32nd Retribution

360 67 43
                                    

Goodbye

Tumahan na ako sa pag-iyak ng dumating na ako sa sariling condo. Tumungo ako sa aking kwarto at humiga, hindi na nag-abala pang magbihis.

Natagpuan ko ang sariling nakatitig lang sa bubong ng kwarto, dama ang pagkawala ng tinik sa puso.

I hope Dana will now know what to do. It's either she will let go of Vaughn or let go of Carter.

She can't keep on walking on two different streets, she should know her choice because unlike her, not everyone has two options.

Pumikit ako at dala na rin sa nararamdamang antok ay agad akong nakatulog.

Naalimpungatan ako sa mabibigat na katok at ang sunod-sunod na tunog ng doorbell. Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas nwebe na pala ng umaga.

Umupo ako sa gilid ng higaan at napasuklay sa buhok ng hindi pa rin tumitigil ang katok at ang doorbell.

Tumayo ako at napansing hindi pa pala ako nakakapagbihis mula sa suot kagabi. Kinuha ko na lang ang puting T-shirt na nakita ko sa gilid at isinuot bago lumabas ng kwarto.

Nasa harapan na ako ng pintuan at mas lumakas ang pagkatok. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago humawak sa doorknob at pinihit ito pabukas.

Agad nanlaki ang aking mata ng nakasalubong ang madilim niyang ekspresyon at asul na mga mata na puno ng sari-saring emosyon na kung saan mas nadepina ang galit.

"Carter? What are you-"

"Anong ginawa mo kay Dana?" mariin niyang putol sa akin.

Hindi ko kaagad maproseso ang narinig.

"Anong ginawa mo kay Dana at pareho kayong umalis kagabi na umiiyak!"

Tumaas ang kanyang boses na ikinagulat ko.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang galit at ang mas malala pa ay nakatutok iyon sa akin.

Umatras ako ng umabante siya papasok.

"Answer me, Kreia. What did you do?"

Salubong ang kanyang makapal na kilay habang matalim naman ang pagtingin ng kanyang mga mata.

Napasinghap ako ng hinawakan niya ang magkabila kong braso na agad kong nadama ang paghihigpit nun.

"Kreia!"

Napa-igik ako ng mas humigpit ang kanyang hawak na nagdulot ng sakit pero parang wala lang iyon sa nangibabaw na sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"C-Carter, masakit."

Sa sinabi ko ay agad siyang napabitaw at umatras, tila natauhan.

Sumikdo ang galit sa aking puso sa kanyang ginawa.

Is he so angry to the point that he can hurt me, physically?

Ginawa ko iyon ng hindi na siya tratuhin ni Dana ng ganun at ng hindi na siya masaktan pa!

"You're asking me, what I did to her?" ani ko, pinipigilan ang nararamdamang galit habang hawak ang braso na nananakit.

Tumingin siya sa akin, naghihintay.

"Kinausap ko lang siya, Carter. Iyon lang ang ginawa ko, wala ng iba."

"Kung kina-usap lang, bakit siya umiyak?"

Napunta ang pansin ko sa kanang kamay niyang mariin na nakakuyom.

Sarkastiko akong napangiti at diretso siyang tiningnan sa mata. "Dahil tinamaan siya. Tinamaan siya sa sinabi ko."

OS #2: Driven by RetributionWhere stories live. Discover now