Magkaiba kami ng oras ni Calvin, kaya mag-isa ako ngayong bumiyahe patungo sa munisipyo. May iniwan lang text si Calvin kaninang umaga, na hindi ko na rin nagawang reply-an kamamadali.
Sa pagsusuka ko kanina, sinamahan pa na masakit ang katawang lupa at ulo ko ay nahirapan akong kumilos. Kahit ngayon na nagda-drive ako ay dahan-dahan lang dahil baka mawala ako sa balanse.
Hindi ko pa natatanong si Calvin kung nagsusuka rin ba siya, since pareho lang naman din kami ng kinaing cake kahapon. Kung iyon nga ang rason ay hindi malabong ganoon nga ang lagay niya.
Though, hindi naman masakit ang tiyan ko ngayon. Usually kasi 'di ba ang sign ng food poisoning o panis na pagkain, kung hindi pagsusuka ay sumasakit din ang tiyan? Iba sa akin, nahihilo pati ako.
Pakiramdam ko ano mang oras ay mababangga ako dahil paminsan-minsang nagdidilim ang paningin ko. Kaya kahit ma-late sa trabaho ay lalo ko pang binagalan. Hindi bali na mapagalitan ako, kaysa naman na madisgrasya ako sa daan.
Hindi rin naman nagtagal nang makarating ako sa munisipyo. Tahimik ang paligid dahil malamang na nasa loob na lahat ng tao at abala na sa pagtatrabaho. Maingat kong inihinto ang motor sa parking space.
Matapos patayin ang ignition ay kaagad din akong bumaba. Maging ang paglalakad ko ay mabagal. Nang makapasok sa lobby ay napahinga ako nang maluwang. Dumeretso ako ng upo at saglit nagpahinga.
Ewan ko kung ilang araw ko na ba itong nararamdaman, pero madalas nga na napapagod ako kahit sa simpleng galaw lang. Madali na akong kapusin ng hangin at parating sumasakit ang ulo.
Gaano man din nawawala sa focus ay pinilit ko ang sarili na magtrabaho. Kahit papaano ay nakatulong sa akin ang pagiging tahimik ng paligid. Walang pumapansin sa akin at walang nang-iistorbo.
Paminsan-minsan din akong tumatayo para kumuha ng tubig sa water dispenser, kabalikat ay panay din ang tayo ko para naman umihi. Bandang huli ay hindi rin ako nakapagtrabaho nang maayos.
Hindi ako mapalagay at kinukutuban ako ng hindi maganda. Malakas ang kabog sa dibdib ko. Pinagpapawisan din ako ng malagkit. Iyong tipong malamig naman sa lobby, pero ramdam ko iyong pawis sa noo ko.
Higit kasi sa lahat, sobrang delay na ng regla ko. Noong dumating ako rito sa Isla Mercedes, ini-expect ko nang dadatnan ako sa buwan na iyon ngunit lumipas na ang isang buwan ay wala pa rin.
Kaya noong mag-lunch break ako, imbes na kumain ay mas pinili kong lumabas ng lobby. Sa kabilang banda ng munisipyo ay naroon ang Community Health Center. Total ay mayroon naman doong mga doctor, nurses, midwives at iba pang healthcare workers ay doon na ako nagpasyang magpatingin.
Kumpleto naman ang services nila, mayroong consultations, immunizations, family planning, pre and post-natal care, basic laboratory testing, and health education and promotion activities.
Nang makapasok doon ay nagpasalamat akong may naiwang gynecologist. Mabuti rin at pinaunlakan niya ako at ipinagpaliban muna ang pagkain. Pinapasok ako nito sa kaniyang office. Kaming dalawa lang ang nandoon, ganoon pa man ay hiyang-hiya ako.
"What is it, Miss Bolivar?" aniya habang binabasa ang mga naisulat kong impormasyon sa isang papel.
"Ahm, how can I know if I'm pregnant?" mahinang banggit ko.
Tiningan ako ni Doc. Angeline pamula ulo hanggang paa. Tumagal ang atensyon niya sa tiyan ko. Wala pa iyong umbok, natural at bago pa lang naman.
"Missed period, Miss Bolivar," panimula ni Doc. Angeline. "Missing a period is often the first sign of possible pregnancy— kailan ba ang huling mens mo?"
Umimpis ang labi. "Last three months?"
"Sa tatlong buwan na iyon ay hindi ka man lang nagtaka na wala ka pang dalaw?"
BINABASA MO ANG
Nights Of Pleasure
Ficción General(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each other. She was carrying the pain left in her yesterday, she felt helpless and brokenhearted. She never thought of loving again- until he me...