Pagkalabas ko ng bahay nanuyo ang lalamunan ko dahil sa aking nakita. Nakaparada ang kanyang sasakyan sa labasan ng bahay namin at nakasandal siya doon. Ang akala ko ay si Kuya ang kailangan niya ngunit ng lumapit siya sa akin ay mas lalo lang akong nawala sa sarili. Lumunok ako saka binalik ang postura.
"Good morning"
Binalewala ko ang pag bati niya sa akin at nilagpasan siya. Naalala ko ulet iyong nangyari sa akin kagabi. Hindi ko magawang makatulog ng maayos dahil sa paghintay ng kanyang reply.
"Oh maaga ka, Nova?" Si mama nang nakalabas para magdilig ng halaman.
"Good morning, tita. Kukunin ko po si Hannah. At kung pwede po sanang makasama siya mag dinner sa labas mamaya?"
Mas lalo lang kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya?
"Oh?" Napatingin sa akin si Mama at nag tago ng ngiti. "Oh sige. Ipaalam mo na lang din mga kapatid niya, itext mo na lang" sabay lingon niya ulet.
"Yes, sure tita. Salamat po. Let's go?" Binuksan niya ang kanyang sasakyan at kinuha ang bag ko.
"Ako na nito" matigas kong saad.
Sa loob ng sasakyan ay ni hindi ko magawang lingunin siya. Wala siyang naging imik pero mayat maya ang kanyang pag tingin sa akin.
Dahan dahan ko siyang nilingon at nagkatagpo ang aming paningin. Mabilis akong nag iwas ng tingin at narinig ko ang kanyang mumunting halakhak. What's funny?
Lumabas ako ng kanyang sasakyan bago pa niya ito mabuksan. Hindi ko siya nilingon at nauna nang pumasok sa school.
"Hello, Hannah"
Nakasandal si Klayra sa dingding at tila hinintay akong dumating.
"Good morning"
"Halika dito" hinila niya ako at pinapunta niya ako sa block niya.
"Anong ginagawa natin dito?" Napatingin ako sa mga lalaki doon.
"Look at that boy, he's so hot!" Patili niyang sabi sa akin. Panay pa ang pag lukso lukso niya sa gilid ko habang tinuturo si Zach. Napalunok ako.
Hindi ko magawang magsalita. Nakatingin lang ako kay Zach na nakipagkwentuhan sa mga barkada niya. May nakaaligid din sa kanyang mga babae. Actually, silang magbarkada ay may partner. Nakatingin lang ako doon na hindi ko alam anong magiging reaksyon. Parang walang ibang tao doon at sya lamang ang napapansin ko.
"Right, nakikinig ka ba sa akin?" Sumeryoso bigla si Klayra at hinila bahagya ang braso ko kaya naibalik ko ang sarili.
"Ha? O-oo. Hehe"
"Right, he's so hot. I think I'm in love with him. He is so kind, cheerful and intelligent guy! OMG!" Pagtitili niya kaya narinig iyon ng mga barkada niya dahilan ng paglingon nila sa direksyon namin.
Nanlaki ang mga mata ni Zach nang nakita ako. Hindi ako nagpahalata na nakita ko siya.
"OMG! Papunta siya sa direksyon natin." Tila nabudburan ng asin si Klayra sa tabi ko habang tinanaw si Zach na naglalakad papunta sa amin.
Naliwanag ang mga mata ni Zach. Ganon naman ang pagpipigil sa kilig ni Klayra. Napatikhim ako nang nakarating siya sa harap namin.
"H-hi" makapal na mukhang bati ni Klayra sa kanya. Naibaling niya ang kanyang tingin sa katabi ko saka binalik sa akin.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 2: Shoe Laces
Ficción GeneralHannah Muriel ay isa sa biktima sa mga pangakong napako. Ang unang nagtaksil ay ang kanyang ama, na ang akala niya'y hero sa kanyang buhay. Pangalawa ay ang taong unang minahal niya ang nagpabuo sa kanya, subalit napako ang mga ito. Naputol ang tiwa...