21: *Set Him Free*

30 1 0
                                    

CHAPTER 21

SET HIM FREE

*ALLAINA'S POV*

Nandito lang ako sa kwarto, nakahiga at maga ang mata. Bumaba muna si Ryonan para ibigay kay direk yung listahan ng costumes. Inexcuse na nya rin kaming dalawa.

Yeap, kaming dalawa. Di nya raw ako maiwanan. Wala kasi si Kim at Cola. Si Vince naman, ayun, naglilibot sa labas, naghahanap ng chix. Si Gab at Zarren naman, nasa practice. Nagpumilit nga akong okay lang akong iwanan dito sa kwarto, pero wala. Sabi pa niya 'Di kakayanin ng konsensya kong iwanan kang ganito.' Kaya ayun, pinabayaan ko na lang.

Nilingon ko yung journal ni Nicole na nakapatong sa black shoulder bag ni Cola.

Ang bigat ng natuklasan ko dahil dyan sa journal na yan.

Mahal rin pala ako ni Carl, pero bakit ganun? Bakit nya gustong kalimutan ko yung feelings ko para sa kanya?

Naging manhid pala ako. Yung mga panahong kasama nya si Nicole, ang nararamdam ko lang ay yung sakit na dinadaranas ko. Di ko man lang nakita o naramdaman na napipilitan lang sha.

Tanga ka Carl. Bakit mo ginawa yun?

At ang tanga mo Allaina, kasi di mo na alam kung ano ang dapat mong gawin ngayong alam mo na lahat.

Naalala ko yung quote na nakasulat sa journal.

"If you really love someone, but both of you just feel pain during the process, its time to let go."

Sapul ako dun sa quote na yun.

Pero kaya ko ba talaga? ngayong......

Itigil mo yan, Allaina. Nagpromise ka kay Carl na before the engagement, buburahin mo na yang nasa puso mo. Kaya, tuloy tayo sa plano, kakalimutan mo na talaga sha. Wala nang atrasan to.

*RYONAN'S POV*

Pagbalik ko sa kwarto ay nakahiga na si Emerald. Natutulog.

Kumuha ako ng kumot at kinumutan sha. Linakasan ko na rin ng konti ang aircon. Para mahimbing sha. Iiwanan ko ulit sha saglit. May kakausapin lang ako.

Kung di nga lang g*go si Carl eh. Bwisit.

Bakit nya ginawa yun?

*calling Ungas Carl*

(Oh, Ryon--)

Bwisit ka Carl. Bwisit ka!

(Oh? Bakit? Nung ginawa ko?)

Anong ginawa mo? ANONG GINAWA MO? HA? TAMA BA YUNG PINANIWALA MO SI EMERALD NA HINDI MO SHA MAHAL, HA?

(*silence*)

ANO??? SUMAGOT KA!!!

(Paano mo nalaman?)

LECHE!! IMPORTANTE PA BA YAN??

(Alam ba niya?)

KANINA PA NAIYAK G*GO!!

(Kunin mo ang chance na yan.)

Anong sabi mo?

(Tulungan mo shang kalimutan ako.)

Wait, Carl. Sigurado ka--

(And please be always there for her. Wag mo shang iwan. Kahit na anong mangyari, wag na wag mong tatangkaing iwanan sha, Montenegro)

*end call*

Dear Blue Diary [KATHNIEL FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon