32: *The Reality*

17 0 0
                                    


CHAPTER 32

THE REALITY

*ALLAINA'S POV*

Nagising ako sa silaw ng araw sa nakapasok sa kwarto. Nakatulala lang akong nakatingin sa labas.

I can't believe I did this. Na magising sa hindi ko bahay dahil lang sa away namin ni papa, na rare ring mangyari.

Si papa, si mama.

Tumulo na naman yung luha ko pero agad kong pinunasan yun. Nakakahiya kay Ryonan kung makikita nya akong umiiyak. Ginagawa pa nya naman lahat para malimutan ko yung nangyari kagabi. Tapos ipapakita ko tong mukha kong may luha? That would be a disappointment to him. I dont want to disappoint others more. Sapat na yung nangyari kagabi.

Bumangon na ako at inayos yung hinigaan ko. Nakakahiya naman kung iiwanan ko lang ito na parang dinaanan ng bagyo. Di ko pa naman bahay to. At pagkatapos nun, nagpasalamat ako kay Papa God na binigyan nya ako ng bagong day. Para itama yung mga mali ko kahapon, at bigyan ng chance yung sarili kong maging masaya.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong magdasal.

"Yeah. Natutulog pa siya. 1am na kami nakatulog kasi ginawa ko lahat para mawala sa isip nya yung nangyari. Pero sadyang bigo ako...sleep talk..sabihin mo sa kanilang siguraduhin muna nilang hindi nila sasaktan si Allaina, o pagtataasan ng boses bago ko sha iuuwi dyan sa hotel...oo naman, alam mo naman yan Cola...okay sige na tatawagan nalang kita kung gising na sha.." at inendcall nya yung phone nya. Nakatitig sha sa dagat at parang ang lalim ng isip nya.

Naglakad ako pabalik sa kitchen. Naisipan kong ipagtimpla sha ng kape. Parang napuyat sha eh.

Bigla ko nalang naalala yung ginawa ko kagabi. Parang lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko kasi ngayon ko lang narealize kung ano talaga yung ginawa ko.

I kissed the man who did everything for me to ease the pain, on the cheek.

Haay Allaina, walang hiya ka talagaaaa!! =__=

"Oh! Gising ka na pala! Ano yan? Kape? Marunong ka magtimpla?" At tinabunan nya pa yung nakaawang bunganga nya.

"Oo noh! Di ako katulad ng mga ibang prinsesa! Marunong ako! Tikman mo pa!" pagmamayabang ko sa kanya

"Weh?" pang-aasar nya habang kinukuha yung mug ng kape.

"Kung ayaw mong makalimutan pangalan ng babaeng mahal mo, wag mong inumin yan." sabi ko sa kanya habang inaayos yung kalat sa kusina.

"Di nga?" Nakita kong ininom na nya yung kape. Nagpatuloy ako sa pag-aayos. "Masarap naman sha. Pero failed ka sa sinabi mong makakalimutan ko ang pangalan ng babaeng mahal ko." Proud nyang sabi. Inirapan ko nga.

"Oh kung hindi mo talaga nalimutan ang pangalan ng babaeng mahal mo, sabihin mo sa akin yang mahiwagang pangalan na yan."

"Hahaha, ayoko! Baka magselos ka lang!"

*jawdrop*

Matapos akong makarecover sa sinabi nya ay, "Napanganga mo ako sa kakapalan ng mukha mo!" sabi ko sa kanya sabay hagis ng bimpo sa mukha nya.

"Hahahaha, bakit? Hindi ka ba talaga magseselos? Weh! Maniwala ako! Adik ka kaya sa akin!"

Napasapo ako sa noo ko at umiling-iling na pumunta sa sala. Umupo ako at parang hinihilot ko yung ulo ko.

"OH, okay ka lang?" Nagpapanic nyang tanong.

"Hindi eh. Sumasakit yung ulo ko sa kayabangan mo. Tama nga yung first impressions ko sayo, mayabang ka nga talaga." Napakamot naman sha ng ulo. Pero instead na sagutin ako ay kinuha nya yung phone nya at may tinawagan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Blue Diary [KATHNIEL FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon