Siyam

45 4 2
                                    


Kung madalas lang nating nasisilayan ang kamay ng orasan. Siguro isa-isa nating makikita mga dahilan kung bakit napapaisip tayo na masyadong mabilis ang mga bagay-bagay at walang preno. 


Gaya na lamang ng pagputi ng buhok. 

Pagkulubot ng balat. Pagkubkob ng likod. Panghihina ng katawan.

Nais kong makita ang sarili sa salamin ng kinabukasan. Masaya kaya siya? May disenteng trabaho ba siya? Tumanda kaya siyang mag-isa? Kumusta kaya naging paglalakbay niya?


Alam kong darating ang eksaktong pangyayari kung saan raratay ako sa puting higaan. Nawa'y sa oras na iyon nalubos ko ang lahat ng pagod nang may galak at walang bahid ng naiwang galit laban sa aking kapwa.

MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon