Dianne's POV
Matapos ang insidenteng iyon sa may fountain. Nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Harley. At iyon ay dahil hindi na kami mag-bestfriends kundi may boyfriend-girlfriend na kami.
Ganito pala ang feeling kapag ang taong matagal mo nang mahal makakatuluyan mo. Kahit alam kong hindi ito magtatagal at hindi rin ito aabot sa Hanggang sa Huli.
Pero hindi naman masama ang umasa hindi ba? Hindi naman masamang umasa na iisa lang ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Kahit na alam ko naman talaga na imposible iton dahil kakahiwalay pa lang nila ni Nicole.
Naging usap usapan nga sa campus namin na ako daw ang dahilan kung bakit nag-hiwalay si Harley at si Nicole. Ewan ko ba kung bakit ako nadamay dun. Haist.
May mga bagay talaga na mahirap paniwalaan pero nangyayari talaga. Parang ang pagpapantasya ko kay Harley, hindi ko naman talaga inaasahan na magiging kami in just a snap.
Pero masaya parin ako na kahit na sa ganoon kadaling paraan natupad ang isa kong pangarap. Ang maging Boyfriend ang Bestfriend ko. Pangit man pakinggan yun ang totoo.
Kahit naman ano ang gawin ko hindi ko mababago ang sitwasyon ngayon ei. Pinangarap ko 'to kaya paninindigan ko na. Minsan lang naman mangyari ito sa tanang ng buhay ko ei. kaya go lang ng go.
Oo, naging kami. Pero pakiramdam ko ako lang ang nag-mamahal ng totoo. Yung pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Pakiramdam ko iniisip niya na hindi ako ang laging kasama niya. Nag-iimagine siya na kasama niya ang babaeng mahal niya.
Hindi ko man masabi kung totoo nga ang mga iniisip ko. May mga bagay parin naman na malalaman mo kung ano ang katotohanan hindi ba?
Tatlong salita lang ang mag-papatunay na mahal nga talaga niya ako. Tatlong salita na hindi ako ang unang magsasabi. Ngayong linggo dapat marinig ko ang tatlong saliatang iyon na manggaling sa kanya. Pag-katapos nun? ayoko na. Hindi na ako lalapit pa sa kanya. Lalayuan ko na siya. Iiwasan ko na siya at hindi ko na siya lalapitan pa ulit.
Tatlong salita lang..
BINABASA MO ANG
Love from the Past
Cerita PendekPagmamahal na nagsimula nung mga bata pa lang tayo. Pagmamahal na madaling natapos, dahil nag-mahal ka ng iba Pagmamahal na ngayon ay pinagsisisihan ko. Pagmamahal na di ko dapat nilaan sayo. Pagmamahal na dapat nasa taong mas deserving pa sayo.