ch 21

353 22 23
                                    

i dedicated this chapter to yanadelrosario!! hi, ily mwa!

chapter twenty one | talk

"Mama, uwi na.." Iceshen said from the other line.

I was already at the backstage when I received a sudden call from Mama Ryleen. Pagkasagot ko pa lamang, ang inaantok na boses ng anak ko na ang bumungad sa akin. His soft yawn soothed in my ears.

"Hmm, sleep na. Pauwi na si Mama," I sweetly uttered. Pumasok ako sa may maliit na comfort room doon upang hindi gaanong maingay ang linya ko.

The Rose band is currently performing, baka kasi marinig niya mula sa telepono.

"I'll wait, Mama.."

"But it's late already. Kapag hinintay mo ako mapapagod ka na."

I heard him groan cutely. Naririnig kong tinatahan siya sa pag ungot ni Mama Ry, pakiramdam ko'y kumirot ang dibdib ko. I sighed.

"Okay okay, uuwi na si Mama."

"Hmm, love you.."

I giggled. "Love you.."

I twisted the doorknob and pulled it open. Nang makalabas sa cr, tsaka ko lamang napansin na nandoon na ang Pentacost, probably waiting for their turn to perform. I gave them a small smile as I arranged my things.

"Si Exzerie?" I asked, looking at Seymour only.

Hindi na ako nag abala pa na pasadahan sila ng tingin, dahil alam ko naman na lahat sila ay nandoon. Even Windsor was there. I didn't bother to glance at him though I can see him on my peripheral view. Walang nakabuntot na kung sino sa kanya.

"Nag aasikaso ng mga bisita."

Tumango ako at umambang lalabas na. Iyon nga lang, mabilis akong natigilan nang marinig ko ang pag tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko. I slowly turned around to face him. Windsor's eyes look so gentle now, gone was the cold Windsor.

"Let's talk," he blinked twice. "Later," dagdag niya pa.

I quickly shook my head. "Sorry, I can't. I have to go—"

"Nagmamadali?"

"Oo."

Hindi nakatakas sa paningin ko ang iritadong pag irap niya. He glared at me for awhile before he nodded while tightening his jaw.

"Okay.." tanging sagot niya.

Mabilis akong pumihit patalikod upang tahakin ang daan patungo sa dagat ng mga tao sa venue. When I spotted where Exzerie is, I called her. Good thing, katatapos lang niyang makipag usap sa ibang mga bisita.

"I have to go, pinauuwi na ako ng anak ko. I'm sorry.."

She scoffed. "Ano ka ba?! Ayos lang! Tawagin ko na ba sila Jannah?"

Umiling ako. "No need, baka gusto pa nila dito. Just tell them that Ice wants me to go home already."

Tumango siya, nanatili ang mapanuring titig sa akin. "You okay?"

"Of course."

"Not jealous anymore?"

I tittered. "More like mad."

Napailing siya, natatawa. "Ikaw lang mag isang uuwi? Should I tell Windsor?"

Halos umikot ang mga mata ko. "Nang aasar ka ba?"

"Kidding. Drive safely!"

"Thanks, send my regards to your Mom!" paalam ko bago tuluyang umuwi.

Iceshen was already asleep when I arrived at home. Nagpasalamat ako kay Mama Ry sa pag babantay ngayong gabi. We talked about what happened to the event while drinking tea.

Pentacost Band Series #5 Mellifluous HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon