43rd Retribution

279 45 0
                                    

Alright

Matagal man natapos ang pagpa-plano namin ay nagkaroon na rin kami ng stratehiya. Nakahanda na rin ang helicopter na meron ang kompanya. I also had Nicholette cancel the case and remove Jessica from the wanted list just like how she asked it to be.

Everything will be only for a show.

Now, we're moving.

Nagpalit lang ako ng isang itim na damit,  pantalon na pinaresan ko ng sapatos para sa madaling paggalaw at tinali ko na rin ang buhok ng hindi maging sagabal. Habang si Carter ay ganun din ang naging porma.

Alas nwebe ng gabi kami bumyahe sa lokasyon ni Jessica sakay ang isang itim na van na dala nila Liam. 

Kaming dalawa lang ni Carter kasama ang team ni Liam ang pupunta ng port pero nakauna na raw roon ang iba pang awtoridad.

Kabado pa nga sina Mom at Dad pati na rin si Francis sa pag-alis namin pero hindi naman sila pwedeng isama dahil baka madamay pa sila.

To be honest, I'm scared and nervous too but I need to save my daughter. Siya lang ang iniisip ko sa lahat ng ito, ang kalagayan niya na wala kahit anong mangyari sa kanya.

Napatingin ako kay Carter ng mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

And, also for him to be safe too.

"Krey, I'm starting to dislike the idea of you facing her alone." Nag-aalalang mahinang sabi niya.

Binigyan ko siya ng mapanatag na ngiti at hinaplos ang hawak niyang kamay.

"Trac, we had a plan. If we follow it, we will do just fine."

"Yes, we do but we don't know what might happen out there. There's more to this than we know of."

Gusto kong sumang-ayon sa kanya pero ayako siyang mas lalo pang mag-alala sa sitwasyon namin ngayon.

"I'm sure you will never allow anything to happen. Am I right?" Dinaan ko sa lambing ang sinabi ng mabaling man lang ang atensyon niya.

Agad siyang determinadong tumango. "Of course."

Pinatong ko ang isang kamay sa kanyang kamay bago ko ito inangat ng madampian ng halik.

Kita ko kung paano bahagyang nanlaki ang asul niyang mata sa ginawa ko.

Kumurap siya ng ilang beses bago isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang labi.

Dumapo ang isa niyang kamay sa akin at diritso ang tingin sa aking hinalikan niya ang dalawa kong palad.

Wala na kaming ibang binitawang salita pagkatapos pero dama ko ang kasiguraduhan na kahit anong mangyari ay handa niya kaming ililigtas.

Umabot yata ng isang oras ang naging byahe dahil sa layo. Tumigil ang sasakyan namin sa malayong parte ng port ng hindi mahalata nila Jessica dahil natatabunan na rin dala sa mga naglalakihang metal crates.

Dahil na rin siguro sa abandonado na ang port ay sobrang liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw sa gabing ito.

Sinalubong si Liam pagkababa nito ng kagaya niyang nakauniporme ng itim. Sumunod naman si Carter bago ako.

"What's the situation, Mieagle?" Tanong ni Liam gamit siguro ang code name ng kaharap.

"Lioniere, everything is clear. Wala pa kaming nasasagap na galaw pero nakita na namin ang mga tauhan ni Jessica. Mukhang hindi lang pala tatlo ang meron." Narinig kog report nito.

"May mga baril ba sila?"

"Oo, may hawak silang AK47, M4E1. Magnum at Desert Eagle."

Walang mababasa na ekpresyon sa mukha ni Liam kundi purong blangko lamang.

OS #2: Driven by RetributionWhere stories live. Discover now