi.
"What- what are you doing here?"
Ngunit wala siyang naging tugon. Mas lalo lang mapag laro ang ngiti sa kanyang labi. Na hindi ko alam bakit ganon.
"Tsk." Tanging saad ko na lang.
"Ikaw. Why are you here?" Naupo siya sa aking harapan. He sat back amd crosssed his arms aound his chest at masuri akong tinitigan.
"Why do you care?"
Tumagilid ang kanyang ulo dahilan kung bakit ko nakita ang pag tagis ng kanyang bagang at ang mabibigat niyang hininga.
"Yeah? Why do I care?" Malamig niyang tanong pabalik.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 2: Shoe Laces
General FictionHannah Muriel ay isa sa biktima sa mga pangakong napako. Ang unang nagtaksil ay ang kanyang ama, na ang akala niya'y hero sa kanyang buhay. Pangalawa ay ang taong unang minahal niya ang nagpabuo sa kanya, subalit napako ang mga ito. Naputol ang tiwa...