Four.

19 0 0
                                    

FOUR.

NIGHTMARE

" Sinubukan ko namang pigilin eh. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman sayo. Kung alam mo lang. Ayoko nitong nararamdaman ko. Ayoko. Pero, its been a torture trying not to fall in love with you!"

Nagising ako na pawis pawisan. Ewan ko. Anong klaseng panaginip ba yun? Ang hirap ipaliwanag. Tsaka, bakit ko sinasabi yun? At kanino? Ang labo ng mukha. Hindi ko maaninag. Pero sa panaginip ko. Umiiyak daw ako. Parang hirap na hirap. Parang awang awa ako sa sarili ko. Kaya hindi ko na lang namalayan na nagsisimula na pa lang pumatak ang mga luha ko. Pinunasan ko yun ng kumot.

Sinubukan kong pigilan. Pero ayaw. Hindi ako kalmado ngayon. Ano ibig sabihin ng panaginip na yun? Bumaba ako sa kitchen para kumuha ng isang basong tubig. Baka sakaling maging kalmado na ako kahit papano. Tapos umakyat na ko sa kwarto ko. Gusto kong humanap ng makakausap ngayon. Pero anong oras na? Alas tres na ng madaling araw. Sino pa ang makakausap ko niyan. Panigurado namang mga tulog na yun.

Sila kuya? Hindi naman ako nag-oopen sa kanila e. Kahit na close kami ng mga yun. Madalang kami maging seryoso. Si Kurt kaya? Baka tulog na yun. Pero sa kanya naman ako lagi nagkukwento eh. Siya lang naman kasi ang nakikinig sa kin. Kahit na medyo korni mga kwento ko at minsan e walang kwenta. Andyan pa rin siya. Kaso, nahihiya ako. Tulog na yun malamang. Ang aga kaya matulog nung epal na yun.

Pero, kahit na. Bubulabugin ko na lang ang tulog niya. Kailangan ko talaga ng makakausap eh. Kinuha ko yung phone ko sa drawer ng side table. Tapos hinanap ko sa contacts yung name ni Kurt.

Calling.....

Kurt Calling.. ?

Huh? Bakit tumatawag si Kurt? Anong oras na ah. Tsaka, ako dapat ang tatawag sa kanya ah.

"Hello?"

"Bakit gising ka pa Mish?"

Hindi ba ako dapat ang magtanong sa kanya niyan?

"Eh bakit ikaw? Tsaka bakit ka napatawag? Mag-uumaga na ah!"

"Ah, pasensya na. Napindot ko lng yung phone ko. Di ko sinasadyang tumawag sayo. Nagulat nga ko ng biglang may nagsalita eh. Nakaloud speaker pala. Pasensya sa abala ah. Tulog ka na ule. Goodni---"

"WAIT!"

Kailangan ko ng kausap diba? Gising naman siya. Sa wakas. Salamat Kurt J

"Oh bakit?"

"Wag ka muna matulog."

"Bakit? Anong oras na oh. May problema ka ba?"

"Kailangan ko ng kausap ngayon."

"Kwento mo."

Haaay! Gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Buti na lang nandyan si Kurt. Alam nya na kaagad na may problema ako. Kaya ayun, kinuwento ko sa kanya ang panaginip ko.

"Tsk! Wag mong iyakan yun. Panaginip lang yun. Hindi naman magkakatotoo yun e."

"EH, natatakot ako. Kinakabahan ako Kurt. Pano kung ---"

"Mish. That's only a dream. At kung magkatotoo man yun. Reresbakan natin kung sino man yung nasa panaginip mo."

"Eh bakit ba kase parang ayaw niya sakin?"

"Mish naman, hindi nagkakatotoo ang panaginip. Pinag-iingat lang tayo na hindi mangyari sa'tin yun. Isa pa, hindi mo pa naman kilala kung sino yung taong yun di'ba?"

Mabuti naman at nahimasmasan na ako. Tama si Kurt. Bakit ba ako mag-aalalang magkatotoo yun. Eh hindi ko nga kilala yung taong nasa panaginip ko. Tsaka isa pa, wala pa naman akong nagugustuhan sa ngayon. Pwera na lang kay, yung lalaki na nakabangga ko sa basketball court?

"Eh pano kung yung lalaking yun eh yung..—"

"Mish. Wag ka muna magpredict sa ngayon. Ok. Ang mabuti pa. Itulog mo na muna yan. Dali na. Sleep ka na."

"Kurt.."

"oh?"

"Salamata ha?"

"Bakit?"

"Kase lagi mo kong pinapakinggan. Lagi mo kong iniintindi."

"Ang drama naman nitong babaeng to. Pag hindi ka natulog hindi na kita papakinggan."

"Oo na. Buti nga nagpapasalamat eh. Basta promise mo sakin na reresbakan natin yun kung sino man yun ah."

"Promise. Goodnight Mish! Wag mo na isipin yun ha?"

"Oo. Thank you uli Kurt. The best ka talaga :) Goodnight. Matulog na rin."

"Zzzzzzz."

Sus, tinulugan nga ako.

---------------

Comments and Feedbacks.

Processing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon