Dianne's POV
Maraming bagay ang ikina-re-regret ko sa buhay ko isa na dun ang pagmamahal ko ay Harley na walang ginawa, kundi ang ipasok palagi sa topic namin si Nicole.
Ewan ko ba kay harley. Ako naman itong laging nandito sa tabi niya pero hindi niya naman ako mapansin-pansin. Ano bang meron si Nicole na wala sakin.? Bakit gganun na lang ka-obsess si Harley sa kanya.
Ilang linggo ko na ding pinag-isipan ang pag-amin ko kay Harley. Pero sa tuwing sasabihin ko na.
"Hi Babe."
"Hello Babe."
"Kumain ka na ba Babe?"
"Ang sweet naman ng Babe ko."
"Bili mo ako nun Babe."
Parati nalang na ganyang eksena ang naririnig ko. Simula ng maging sila ni Nicole. Pakiramdam ko ako na ang third party. Sabagay, ganun naman ata talaga ang role ko dito ei. Isang THIRD PARTY. Panira lang ata ako sa mga moment nila na magkasama.
Pwede naman kasi akong lumayo kay Harley pero hindi ko talaga kayang mahiwalay sa kanya. Masyado ko na siyang mahal na kahit masaktan ako okay lang sakin.
Ganun naman ata talaga kapag nagmamahal ei. Willing kay mag-sacrifice kahit na nasasaktan ka na. Willing kang mag-paka-martyr para sa taong mahal mo. Wag ka lang niyan iwasan at layuan. Okay lang na maghirap ka kaysa siya.
Buhay nga naman talaga oh.
Ilang buwan pa ang lumipas at nabalitaan ko nalang na nag-break na si Nicole at Harley. Nalungkot ako para kay Harley though hindi ko pa naman alam ang totoong nangyari.
Pinuntahan ko agad siya sa isang lugar na palagi naming pinupuntahan. Kung saan kami nangako na magiging magbestfriends kami. Na pinagsisisihan ko talaga. Promise un na nagpapatunay na hanggang magkaibigan nalang talaga kami. Promise na ayokong tuparin dahil ngayon aminin ko man o hindi inlove na ako sa bestfriend ko.
Nakita ko siya sa may Fountain at tulala. Hindi ko alam kung bakit. Pero habang palapit ako ng palapit sa kanya. Hindi lang siya basta-basta na nakatulala. Umiiyak siya pero sa malayo lang siya nakaytinggin.
Marahil malalim ang iniisip niya. I wonder ano ano ang mga iniisip niya ngayon? Haist. Ang hirap intindihin ng mga lalaki. Pero on the second thought, mas mahirap intindihin kaming mga babae. Ayon po yun sa mga tinanong kong mga kung sino sino. Nag-survey po kasi ako.
Balik na sa kwento.
Umupo ako sa tabi niya. Tinitigan ko lang siya. Hanggang sa mapansin na niya na nandito ako sa tabi niya. Tinitigan lang niya ako pabalik. Bigla nalang niya akong niyakap at humagulgol siya ng iyak.
Ganun ba kasakit ang iwan siya ni Nicole? Ganun niya ba talaga kamahal si Nicole? bakit siya nagkakaganito ng dahil lang sa isang babae?
"Harley, may sasabihin ako." napahinto siya sa pag-ngawa.
"Sorry, hindi ko na matutupad yung pinangako natin dito sa fountain na magiging best friends tayo forever. Ayoko na. Sorry." sabi ko.
"B-bakit?" tanong niya/
"Harley, kasi.. Ayaw na kitang kaibigan..."
"Wag mo nang ituloy ang sasabihin mo." tumayo siya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.
"Teka Harley, hindi mo ako naiintindihan ei. Ayaw na kitang maging bestfriend kasi.. kasi.."
"Kasi ano?!"
"Kasi gusto ko higit pa sa pagiging bestfriend ang maging turing mo sa akin. Harley, Mahal kita. Mahal na mahal. hindi ko alam kung kailan pero mahal na kita." sabi ko. Bumuntong hininga nalang ako kasi hindi na siya umimik.
But then he pulled me closer to him. then i realize na nagdikit na ang labi namin.
Hi KyoTties. Votes and comments po. :) Thankies. XD :)
BINABASA MO ANG
Love from the Past
Short StoryPagmamahal na nagsimula nung mga bata pa lang tayo. Pagmamahal na madaling natapos, dahil nag-mahal ka ng iba Pagmamahal na ngayon ay pinagsisisihan ko. Pagmamahal na di ko dapat nilaan sayo. Pagmamahal na dapat nasa taong mas deserving pa sayo.