Chapter 2

1K 69 3
                                    

Lumipas ang mga araw. Well, honestly ay hindi ko na mabilang kung ilang araw o linggo na nga ba ang nagdaan. Basta ang alam ko ay mahabang panahon na para sa akin ang nakalipas kung saan ay masasabi ko ring kahit papaano ay okay na ako.

Not totally naka-move on sa nakaraan ko at sa mga nangyaring trahedya. Marahil ay saglit akong naghilom ngunit naroon pa rin sa puso ko iyong pagmamahal— pagmamahal na tiyak kong hindi na ganoon kalalim katulad ng dati.

Marahil kasi ay nasa puso ko pa rin iyong dahilan kung bakit ako nagmahal, pero hindi na ganoon kasakit sa tuwing iisipin ko. More likely, natuto ako sa mga bagay na ipinaranas sa akin ng tadhana. Natutunan kong tanggapin sa sarili ko na hindi ako talunan.

Bagkus ay nagparaya ako na kung tutuusin ay ganoon naman talaga kapag totoong mahal mo ang isang tao. It's either you will fight for him, or set him free. Sa kaso ko na umpisa pa lang ay wala ng kalaban-laban kung kaya ay kinaya kong pakawalan siya.

Though, yes, tama rin naman iyong mga nagsasabi na ang pagmamahal mo sa isang tao ay hindi kaagad mawawala. Nariyan lang sila sa kailaliman ng puso mo, natatabunan lang iyan kapag nangyaring nagmahal ka ulit sa pangalawang pagkakataon.

Love taught me that; growing up, letting go, moving on is the easiest way to enjoy life. Hindi ko piniling maging kontrabida sa lovelife ng iba. Hindi ko rin kasi maatim na makagawa ako nang ikasisira ng buhay ko.

Gaano nga man ako itaboy ng magulang ko, ayawan ng mga kapatid ay hindi ko pinili ang maging rebelde. Hindi ko kayang maging masamang tao, ayokong makita ang sarili na naghihirap dahil sa sarili ko ring kagagawan.

So, yeah, sa nagdaang mga araw ay alam ko na naging masaya ako, kahit papaano— sa bagong lugar, sa bagong tirahan, sa bagong trabaho at sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Masaya ako na napatunayan kong hindi lang ako si Jinky. I am Jinky Verra Bolivar, an independent woman and I am confidently beautiful with a heart.

"Verra, hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Ma'am Darlene, ang Administrator dito sa Municipal ng Isla Mercedes.

"Tapusin ko lang po ito. Mauna na po kayo, susunod po ako," sagot ko naman.

"Oh, siya at ako ay gutom na rin. Basta ay sumunod ka." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon, kaya umalis din siya.

Napangiti ako habang tinatanaw ang papawala niyang pigura. Kalaunan nang matiwasay kong isinandal ang likod sa back rest ng inuupuan kong swivel chair. Sa harapan ko ay ang lobby.

Akalain mo 'yun at natanggap ako rito sa munisipyo ng Isla Mercedes bilang Information Officer. Although, ilang buwan lang ang itatagal ko rito. Naka-leave lang naman kasi iyong talagang naka-assign dito dahil sa buntis siya.

Tinanggap ako pansamantala at aalis din kapag bumalik na siya. Ayos lang din naman iyon sa akin. Maganda na rin para gawing background sa resume.

Kumalam ang sikmura ko dahilan para magpasya na rin akong tumayo. Saglit kong inayos ang lamesa, kapagkuwan ay sumunod din kay Ma'am Darlene sa labas. Mula kasi sa malawak na covered court ay naroon sa gilid ang naturingang Cafeteria.

Habang naglalakad pa ay napansin ko ang ilang police vehicles in black and white na nakaparada sa kabilang gilid ng court. May ilan ding nagkalat na mga Police Officer sa paligid, tila ba napadaan lang dito.

Nagkibit balikat ako. Sa kalagitnaan pa nang paglapit ko sa table nina Ma'am Darlene ay bumagal ang paglalakad ko. Mula rito sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang isang lalaking naka-uniporme rin ng pang-police.

Hindi ko na sana papansinin, wala na rin sana akong pakialam kung hindi lang siya sobrang pamilyar sa akin.

It's Calvin for fvckin' Christ's sake!

Nights Of PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon