1: *Her Prologue*

175 1 0
                                    

CHAPTER 1

Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay ko. Pinaglalaruan yata ako ni destiny eh. 

Una, nainlove ako sa bestfriend ko. Hindi ko na nga maalala kung saan yun nagsimula. Naramdaman ko nalang.

Pangalawa, nasaktan ako dahil dun. Bakit? I was obviously rejected. Di man nya yun sinabi, ramdam na ramdam ko naman.

Pangatlo, ginirlfriend nya yung babaeng pinakaayaw ko. At ang saya-saya nilang tingnan kung magkasama.

Pang-apat, nagkasakit ako. Dahil sa pagkadepress ko sa buhay pag-ibig ko. Ayokong manisi, it's all because of me naman kasi eh.

Panglima, nalaman kong isa akong TUAZON. Hindi na magiging normal yung buhay ko, kailanman.

Pang-anim, unofficially engaged ako ... sa bestfriend ko. Ang saklap, kung kailan tanggap ko nang hindi na magiging kami saka lang mangyayari ito.

Pampito, namatay yung girlfriend ng bestfriend ko at nagbago na lahat. Simula kasi nung gabing yun, parang may anghel na lumanding sa harap ko para iligtas ako sa anumang hirap ko sa buhay. Di ko alam, forbidden love pala yun.

Kaya eto ako, nagsusulat sa diary ko ng love story namin. Kahit dito man lang sa diary ko, may makikita akong happy ending.

Dear Blue Diary [KATHNIEL FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon