5: Mali na minahal ko siya

97 2 0
                                    

Dianne's POV

        Pinapunta ako ni Harley dito sa Garden ng school. Dahil sabi niya may sasabihin daw siya sa akin. Sana hindi bad news. Kinakabahan ako.

        Ilang minuto na akong andito pero wala pa rin si Harley. I change my mind na hindi na siya intayin at aalis na lang ako. Pero nung paalis na ako, nakita ko siya with Cristine, ang top student ng school na ito. They look so happy and,,.. and.. Cute together.

        "Criistine, Thanks sa pagsama sa akin kahapon ah." saan naman sila pumunta kahapon.

        "Wala yun. Ikaw pa ba. Ang lakas mo sakin ei. Hahahahahha." Namumula si Cristine? Weird naman, may gusto kaya siya kay Harley? Sana hindi..

        Iniwan ko nalang silang dalawa na nag-uusap dun hanggang sa makarating ako sa parking lot. Lutang ang utak ko nun kaya naman. Muntik na akong maatrasan ng sasakyan. At kung mamalasin ka nga naman bakit sa kanya pa?! Arrrgh. Bakit sa taong kinaiinisan ko pa sa lahat ng mga estudyante dito sa school. :/ It's James. 

        "Ano ba naman yan Dianne haharang harang ka nanaman jan! Bakit kasi lagi mo akong iniisip eh, yan tuloy muntik ka ng mapahamak." Ayan nanaman po si Mr. Yabang. Feeling niya ang gwapo gwapo niya. Pero gwapo namna talaga siya. ay ano ba tong iniisip ko! Galit  ako sa kanya! nakakainis siya! :/ 

        He always thinks na may gusto ako sa kanya. Kahit in the first place siya naman talaga ang may gusto sa akin. Alam ko ng may gusto sa akin si James matagal na. Kaya nga ako naiinis sa kanya ei. kasi ang torpe niya. Hindi niya man lang masabi ang nararamdaman niya. Sa iba ko pa nalaman. Kung hindi lang ako inaasar at kung wala lang gusto sa akin 'to baka kanina ko pa ito nasapak ei. kaya lang baka maturn-off. Sayang naman ang future love-life ko XD

        Kahit anong mangyari mas gusto ko pa rin si Harley kesa kay James. Kasi si Harley Mahal ko at mali. Mahal na mahal ko pala at mas lalo ko pa siyang minahal ngayon na kami na. Pero hindi yun ung pakiramdam ko. Kasi Feeling ko bestfriend parin ako.

        "Maraming mga bagay sa mundo ang hindi mo kayang makuha sa isang iglap lang. Dapat pinag-hihirapan mo rin." Bagay na narealize ko ngayon. 

        Kung ganon. dapat paghirapan ko pala ang pagkuha sa 3 words ni Harley. Dapat mahalin niya din ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. At hinid tulad ng pag-mamahal na para sa mag-bestfriends lang. Sana mapag-tagumpayan ko yun.

        Mahirap kkausapin si Harley kapag about sa personal niyang buhay. Pero sa akin nasasabi niya ang lahat. Nung mag-bestfriends pa kami. Pero ngayon hindi na. Sa iba na  niya sinasabi ang mga problema niya. Kasi hindi na ako ang bestfriend niya. gIrlfriend niya na ako. Pero kahit minsan hindi ko naman maramdaman na mahal niya ako na ako lang ang babbaeng gusto niya at ang babaeng mamahalin niya haggang sa huli.

        Siguro nga mali ang ginawa ko. Na minahal ko siya. Na minahal ko ang besfriend ko

        

Later

Love from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon