FIVE.

39 0 0
                                    

FIVE.

BLIND DATE

Mission-Vision? It sucks. Bakit ba lagi na lang pinapakabisa sa amin ang mission-vision ng school? Eh pagtagal tagal naman nakakalimutan ko na. Nakakatamad ngayong gabi. Ewan ko. Hindi na kase ako sinasama nila kuya sa gala nila. Dalaga na daw kase eh. Eh ano naman? Minsan nga itinutulak pa ko sa mga blind date. Eh kung sinu-sino naman yung mga yun. Mga kaibigan daw yun ng tropa nila, o di kaya school mate. I hate blind dates!

Pero ngayon, bakit ako nandito sa isang resto? At ang nakakatawa pa. Hawak hawak ko ang papel kung saan nakasulat ang mission-vision ng school namin. May exam kase kami bukas dun e. Hindi pa man din ako kabisoteng tao. So kailangan kong pagsiksikang mabuti sa utak ko ang bawat letra na nakapaloob dun. Ewan. Bahala siya kung maturn off siya sakin. Pinagbigyan ko lang naman sila kuya dito e. Wala naman silang sinabi sakin na bawal kong gawin ang gusto ko.

Basa. Basa. Basa.

Ang hirap! Sakit sa utak. Ang masaklap pa. Bakit ako ang naghihintay sa kablind date ko? Ako ba ang lalaki? Kaloka ah!. Ang tagal naman nun? Saan kayang lupalop galing yun.

Maya maya pa eh, may biglang umupo sa harapan ko.

"Kanina ka pa? Sorry kung nalate ako."

Nakayuko siya habang inaayos nya ang upuan niya.

"Ah, hindi ok lang."

Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Busy ako sa pagrereview eh.

Tapos, bigla siyang natawa. Napatingin tuloy ako.

"Bakit ka tumata-- ? IKAW???"

NO. Can't be.

"Oh? Bakit parang nagulat ka? Mahilig ka pala sa blind date ah!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Excuse me? Ako ang blind date mo!"

Ang yabang nitong lalaking to. Ang sarap saksakin ng lapis. Bakit tong lalaking ito pa. Pero sabagay, matatanong ko na sa kanya kung kilala niya nga ako. Haha.

"Ehem. Magpapakilala muna ako. I'm Patrick Gonzales. And?"

Inilahad niya yung kamay niya sign of shake hands. Pero hindi ko binigay ang kamay ko.

"Mishiaka Lopez."

"Ang arte mo ah!"

"Buti alam mo."

"Aba, masungit pa pala. Dapat pala hindi na ako pumayag na magprox—"

"ANO?"

"Wala, wag mo kako akong sigawan."

Tsss. Nakakainis na talaga ah! Ang yabang yabang ng mukha niya. Ang sarap gupitin tas sunugin. Leshe. Ang gwapo nya kase. O.O

Silence...

"Well, nandito na rin lang tayo. Enjoyin na natin tong BLIND DATE NATIN!"

Kailangan bang iemphasize ang salitang yun?

"Hmm. Ayoko namang maging formal na formal to. So magkwentuhan na lang tayo."

Magkwento ka mag-isa mo. Basta ako magrereview ako dito.

"Mabuti pa ang hangin kinakausap ako."

Waaah. Gusto kong matawa ng malakas pero pinipigilan ko. May pagkaaning din tong lalaking to ah. Bahala ka. Hindi kita kakausapin. Makipag-usap ka muna sa hangin. Haha.

Tapos, bakit parang natahimik siya. Tiningnan ko siya, HUH? Nakatingin siya sakin. Tinititigan niya ba ako?

"HOY! Makatingin ka ah. Problema mo?"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa kin. Iiih. Naiilang ako. Hidi ako sanay ng may tumitingin sakin ng ganto.

"Oy, umayos ka nga. Wag mo nga kong tingnan ng ganyan."

Hindi pa rin siya gumagalaw.

"Oy ano ba?"

No response.

"Mabuti pa nga talaga ang hangin kinakausap ako."

At bigla siyang tumawa. Sobrang lakas. Kaya tumawa na din ako.

"Ang korni mo eh noh?"

"Sus, ikaw din naman. Ginaya mo pa ako. Teka, ano yang hawak mo?"

Ah eto? Panghampas sayo.

"Papel."

"Oo nga noh? Papel nga. Ang tanga ko."

"Now you know."

"Thanks."

Ha? Nagpasalamat siya sakin?

"Youre welcome."

Wala akong panahong makipagbiruan sayo.

Naging seryoso ang mukha niya. Oops. Sobra na yata ako.

"Uy, sorry."

"Uy."

"Sorry na kase."

"Joke lang yun."

"Uy."

Tapos, bigla siyang ngumiti.

"Ang weak mo!!! HAHAHHAAHAH"

Weak ako? Eh ikaw? Best actor. Ang galing mong magdrama. Nakakainis ka. Pinagtitripan mo ko.. Leshe!!

Sinamaan ko ang tingin sa kanya.

"Hindi bagay sayo mataray. Ang cute mo pa naman."

"Eh bakit sabi mo panget ako?"

"At kailan kop sinabi un?"

"Nevermind."

Kunwari pang hindi niya alam. Sus. Mukha mo. Gwapo. Yiie. Mish. Stop it!! >.< Control yourself.

"Friends?"

Tapos, nginitian ko siya. Nakakatuwa lang. Kahit naiinis ako sa kanyang konti. Ano daw? Ang gulo.

So Patrick pala ang pangalan niya. Ok.

Processing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon