CHAPTER 11

3 0 0
                                    

"Sabay tayo bukas pupuntang school. Kukunin kita,"

That was the last words he said after nagpaalam kay Mama na umuwi na. I was so overwhelmed na hindi ko namalayang kanina pa pala ako naka tunganga sa harap ni mama.

"May nangyari ba, Hannah?"

Mapanuri ang mga mata niya at kahit hindi ko sabihin ay hula ko, may alam na siya. Ayaw ko lang kompirmahin sa kanya.

"Nothing, ma. Antok na ako,"

Before I passed her to go to my room I caught her eyebrows raised. Lihim akong napanguso. Hindi naman ako nagtatago kay mama. Sadyang personal lang masyado ang bagay na iyon.

"What's the score between you with that guy?"

Bigla akong napalingon pabalik sa kanya. Patago akong lumunok. Hindi ko rin siya matingnan sa mata. Umawang ang labi ko pero walang katagang lumabas kaya itinikom ko nalang.

"You're not yet healed, Hannah. I hope you know that to yourself. And I just hope that you also know, it's not our thing to use someone to get over the past."

Tumaas ang kilay niya habang sinusuri ang expression ko. Naka kross na ngayon ang braso niya sa kanyang dibdib.

Yumuko ako. I get her point. Saksi siya sa sakit na dinanas ko na dinulot ni Zach. He was my first love. Kaya naibuhos ko lahat ng pagmamahal sa kanya hanggang sa walang natira sa akin. Naubos ako at ganon na lamang ka lugmok nang iniwan niya.

Alam kong ayaw lang ni mama maulit iyon. She cares, so much. That's why she's confronting me right now to give warning. To be careful.

I know it's been years after I ended my relationship with Zach but still it's not easy to just forget it like it's nothing.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya at tumango.

"O-of course, ma," tanging na isagot ko.

"Aight. Go to sleep."

Iyon ang laman ng isip ko hanggang sa kinaumagahan. Lalo at naalala kong wala akong balita kay Zumita. She didn't text me.

Lumabas ako nang bahay para lang makita si Nova na nakatambay na sa labas ng kanyang sasakyan. Lumunok ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Ang masigla niyang mukha ay napalitan ng seryoso nang nakita akong palapit sa kanya.

Siguro nabasa ang emotion ko.

Binuksan niya ang sasakyan at walang pasabi naman akong pumasok doon. Buong byahe niya akong nilingon lingon. Hinayaan ko siya at wala rin naman akong dapat sabihin sa kanya.

Not until dumating kami sa school. Imbis na siya ang magbukas ng pintuan ng sasakyan ay naunahan ko siya.

Lumalim ang tingin niya sa akin nang nagkasalubong ang aming tingin. Umigting ang panga at tila nauubusan na nang pasensya sa inasta ko.

"Ahm- salamat," nilagpasan ko siyang nakatayo lang doon.

Wala pa masyadong tao sa paaralan kaya wala pang nakakita sa amin. Tanging ang guard lang at iilang staffs, na wala namang paki.

Lumingon ako sa kaliwang bahagi ng aking paningin at isang lalake ang nakatayo doon sa kiosk. Naka sumbrero ito. At sa tangkad, porma ng katawan, lalo na sa tangos ng ilong ay nakompirma ko kaagad kung sino iyon.

Kung paano siya nakapasok dito ay hindi ko alam. Ayokong alamin.

Mabilis na ang tibok ng puso ko. Kinakabahan. Sari saring emosyon at pag iisip ang sumagip sa isipan ko.

Colonus Series 2: Shoe LacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon