SIX.

7 0 0
                                    

SIX.

THE LOPEZ

"Ang sigla ng mukha ng shobe namin ah. Mukhang nag-enjoy sa blind date niya kagabi"

Nakangiti pa kong binibiro ni kuya Marion dito sa sala.

Siyempre naman. Bukod sa may itsura yung nakablind date ko. Ang ganda pa ngumiti at may sense of humor.

"Hindi naman. Mas better kase siya kuya kesa sa mga lalaking pinakilala niyo sa akin before" sabi ko sa kanya kasabay ng pagsubo ng isang kutsarang strawberry ice cream.

"So?" Yung tingin sa akin ni kuya parang may something.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong so? Kuya! Bata pa ako!"

Totoo naman. 17 pa lang ako pero kung makapagtulak sila sakin sa mga lalaking barkada nila wagas masyado!

Hahampasin ko na sana siya gamit ang kutsara na hawak ko pero bigla siyang nakailag.

"Pero don't worry Mish! Last na yan! Narealize din kase naming mga utol mo na sumosobra na kami sa pagtulak ng blind date sayo. Gusto lang naman namin na pag nagkaboyfriend ka, yung kilalang kilala na talaga namin"

Wow! As in wow! Boyfriend agad? Eh makita nga lang nila na may katabi akong estrangherong lalaki sa bus grabe na yung mata nila dun sa lalaki. Tapos ngayon boyfriend agad ang nasa isip nila?

"Kuya! Wala pa sa bokabolaryo ko ang magboyfriend. Ni wala ngang nanliligaw sa akin e. Baby pa ko diba!"

Pinakita ko sa kaniya ang aking shining shimmering splendid na mga mata.

Haaaay! Mga kuya ko talaga! Nakakamiss tuloy nung hindi pa masyadong busy sila Mam at Pap sa ibang bansa. Nung mga panahong nakakauwi pa sila dito. At kumpleto kaming pamilya. Laging nasa akin ang atensyon ng lahat. Dahil nga ako ang "baby" nila. And I'm okay with that. Dahil feeling ko napakaspecial ko.

"Oo na! Sige na. Sige na! Last na siya."

"Last na talaga si Patrick!"

"Sinong—-"

Hindi na natapos ni kuya Marion ang sasabihin nya dahil biglang dumating si kuya Martin galing sa kusina.

"Mga Boss Amo! Luto na po ang tanghalian natin!"

Si kuya Martin, pangatlo siya sa amin. Martin Jaime Lopez. Siya ang pinakabatang lalaki pero siya ang pinakamagaling sa gawaing bahay. Siya ang cook, tubero, hardinero, driver. Kulang na lang siya na talaga ang maging tagapag-alaga sa bahay. 1st year College na siya taking Business Administration. Pangarap niya kaseng magkaroon ng sariling negosyo.

"Ayos! Ang galing mo talaga Martin! Nagugutom na ko" sabay diretso ni kuya Marion sa kusina.

Si kuya Marion, siya naman ang panganay. Marion Jose Lopez. 4th year college na siya sa kursong Pharmacy. Well, matinik kase sa Science and Technology noong high school. Sa totoo lang ang akala ng iba pag sinabing Pharmacy ang course, yun yung mga nagbebenta ng gamot sa botika. Pwes, nagkakamali kayo. Sobrang halaga ng isang pharmacist dahil hindi lang gamot ang alam nila, pati sakit ng pasyente. Sabi nga nila kaya daw hindi mabasa ng mga pasyente ang reseta ng doktor dahil yun daw ang nagsisilbing love letter ng pharmacist at doktor.

Anywayss.

Kahit na si Kuya Marion ang panganay, siya ang pinakamakulit sa lahat. Siya din ang laging nang-iinis sa akin.

Pero may side din naman si kuya na istrikto at seryoso lalo na kung may kalokohang ginawa si kuya Marko.

Well, speaking of kuya Marko. Marko Juan Lopez, ang pinaka sa lahat! Pinakamagaling kumanta at sumayaw. Pinakamagaling sa sports. Pinakamagaling magdrawing at magpinta. Pinakapasaway. At pinakamatinik pagdating sa mga babae.

2nd year college na si kuya Marko. At dahil nga may angking talento siya sa pagdrawing, Architecture naman ang course nya.

Actually, sa kanilang tatlo, si kuya Marko ang idol ko. Hindi dahil sa siya ang pinakapogi at pinakamaangas sa lahat, kundi dahil cool lang siya lagi. Sabi niya nga sa akin "just go with the flow Mish!"

Ewan ko ba. Pero nagegets ko din yung mga babaeng nagkakandarapa kay kuya. Pati kase ako kinikilig sa mga moves nya

Close naman kami ni kuya Marko pero hindi sa lahat ng bagay. Pagdating kase sa love life niya, hindi niya sakin kinukwento.

At ako? Mareeah Mishiaka Lopez. Ang bunsong anak ni Joaquin at Maricar. Hindi ako palakaibigan. Pero nakakausap ko rin naman ang mga kaklase ko. Mahilig akong magbasa, magsulat ng mga tula. At siyempre manuod ng Kdrama. Iba talaga siguro pag nasa ganitong edad. Kdrama is life.

Nag-aaral kaming apat sa Yuan University. Isa siya sa mga sikat na university sa buong Pilipinas. Halos may kaya ang mga nag-aaral dito. Sobrang lawak din ng Yuan University. May sariling simbahan, soccer field, ospital, gym, at arena. Dahil na rin siguro magmula kinder hanggang college ang mga nag-aaral sa Yuan.

Kilala sila kuya sa Yuan. Ang bansag sa kanilang tatlo ay "THREE-OH".

Kapag kase nagkasabay silang tatlong pumasok sa school, halos lahat ng babae ay napapa-OH! sa kanila.

May mga itsura kase ang mga kuya ko. Gwapo, matangkad, makapal na kilay, shining shimmering splendid na mga mata at may kaunting muscles sa braso at tiyan.

Pero wala silang pakialam dun. Ni minsan hindi ko sila nakitang magyabang sa school. Sa bahay lang namin sila nakakapagyabang. At sa harapan ko pa mismo.

Ako? Kung iniisip nyo na sikat din ba ko sa Yuan. Pwes! Hindi! Hindi kayo nagkakamali.

Maraming may kilala sa akin sa school. Dahil kila kuya. Kilala lang nila ko. Dahil kila kuya. Kinakausap lang nila ako. Dahil kila kuya. Nakikipagclose lang sila sa akin. Dahil kila kuya.
Kaya hindi ako friendly. Dahil alam ko kung ano ang motibo nila kung bakit sila makikipagkaibigan sa akin.

Hindi naman ako naiinis sa sitwasyon. Siguro nga sanay na ako. Pero minsan iniisip ko din naman na sana makilala nila ako. Dahil ako ay ako.

Dahil ako si Mishiaka.

Mareeah Mishiaka Lopez.

Hindi dahil kapatid ko ang THREE-OH.

Kundi dahil ako si Mishiaka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Processing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon