Two.

18 0 0
                                    

TWO.

MISHIAKA

Mga timang talaga sila kuya. Iwanan daw ba nila ko dito sa bahay? Pano kung may multo dito? Mahirap na. Baka atakihin na ko sa puso nito. Ang OA Mish? Wala ka namang sakit sa puso ah!.

After 10 mins. Nakaharap ako ngayon sa salamin. Nakapusod ang mahaba kong buhok. Nakashort na maong na kupas, hindi naman ganong maigsi. At nakashirt na medyo maluwag. Yung tipong nakatupi pa ng konti yung manggas. Angas diba? Manunuod lang naman ako ah. Tsaka di ko naman sila kilala sakaling pansinin nila ang suot ko. Evil laugh!

Pababa na ko sa sala ng biglang..

"Oy oy oy, At saan ka pupunta?"

Hala? Sino yun? Sabi na may multo dito eh. Matagal na kong kinakabahan sa bahay na to eh. Since birth?

Ang ginawa ko? Tumakbo ako ng mabilis. Agad kong sinara yung main door ng bahay. Tapos nagtatakbo na ako. Di ko na nga nasara yung gate sa sobrang kaba ko eh.

"Hoy!! Bumalik ka dito!!"

Naririnig ko pa rin siya habang patakbo ako palayo ng bahay. Sino kaya yun? Waah. Wag naman niya kong reresbakan mamaya.

"HOY!!!!"

Takbo takbo takbo.

Nakarating ako sa court na pawis pawisan. Medyo may kalayuan kase yun sa bahay namin eh. Pagdating ko dun, marami pa ring tao. Siksikan. Tapos, wala na ring mauupuan. Kaya nakatayo lang ako sa isang tabi. Pero lilinga linga pa rin ako kase malay mo may bakanteng upuan.

Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.

Oops, balik sa kanan.

Ayon!

Presto. Lakad lakad lakad.

Sa wakas, makakaupo na rin. Teka..

"Excuse me? Nauna ako sa upuan na yan!"

Ang lakas din ng loob nitong lalaking to. Yung tipong paupo na ako eh. Tapos uunahan niya pa ako? Ang kapal!!

"Ha? Kung ikaw ang nauna, eh bakit ako ang nakaupo ngayon?"

At pilosopo pa ah! Aba, teka nga.

"Ah ganon? So ibigsabihin ikaw ang nauna dyan? Ang kapal naman yata ng mukha mo,!"

KrooKrooKroo.

Hindi niya ako pinansin? At todo titig pa siya sa pinapanuod niyang laban ah. Ano yun. Ganun ganun na lang yun?

Teka, mukhang namumukaan ko tong lalaking to ah. Kung ngumiti kaya siya? Hmmmm..

AHA! Siya yung nagcomment sa picture ko noong isang araw! Ah! Ikaw pala yun ah? Pero bakit hindi niya naman ako kilala? So ibigsabihin hindi niya nga ako talaga kilala? It means, aksidente niya lang nakita yung picture ko? Haa. Ang gulo.

"Excuse me?"

No response.

"HOY!!"

Nagulat siya. Pati ang mga taong malapit sa kanya nagulat. Ganun ba talga kalakas ang boses ko?

"Tumahimik ka nga. Bakit ka ba sumisigaw? Maghanap ka na lang ng ibang pwesto. Nauna na nga ako dito eh"

"Kilala mo ba ako?"

Ganyan nga Mish, lakas ng loob ang kailangan. Kaso, mukhang nagulat siya sa tanong ko.

"Ha? Nagpapatawa ka ba?"

"Mukha ba akong nagpapatawa?"

"Bat di mo itanong sa mukha mo."

Ang weird niya. Nakakainis siya! Hmp. Bahala na nga siya sa buhay niya. Aalis na ko dito. Tinatamad na ako manuod. Lesheng buhay to oh! Nanggigigil ako sa lalaking to,

Tinalikuran ko na siya. At nagsimula nang maglakad pabalik sa bahay namin. Ilang hakbang pa lang ako nang bigla siyang sumigaw...

" Ingat sa pag-uwi Mishiaka!!"

HUH?? O.O

-----

Comments and feedbacks. :))

Processing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon