Harley's POV
Matagal na kaming mag-kaibigan ni Dianne. Never kong aakalain na ang pagkakaibigan namin na iyon. Mauuwi sa ganito.
Nalaman ng parents ko na may gusto sa akin si Dianne. At dahil sa gustong gusto nila si Dianne. Gumawa sila ng paraan para magkahiwalay kami ni Nicole.At wala na akong ibang choice kung hinid ang tanggapin ang pagmamahal ni Dianne para sa akin. Kahit na napipilitan lang ako.
Anong magagawa ko? Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Nothing more, Nothing less. Wala naman akong ibinigay sa kanya na gayuma o kung ano pa man pero paano nangyari na magkakagusto siya sa akin.
Isa pa nangako kami sa isa't isa na. Magiging magkaibigan kami hanggang sa huli. Ipinangako ko sa sarili ko na hinid ako maiinlove sa kanya. At nagawa ko iyon ng walang kahirap hirap.
Hindi niya ba kayang gawin ang kalimutan nalang ang nararamdaman niya para sa akin. Alang alang man lang sa friendship namin na masisira ng dahil dito.
Ayokong masaktan si Dianne. kaibigan ko siya. Bestfriend ko siya. Kapatid na ang turingko sa kanya. Simula pagkabata magkaibigan n akami. Wala akong intensyon na gawing mas higit pa sa pagkakaibigan ang friendship namin. Ayokong mauwi sa friendship-over ang pagkakaibigan namin tulad ng madalas kong napapanood sa mga teleserya na naiinlove ang babae sa lalaki o vice versa at magiging sila pagkatapos ay maghihiwalay at hindi na muling babbalik pa sa dati nilang pag-kakaibigan.
Alam ko naman na maraming pagkakaiba ang features ni Dianne at ni Nicole. Pero hindi ko parin maiwasan na ipag-kumpara silang dalawa.
Mahal ko si Nicole,Kaibigan ko si Dianne.
kahit anong gawin ko kaibigan ang mas mahalaga. Dahil sabi nga nila. kapag nawala ang mahal mo kaibigan mo lang ang matatakbuhan at malalapitan mo hanggang sa huli. At tama nga sila.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakatali ako sa isang relasyon na hindi ko naman gusto. Sa isang tao na hindi ko naman mahal.
Matagal akong naghintay sa pagkakataon na mapansin ako ni Nicole, alam iyon ni Dianne pero bakit kung kelan naabot ko na siya. Tska namna siya eeksena sa buhay naming dalawa ni Nicole. Para siyang isang kontrabida. Naninira ng buhay ng mga bida.
Hindi niya ba dama na nasasaktan ako dahil sa nangyayari. Na yung mga panahon na dapat kasama ko si Nicole sa kanya ko inilallaan. Hindi niya ba napapansin na sa tuwing kasama ko siya hindi ako masaya.
Ang manhid niya ba at hindi niya madama ang nararamdaman ko ngayon?
a/n;
Thanks for reading ang Enjoy. :)
BINABASA MO ANG
Love from the Past
Short StoryPagmamahal na nagsimula nung mga bata pa lang tayo. Pagmamahal na madaling natapos, dahil nag-mahal ka ng iba Pagmamahal na ngayon ay pinagsisisihan ko. Pagmamahal na di ko dapat nilaan sayo. Pagmamahal na dapat nasa taong mas deserving pa sayo.