Three.

17 1 0
                                    

THREE.

STRANGER STORY

"Ingat sa pag-uwi Mishiaka!!"

Waaah. Ano daw? Mishiaka? Eh ako yun ah. Bakit alam niya ang pangalan ko? Akala ko ba hindi niya ako kilala? Ang gulo niya.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad. HIndi na ko lumingon pa sa kanya para itanong kung bakit alam niya ang pangalan ko. Isa lang ang alam ko. Kilala niya nga ako.

Pero malabo eh. Hindi ko siya kilala. Ah. Baka sa pangalan niya lang ako kilala. Pwede naman yun diba?

Habang naglalakad ako. Iniisip ko pa rin siya. Anlakas ng dating ng lalaking yun sakin. Hindi niya tinitigilan ang utak ko kakaisip sa kanya. Waaah. Sasabog na ata ang utak ko. Bakit ba ako nagkakaganto?

Hindi ko naman siya gusto. Ang angas niya kaya sa personal. Tapos, hindi pa gentleman. So pano ko siya magugustuhan. Isa pa, Cute lang naman yung mga ngiti niya. Tapos, maganda lang naman yung tubo ng kilay niya. Tsaka yung mga mata niya, parang dyamante. Tapos ang kinis ng mukha niya. Tapos... At bakit naging positive na mga sinasabi ko tungkol sa kanya?

EWAN KO!!!

Ayan, nandito na ko sa harap ng bahay namin. Hindi ko man lang namalayan. Hindi ko na iisipin yung lalaking yun. Bahala na siya sa buhay niya. Kilala man niya ako o hindi wala na akong pakialam.

Papasok na ko sa bahay. At pagbukas ko ng ilaw sa sala. Nandun si Kurt, nakahiga sa sofa. At may benda yung binti niya. Tsk! Nagpupumilit pa kase maglaro ng basketball eh. Ang weak weak naman.

Matagal din akong nakatingin sa kanya nang bigla siyang dumilat.

Aakyat na ko sa kwarto ko. Bahala na siya dito.

"Hoy! Bakit ka tumakbo kanina?"

Ha? Anong? Aish! Siya pala yun.

"Eh bakit ba kase nananakot ka? Akala ko multo eh."

"May multo bang nagsasalita?"

Tapos bigla siyang tumayo para lapitan sana ko.

"Aaahh!!"

Inalalayan ko siya bigla. Kawawa naman kase eh.

"Wag ka na tumayo. Alam mo namang weak ka eh. Tanggapin mo na yun."

"Shut UP!!"

Oy, galit siya. Bakit? May ginawa ba ako?

"Eh bakit mo ko sinisigawan?"

Akala mo kung sino. Makasigaw ah. Teka, bakit pati ako mukhang galit na din ata?

"Shut up."

Inulit niya yung sinabi niya. Pero hindi na gaya ng kanina. Mahina na lang ang pagkakasabi niya. Yung tipong hinang-hina na siya.

Nilapitan ko siya sa sofa.

"Huy, ok ka lang ba?"

Tumango lang siya. Ang weird ng mga tao ngayon?

"Mukha namang hindi eh. Masakit ba? Napano ba yan?"

Hanggang sa napagtanto ko na kalmado na kaming dalawa.

"Alam mo ba, pumunta ko sa may playground. Dun sa court. Manonood sana akong basketball eh."

Tahimik lang siyang nakikinig sakin.

"Kaso, naunahan ako sa upuan. Eh diba lagi namang punuan doon. Swerte ka na lang pag may nakita kang bakante."

Hindi pa rin siya umiimik. Seryoso siyang nakikinig sakin.

"Tapos, kung suswertehin nga naman ako. may nakita akong bakanteng upuan. Edi pinuntahan ko."

Nakatingin ako sa kawalan habang nagkukwento sa kanya.

"Kaso, may isang gwapong lalaki, i mean may isang estranghero na bigla na lang umupo doon. HIndi tuloy ako nakaupo. Tapos, alam mo ba? siya pala yung..."

Pagtingin ko sa kanya natutulog na pala siya. At tulugan daw ba ako? Di man lang pinatapos yung kwento ko. Nakakainis ngayong araw! hanggang gabi ba naman?

Ewan. Sanay na kase ako sa kanya na lagi akong nagkukwento. Kahit na minsan hindi niya pinapakinggan yung mga kwento ko. Sa lahat kase ng tropa ng kuya ko, sa kanya ako pinakaclose. Kahit na lagi lang kaming nauuwi sa pag-aaway.

Kahit na lagi niya akong pinagloloko.

Kahit na lagi niya akong pinagtitripan.

Kahit na lagi lang siyang nang-iinis.

Nandyan pa rin siya.

Tama na nga ang drama. Matutulog na rin ako. Kesa naman sa kumausap ako ng hangin.

Patayo na ako at aakyat na ko sa kwarto ko.

step step step.

At bigla siyang nagsalita.

"Matulog ka na Mish. Bukas mo na lang pagpatuloy yung kwento mo. "

:))))

Napangiti ako. Pinapakinggan niya pala ang kwento ko kahit na nakapikit na siya.

Salamat :)

--------------

Comments and feedbacks please :)

Processing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon