Chapter 4

50 4 0
                                    

KATHLEEN

Pinagmasdan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin.Hindi ko lubos maisip na konting plantsa lang sa buhok ko at pagsuot ng contact lenses ay mag iiba ulit ng ganito ang itsura ko.Para akong isang ugly duckling na naging swan.Ngumiti ako ng makita ko ang malaking pagbabago sa sarili ko ngunit napalitan din ito kaagad ng kaba.SIgurado na ba ako sa gagawin ko ? Handa na ba akong magpakababa ng ganito?

Agad ding sumilay ang pagiging desidido sa mga mata ko ng maisip ko ang kalagayan ni inay.OO ngat makakaipon ako ng ganoong kalaking halaga sa mas maayos na paraan pero hindi lang pera ang pinaguusapan sa mga oras na ito.Kailangan ko din ng oras.At sa ganitong paraan makakakuha ako ng malaking pera sa maikling panahon.

-----------------Flashback--------------------

Minabuti kong wag na munang tignan ang laman ng papel na iyon.Lumabas ako at pinuntahan si bunso sa kapitbahay.Pagkatapos nuon ay nagpaalam ako sa kanya.Naisipan ko munang maglakad lakad habang nag iisip kung saang kamay ng higante ko kukunin ang perang kailangan sa pang gastos ni inay sa kanyang operasyon.

"Kathleen?" malababaeng boses ng isang lalaki mula sa likuran.

Tinitigan ko siya ng mabuti ngunit hindi ko siya maalala.kayat kunot noo lamang ang ibinigay kong sagot sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"Ano ba kale ako to si fernan but now Im ferry" sabi nito sabay ikot.

"Kale?" bulong ko at napaisip "Fer-fernan?" Tama si fernan nga.Si fernan ang nag iisang lalaking nagtsatsagang kumausap sa akin nung high school pa kami. Dahil halos lahat ng mga kaklase ko maliban kay ven ayaw sa akin Nerd daw kasi ako. Siya din ang pinakaunang pag ibig at kabiguan ko.Pero ang lalaking minamamahal at pinapantasya ko noon kaharap ko ngayon at babae na rin katulad ko.Akala ko noong nagtapat siya sa akin na may gusto siyang iba ay may nililigawan siyang babae, hmm yun pala katulad ko lalaki din ang hanap.

"Yes dear its me" sabi nito sabay yakap sa akin.

Nagkamustahan kami na nauwi sa malalim na kwentuhan.Kinuwento niya sa akin ang lahat lahat sa kanya.Sa dami ng kwento niya saglit kong nakalimuatan ang problema ko.Muli ko lang itong naala nang kamustahin niya ako at dahil pakiramdam ko pwede ko siyang sandalan gaya ng dati.Ikinuwento ko sa kanya ang lahat.lahat lahat ng nangyari sa aking buhay kung paano ako napadpad dito sa lugar na ito at pati na ang tungkol kay nanay.

-----------Flashback ends-------------------------

Kaya eto eto ako ngayon nakasuot ng kids size na damit na sa tingin ko ay kita na pati kaluluwa ko.Binigyan niya ako ng offer na maging dancer sa isang malaking bar sa lugar namin kung saan siya nagtratrabaho.Ang sabi niya may event daw sa kanilang bar at willing siyang magbayad ng kinse mill maliban pa daw sa tip na matatanggap ko.At dahil sa matinding pangngailangan at hindi biro ang kinse mill pumayag ako.

Sa huling pagkakataon, humarap ako sa salamin.Nung huli kong makita ang mukha ko ng ganito kaganda ay may masamang nangyari.

-------------flashback---------------

"Aba ! naayusan ka lang e kala mo na kung sino ka?! Youre still a NERD ! no one will ever go to the prom with you bi***! " si dimple with her ever famous witch attitude pero siya DAW kasi ang pinakamaganda at ms. Popular sa school namin.At yan ang napala ko sa hindi sinasadyang pagbangga ko sa kanya dahil sa pagmamadali ko. Ako kasi ang napiling gawing subject ni ven sa cosmetology subject niya kayat nahuli ako sa klase dahil sa tagal ng pagaayos niya sa akin, pero hindi na ako nagreklamo nang makita ko kung gaano ako kaganda.Kaya eto wala na akong magawa kundi patuyuin ang buhok ko na tinapunan niya ng juice.Wala naman akong balak pumunta sa prom e.Besides hindi ako nagparegister at deadline na ngayon.

StrongerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon