Deretso na kaming nakatulog ni Calvin sa kwarto ko. Hindi ko na siya nagising para umuwi, kaya kinabukasan nang lumabas kami para sa almusal ay masama na kaagad ang tingin sa akin ni Mama.
Nanlilisik iyon, paminsan-minsan ay pinanlalakihan niya ako ng mata. Samantala ay abot hanggang langit naman ang pag-iiwas ko ng tingin. Nahirapan pa ako dahil siya ang nag-aasikaso sa amin ni Calvin.
"Okay na po ito, Ma," ani Calvin na nagpahinto kay Mama sa kaniyang ginagawa.
"Anong ‘Mama’?" agap niyang baling sa aming dalawa. "Huwag mo muna akong tawaging ganiyan at malayo-layo pa naman ang kasal ninyo. Baka hindi rin matuloy..."
Nagkatinginan kami ni Calvin. Gulat na gulat pa ang kaniyang expression. Nakaawang ang labi niya, na tipong gusto pa niyang dumugtong para salungatin ang sinabi ni Mama nang takpan ko ang bibig niya.
"Kain ka na rin, Ma. Sumabay ka na sa amin," anyaya ko para iwala ang kung ano mang dinaramdam niya.
"Hindi! Mamaya na ako." Animo'y batang nagtatampo siyang tumalikod at saka pa deretsong lumabas ng kusina.
"Galit siya?" bulong ni Calvin sa tainga ko, sabay langhap sa leeg ko dahilan para mapasinghap ako.
Tinampal ko ito sa kaniyang dibdib. "Magtigil ka, Calvin. Galit siya siguro dahil hindi ka umuwi kagabi sa inyo."
Nagulat man ay nangibabaw pa rin ang ngisi sa labi niya. Hindi ko na lang pinansin at hindi na rin nagsalita. Mabilisan lang din kaming kumain. Pinapauwi ko na kasi si Calvin para naman makausap din si Mama.
"Mauna na po ako, Ma—Tita pala, Tita Jenny," pamamaalam ni Calvin.
Naroon na kami sa hamba ng pintuan. Hindi ko na siya maihahatid pa sa labasan dahil ayaw din naman ni Calvin. Bilang tugon ay tumango si Mama habang ang mga kamay ay nakakrus sa kaniyang dibdib.
"Sige, mag-ingat ka sa daan," seryoso man ay pinaalalahanan pa rin niya si Calvin, tumango rin si Calvin at nagsimula nang maglakad palayo.
Kumakaway pa ako rito kahit hindi naman na siya nakatingin. Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Napapitlag na lang din ako nang hampasin ako ni Mama sa aking braso. Kaagad ko iyong hinimas.
"Mama!" angil ko rito nang maramdaman ang kirot sa balat ko.
"‘Yan... kaya ka nabubuntis..." palatak niya habang nanlalaki ang mga mata. "Hindi na ako magtataka kung mabuntis ka man ulit sa susunod pang mga taon at makarami kayo ng anak. Panay ang buka mo."
Kumibot ang labi ko para sana magsalita, pero mabilis ding naputol.
"Huwag ka lang talaga niyang lolokohin, Jinky. Sinasabi ko sa 'yo. Oras na iwan ka niyan, huwag kang magtatangka na bumalik dito sa bahay ko."
Wala sa sarili nang mapabuntong hininga ako. Hindi na ako nanlaban. Tumango-tango na lang din para sang-ayunan ang sinabi ni Mama. Naiintindihan ko kung ano ang pinaghuhugutan niya; nanay siya.
Alam niya kung ano ang makakabuti sa kaniyang anak. Takot lang din siya na balang-araw ay posible akong magaya sa kaniya— mamatay man ang partner ko, o iwan ako para sa ibang babae.
Ayaw niyang maranasan ko iyong mga bagay at sitwasyon na naranasan na niya bilang ina sa aming mga anak niya, at bilang asawa kay Papa. Alam niya lahat. Tipong papunta pa lang ako, siya ay pabalik na.
Hindi man din ako naniniwala sa salitang ‘destiny’ ay alam ko sa sarili ko na si Calvin na talaga ang para sa akin. Kaya hindi niya iyon magagawa sa akin. Hindi niya ako iiwan, o ipagpapalit sa ibang babae.
Wala mang salitang ‘forever’, kaya ko namang patunayan sa lahat na there's a lifetime that refers to the period of a person's life. Kaya hangga't nabubuhay ako ay patuloy kong mamahalin si Calvin.
BINABASA MO ANG
Nights Of Pleasure
General Fiction(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each other. She was carrying the pain left in her yesterday, she felt helpless and brokenhearted. She never thought of loving again- until he me...