26: *Flailing Curtains*

31 2 0
                                    

CHAPTER 26

FLAILING CURTAINS

*ALLAINA'S POV*

"OMG big sis, ikaw na! Trending kayo sa twitter at sa IG. Mehgeeed. Answiiiiit

Sinamaan ko lang ng tingin si Ava. Tumawa lang ang loka loka. GAAAAAD! NAKAKASTRESS YUNG MGA PICS NAMIN NI RYONAN >_

Mabuti at wala sila mama sa bahay ngayon. Kami lang ni kuia at Ava, kung hindi, nakuuuuuuu, baka kung anong pagtatalo na naman yung mangyayari. Tama na yung kagabi.

====== FLASHBACK ======

"Allaina Emerald! Mag-usap nga tayo!"

Napatingin ako kay papa. Galit na galit yung expression nya habang nasa tabi nya si mama na nakayuko lang. Nakita ko naman si Ava na napalabas ng kwarto dahil sa sigaw ni papa.

"Ano yun, pa?"

"May ginawa ka ba para pakialaman ang venue ng gradball ng GFA at ng MAA?"

Napabuntung-hininga nalang ako. "Paano kung meron, papa?"

"BAKIT? HINDI MO BA NAALALANG--"

"Pa naman, nakikipagkaibigan lang po ako sa kanila. Masama ba yun?"

"Oo, masama. Kasi hindi natin alam kung anong tumatakbo sa utak ng mga Montenegro. I don't want you to get hurt .. again."

"Papa, kung si Ryonan Montenegro yung inaalala nyo, you can be rest assured na hindi nya ako sasaktan."

"Traydor ang pamilya niya, Emerald! Paano ako magtiti--"

"Pa, could you trust me with this? Please?"

"No!"

"Papa, please?"

"No, Emerald! Kahit ulit-ulitin mo pa, ayokong magtiwala sa kanila. Kaya, pag natapos yang play nyo na yan, dapat hindi ko na makikita o maririnig na sumasama-sama ka pa dyan sa Montenegro'ng yun, maliwanag?"

"No, papa. Hindi ko sha lalayuan kung yan lang din po ang rason nyo."

"Aba't--SINUSUWAY MO NA AKO NGAYON EMERALD???!!"

"Gio, tama na." awat ni mama kay Papa.

"Bigyan nyo po ako ng eksaktong rason kung bakit, tsaka ko sha lalayuan. Tapos ang usapan. Sorry Papa, but I have to."

Umakyat na ako sa taas kahit rinig ko yung mga tawag nila. Ni-lock ko yung pinto sa likod ko at nagbihis na.

====== END OF FLASHBACK ======

Pagkatapos nun, nagpost ako sa twitter ng

@imemeraldT26: it's impossible to do that now, papa. Im so sorry.

Sabog yung notifs ko pagkatapos nun, hindi ko nalang pinansin. Ngayon? Balik sa pics namin yung trending.

"Hoy, Em! Maghanda ka na kaya para ngayong gabi? Ngumingisi ka dyan, parang kang baliw! Akala mo sigurong nakalimutan ko yung ginawa mo kay papa kagabi."

"Leave me alone, Aero. 2pm palang. Mamaya na yan."

"Hoy Aero! Tabi nga dyan! Dun ka nga kay ate Darrah!" sabat naman ni Ava na hindi nakatingin kay kuia.

Dear Blue Diary [KATHNIEL FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon