ch 17

279 19 21
                                    

i dedicated this chapter to adiinicole. halluuu, tysm bb mwaaa!!🖤

chapter seventeen | last dance

"What is it, hmm? What do you wanna tell me?" Windsor cupped my jaw, staring intently at my eyes. "Kahit ano Airvieh, tatanggapin ko. Don't be scared, patatawarin kita, ayos lang kung ano man 'yan.."

My mouth opened in awe. I can't believe him! Ano, kung may kasalanan nga talaga ako sa kanya at masasaktan ko siya, ayos lang sa kanya? He's fine with it? He'll still accept me despite of what I have done? Is he a martyr?

Alam ko na ang lahat ng mga sasabihin ko ngayon sa kanya ay puros mga kasinungalingan lamang upang makakawala ako sa kanya, ngunit hindi ko akalain na kayang kaya niyang kalimutan anuman ang kasalanan na sinasabi ko.

Pagod akong bumuga ng hininga. "Windsor, anong sinabi ko kanina?"

"But that's my choice Airvieh. Ayos lang sa akin, kahit na anong kasalanan pa 'yan.. Please? Bati na tayo.. Akala ko ba ayaw mo din na nag aaway tayo?" nanunuyong usal niya.

Halos mapapikit ako sa sobrang rahan at lambing ng pagkakasabi niya non. My heart keeps on clenching so bad.

"This is different windsor, mas malaking problema 'to—

"Hayaan mo na nga, ayos lang Airvieh—"

I can't help but to moan in frustration.

"Anong okay?! Okay lang kahit niloko kita? Nag cheat ako, Windsor. Ano, ayos lang? Tanggap mo pa ba ako? Mapapatawad mo pa ba? Ano ang hindi mo maintindihan doon?!" hamon ko nang mapigtas ang pasensyang kanina pa gustong sumabog.

With his lips apart and wide open eyes, I stepped backwards and release from his hold. Matagumpayan kong nagawa iyon dahil ramdam ko ang panghihina niya sa sinabi ko.

"Huh? A-anong cheat? Y-you.." ni hindi niya magawang tapusin ang sinasabi, seems like he was dissapointed and disgusted by my confession. Kaya't sa kinakabahan at nannginginig na boses, ako na ang nagpatuloy niyon.

"Yes! I cheated on you! Hear me Windsor? Niloko kita, may.. may nakasama akong iba—"

"Liar!" he blurted out, panting drastically. "Hindi ako naniniwala! We're always together! Ako lagi ang kasama mo, ako lang ang ka-close mo na lalaki bukod sa mga kaibigan ko—"

I shook my head, determined to make him believe that I fooled him even though it's not. I need to do this. Kailangan ko siyang saktan, dahil sa ganoong paraan ko lamang siya kayang iwanan. Baka kapag nasaktan ko na siya, pwede na niya akong ipagtulakan sa sobrang galit niya.

"May pinakilala sa akin yung Auntie ko, mas mayaman sayo, mas mabubuhay niya ko, mas sigurado ang future ko—"

"The fuck are you talking about?!" Windsor snapped. Humakbang siya patungo sa akin, ngunit mabilis akong umatras. Natigilan siya sa ginawa ko. I saw how pain registered in his eyes.

Huminahon siya nang ilang sandali. "I'll.. I'll save money for us, then! May pera ako Airvieh, kaya hindi ako pinagbabanda ng Mama ko kasi gusto nya na mag manage ako ng business namin. Iyon yung pinag kakaabalahan ko noon, that's why I have a lot of savings already. We can even build a house soon if you want, I can provide for your needs.. I'll be better—no, I will strive harder to be the best for you.."

My knees wobbled because of his words. It feels like my heart was being torn apart into small pieces. Ang sakit sakit.

"Windsor please.." a tear fell from my eye.

"Ano? Tangina naman Airvieh eh.. Hindi ko maintindihan yung rason mo, nakakagago. Pera lang ba? Sige tangina, lalabasan kita ng pera, ano iiwan mo pa ba ako?!" he even took out his wallet from the pocket of his jeans and threw it on the floor.

Pentacost Band Series #5 Mellifluous HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon