1st Retribution

1.1K 92 5
                                    

Crazily

"Kreia!"

Napatigil ako sa pagsuklay ng sariling buhok na hanggang ibaba ng aking balikat ng marinig ang pagtawag ni Mom sa ibaba.

Linggo ngayon at naghahanda ako para magsimba kasama ng pamilya.

"Malapit na, Mom!"

May pagmamadali na tinapos ko ang ginawang pagsuklay sa natural na tsokolateng buhok. Pinili kong suotin ang isang itim na pantalon, V-neck white tee at itim na boots na hanggang ibaba ng tuhod.

Tiningnan ko ang ayos sa salamin at ng maging kuntento ay lumabas ako ng kwarto kung saan agad akong nakasalubong ang naiinip na si Dad.

Tiningnan nito ang relong nasa pulso at napatingin sa aking suot. "It took you almost 20 minutes to get ready?"

Natawa ako ng bigo siyang umiling sa akin.

Tiningnan ko rin ang aking relo at nakitang alas nuebe na pala ng umaga. "I woke up late. Sorry naman," natatawang baling ko habang papalapit sa kanya.

"Nagiging dalaga na kasi kaya hayaan mo na," Mom as she went up to me and encircles her arm on mine.

She looked at me, "Right, Hun?" She tapped my head in a loving manner but I can hear the teasing on her tone.

"Mom!" Nakakunot noong tawag ko na naging dahilan ng malakas niyang pagtawa.

"All right. Hali na nga kayo ng makaalis na tayo."

Naglakad kami at sumakay sa aming sasakyan na Toyota Highlander. Lumabas kami ng gate at ng subdivision at habang patungo sa lokasyon ng simbahan ay naalala kong unang araw na pala ng klase namin bukas.

Tiningnan ko ang teleponong umilaw sa paggalaw ko kung saan nakita ko ang litrato naming dalawa. Nasa kaliwang kamay ko naman ang panyong kulay asul may puting initial na K.E. na ako mismo ang nagtahi.

It's been... what? Almost 2 years?

Tiningnan ko ang dalawang magulang na abala sa pag-uusap.

Nakakalungkot lang isipin na pilit naming tinatago sa sariling paraan ang kalungkutang nararamdaman.

Malungkot akong napangiti habang hinahaplos ang blangkong upuan sa katabi. He should have been with us right now. He should be bothering the life out of me.

He should be... living with us.

Mahina akong umiling, pilit na patigilin ang sarili sa iniisip.

Binaling ko na lang ang pansin sa labas ng bintana. Kahit nasisilaw man ay pinanood ko ang pagbiyahe ng sakay na sasakyan at ng iba pang sasakyan. Nilalampasan ng isang sasakyan ang isa pa para manguna.

Life works that way.

Some wants to go first so for that to happen, they step on people for them to reach their own selfish goals. But there are some specific cars that just let them, even with the obvious rudeness.

What am I? The one who steps or the one who let's go?

Binuksan ko ang pintuan at bumaba ng sasakyan habang iniisip iyon. Naglakad ako papunta kay Mom na nakangiti na naghihintay sa akin. Pareho din naming hinintay si Dad bago maglakad papasok ng simbahan.

Religions have their own way of saying God's words but I'm happy that I'm born as Roman Catholic.

Gusto kong makinig sa mga salita ng Diyos na kung saan ay isinasaisip at isinasapuso ko ito. Masaya din ang pananalita ng Pari dahil madadala ka talaga sa kanyang binibitawang salita.

OS #2: Driven by RetributionWhere stories live. Discover now