Chapter2:The letter

218 6 4
                                    

Kathleen

 

“Mrs. Gerado po ”sinamahan ako ng isang nurse papunta sa kinaroroonan ni nanay.

 Napaawang ako sa nakita kong itsura niya.May mga pasa siya sa buong katawan,at may bandage ang kanyang ulo at may kung ano anong hose ang nakakabit sa kanyang ilong bungaga at kamay.
Hindi ko namamalayan ang pagtulo ng luha ko sa nakikita kong kalagayan niya ngayon.Parang pinupukpok ng ng isang daan o mas marami pang martilyo ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko para sa kanya.

“Miss hanggang dito nalang po kayo”napatingin ako sa nagsalita at marahil ay isang nurse dahil sa kanyang suot.

“Bakit ? Anak ho ako ng pasyente” tuloy tuloy pa rin ang agos ng aking luha at patuloy pa rin ako sa paglalakad palapit kay nanay.

“Miss kung talagang concern ka sa kalagayan ng pasyente titigil ka na sa paglalakad, dahil sa kalagayan niya kailangan mo munang magsuot  ng nito bago mo siya lapitan para masiguro natin na hindi siya magkaroon ng infection.” Bigla akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang paliwanag ng nurse hindi ako bobo kaya naintindihan ko lahat ng kanyang sinabi.

“Kamusta na po ba siya ? Is she stable ?”tanong ko na punong puno ng pag aalala

“She is still under observation miss,Hihintayin pa namin ang resulta ng CT Scan na ginawa sa kanya kanina, but as of observation base sa mga responses niya there is a 50% percent chance na maging stable siya dahil sa lakas ng impact ng pagtama ng kanyang ulo.”

I can’t say a word sa narinig ko pero sana mali ang observations nila.50% percent chance being stable is like 50% chance of becoming worse or worst dying.Hindi ko kayang mawala si nanay sa buhay namin.

  

Alas Diyes na ng gabi mga tatlong oras na pala akong nakaupo at nakatunganga dito sa may waiting area ng ospital na pinagdalhan kay nanay.Malaki at maganda ang pribadong  ospital na ito at ayon sa mga naririnig ko maganda daw ang serbiyo dito kumpara sa mga ospital dito sa amin.Simula kasi nung mangyari ang aksidente sa bus ni tatay lumipat na kami sa probinsyang ito  at malayo sa maynila. Para itong isang community na malayo sa lahat pero tulad ng maynila maunlad ito.

Dahil ayaw ko pang umuwi minabuti ko munang maglakad lakad.Sa kalalakad ko napadpad uli ako sa kinaroroonan ni nanay ngunit nagulat ako ng may nakita akong lalaking nakaitim na pumasok sa kanyang kwarto.Binilisan kong maglakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng kanyang pintuan.Sumilip ako at nagulat ng ang lalaking nakaitim ay nasa loob na.Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit naka lock ito sa loob kayat nagmadali ako upang tumawag ng nurse na nasa kabilang kwarto na kurtina lamang ang pagitan sa kwarto ni nanay kaya hindi ko maintindian kung bakit hindi nila napansin ang pagpasok ng lalaking nakaitim.Laking gulat ko nalang ng pagdating ko sa nurse station  nakatulog lahat ng nurse na naroon kayat wala na akong nagawa kundi pindutin ang alarm button na nasa tabi  lang ng bawat kwarto.

Wala pang kalahating minuto ay nandyan na ang mga rereponde.Ang iba ay tumuloy sa nurse station at ang iba naman ay tumuloy sa kwarto ni nanay ngunit wala silang nadatnang tao roon at maliban sa basag na bintana ay wala ng ibang pinsala na nangyari.

 

“How’s my mom?” nanginginig ang boses kong tanong sa isang doctor na kasama sa mga rumisponde.

“Don’t worry iha walang nangyari sa pasyente but I think this letter is for you if you are Kathleen?”

“Yes I am dra” sabay kuha ng iniabot niyang papel at may nakalagay na pangalan ko sa harapan.

"humihingi ako ng paumanhin sa nangyari , kakausapin ko ang board at bibigyan ng nararapat na parusa ang mga gwardyang nakabantay pati na rin ang mga taong nakabantay sa main ng CCTV" pagpapaliwanag ng isang babaeng marahil ay nagtratrabaho din duon

Minabuti ko munang itago ang papel na iyon dahil uunahin ko muna ang paglipat kay nanay sa mas ligtas na kwarto.Inilipat namin siya sa isang kwarto na malapit sa police station ng ospital na iyon.Yun nalang kasi ang paraan para masiguro ang kaligtasan ni nanay dahil hindi ko naman kayang magbayad ng 15,000 isang gabi para magkaroon si nanay ng sarili niyang security guards.

“Miss Kathleen Gerado tama ba ?” Tanong ng isa sa tatlong pulis na nsa loob ng investigation room sa may police station ng ospital na iyon.Dito ako dinala pagkatapos naming ilipat ng kwarto si nanay.Kasama sa serbisyo ng ospital ang mga private hired police na sa ospital lamang maglilingkod para sa kapakanan ng kanilang mga empleyado at pasyente.

“Yes” nanginginig pa rin ang boses ko dahil sa totoo lang kanina ko pa gustong suntukin ang sarili ko baka sakaling magising ako sa bangungot na ito.

“May kilala ka ba na maaring gumawa nito sa inyo”

Wala po” dahil sa totoo lang magtatatlong taon palang kami sa lugar na ito at ni minsan ay wala akong nakitang nagalit sa pamilya namin.

“May kilala ka bang galit sa pamilya niyo?”

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi pa ako ganun kaulyanin para kalimutan ang aksidenteng nangyari kay tatay tatlong taon na ang nakakalipas.

---------------flash back------------------------------------

Walang hiya ka tado, pinagkatiwala namin sa iyo ang kaligtasan at buhay ng mga anak namin ngunit anong ginawa mo?!”

“Sana ikaw nalang ang namatay at hindi ang mga bata na wala namang kamuwang muwang!”

Tanging patawad lang ang nasasambit ni tatay kasama ng iyak at pagluhod at ang pinakamasakit sa lahat hinayaan niyang sampalin,tadyakan at bugugin siya ng pamilya ng mga  namatay gayong kakagaling lang niya sa pagamutan.

------------------------------------flash back ended------------------------

“Miss?”

“W-wala po” Tatlong taon na ang nakalipas at kung manggugulo man ang mga yon sana nuon pa at sana hindi na nila hinintay pa ang tatlong taon.

 

StrongerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon