Tulad ng isang bantayog na kadiliman sa isang kwarto ang emosyong nakaratay saking mga ugat— hindi makahinga, hindi makaramdam.Hindi ko intensyong magtago at wala rin akong planong pagtaguan ang matang alam lang ang manghusga't mangutya. Ngunit sa nagdaang panahon, naging kalmadong lugar ang mga dingding na mapipigura ang samu't saring sugat na hindi kailangan pang isigaw at ipaglandakan.
Natakot akong humarap. Hindi alam kung sinong dapat pagbuksan ng pintuan upang muling pagkatiwalaan. Nakakahindig-balahibo ang magsalitang babalutin ng katamisan upang madala ka't mabihag sa mapanlinlang na katauhan.
Lango na 'ko sa kalokohan at pagod na rin ang aking kalamnan sa kasinungalingan.
Dahil sa oras na mabuhay ang tinatagong demonyo sa 'king kaibuturan. Baka pagsisihan mo aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
Makata
PoesiaTuwing may mga naglalarong pangungusap sa isip mo hayaan mong ilapat sa papel. Mag-iiwan sila ng mensahe sa mambabasa mo.