Walang mintis ang pagmamahal ni Calvin, walang dulo at expiration.
Bawat araw na nagdaraan ay mas tumitindi ang pagmamahal niya sa akin, na minsan ay tinatanong ko ang sarili kung ano ba ang kabutihang nagawa ko at nakilala ko ang isang katulad niya.
I mean, I was just a brokenhearted girl that time when I first saw him at Isla Mercedes. Wasted and disappointed in life. But look at where we are now, happily living the life that we both want.
Lumapad ang ngiti ko nang mag-umpisang bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Awtomatikong umikot ang ulo ko upang lingunin si Elsa Adsuara na katulad ko ay nakasuot din ng napili niyang wedding gown.
Sakto rin ang paglingon niya sa akin. Halos mapunit na ang labi ni Elsa sa sobrang pagngiti. Hawak niya ang isang bouquet ng flowers at kitang-kita ko roon ang panginginig ng kaniyang mga kamay.
Isang tango ang iginawad namin sa isa't-isa bago sabay na bumaling sa harapan. Mula naman sa dulo ng altar ay naroon naghihintay sina Calvin Frias at Andrew Evangelista, parehong nakaabang at nakatitig sa aming dalawa ni Elsa.
Marahan akong bumuntong hininga, kasunod ng paghakbang ko. Sa mabagal na paraan ay tinahak namin ni Elsa ang aisle na may nakalatag na kulay pulang carpet. Hindi rin naman ganoon kahaba ang wedding gown namin at nakakaya namin itong dalhin.
We got it together, didn't we?
Nobody, but you and me
We got it together, babySa kalagitnaan ng paglalakad namin ni Elsa ay sabay kaming huminto. Itinaas pa namin ang isang kamay sa ere na siyang may hawak na bouquet. Kasabay nang musikang umalingawngaw sa paligid ng simbahan ay ang galawgaw naming pag-indak.
My first, my last, my everything
And the answer to all my dreams
You're my sun (sun), my moon (moon), my guiding star
My kind of wonderful, that's what you areNgiting-ngiti kami ni Elsa habang sumasayaw sa salin ng kantang You Are The First, The Last, My Everything ni Barry White.
Samantala ay halos mapasukan naman ng langaw ang bibig nina Calvin at Andrew habang maang kaming pinagmamasdan. Honestly, wala talaga ito sa plano kaya hindi nila in-expect. Biglaan lang din at kahapon lang namin ito naisip ni Elsa.
Puspusan ang pagpa-practice namin kahapon habang nasa suit kaming dalawa. But I must say na worth it ang pagod at puyat ko. Ang makitang masaya si Calvin ay nagpapasaya na rin sa puso ko.
I know there's only, only one like you
There's no way, they could have made two
You're all I'm living for
Your love I'll keep for evermore
You're the first, you're the last, my everythingPati ang mga taong invited ay hindi rin makapaniwala na nakatingin sa amin. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mukha. At the same ay ang pagkatuwa. Mayamaya nang sabayan din nila ng palakpak ang pagsasayaw namin.
In you I've found so many things
A love so new only you could bring
Can't you see it? You
You'll make me feel this way
You're like a first morning dew on a brand new dayTawang-tawa kami ni Elsa. Hindi perfect ang pagsayaw namin dahil may ibang part na hindi kami nagsasabay, may ilan din akong nakakalimutan. Pero hindi na bale, pareho namin kaming nag-e-enjoy.
Sa lakas pa lang ng tawa namin ay tawang-tawa na rin ang mga tao. Natanaw ko pa si Mama na kulang na lang ay umakyat sa upuan para suportahan kami. Panay din ang pag-indak niya at ang pagtataas ng kamay.
I see so many ways that I can love you
'Til the day I die
You're my reality, yet I'm lost in a dream
You're the first, (the last) the last, my everything
![](https://img.wattpad.com/cover/115148398-288-k328290.jpg)
BINABASA MO ANG
Nights Of Pleasure
General Fiction(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each other. She was carrying the pain left in her yesterday, she felt helpless and brokenhearted. She never thought of loving again- until he me...