Chapter 4

1 1 0
                                    


Chapter 4: Help

"Ma andito na ako" magiliw na sabi ko pagkauwi ko. Inilapag ko yung gamit ko sa sofa sabay pumunta sa kusina para tingnan si Mama pero wala siya 'don. Baka nasa taas.

Inilapag ko yung gamit ko sa sofa bago umakyat sa taas. Tiningnan ko yung kwarto nila pero wala sila.

Napakamot ako sa ulo ko. "Nasaan sila?"

Gusto kong ikwento sa kanila na kaklase ko yung ultimate crush ko. Wushu! Ang sarap ipagsigawan sa buong mundo na kaklase ko siya. Para naman akong nanalo sa lotto. Oh my gosh! Kilig much!

Dumeretso muna ako sa kwarto ko at nagbihis muna bago bumaba. Sakto naman pagbaba ko ay naglalagay si Mama ng mga pinamili niya sa ref.

"Mama!" agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kaniya at niyakap siya.

"Oh, nandito ka na pala teka bat ang saya saya mo yata.. Kamusta first day?"

"Oh my gosh mama, kinikilig ako!"

"Kinikilig saan?"

Napahiwalay ako ng yakap sa kaniya nang biglang magsalita si Kuya Tyron na kadadating lang.

Huminga muna ako ng malalim. "Kasi kuya ihhhh!" impit na sigaw ko.

"Lah" tumaas yung kilay niya.

"Ano ba 'yun anak sabihin mo na"

"Nauna pa yung tawa keysa sa sasabihin parang tanga amp!"

Inirapan ko siya sabay bumuntong-hininga. Hindi talaga mawala sa labi ko yung saya!

"Kasi mama and kuya" tumingin ako sa kanilang dalawa. "Kaklase ko si Aki!!!!!" tumili ako!

"Sus, ayun lang naman pala, akala ko naman nanalo ka na sa lotto" ang epal kong kapatid.

Nakapameywang na hinarap ko siya. "Alam mo ikaw, paepal ka talaga parang hindi ka nagkagusto noon ha!"

"Pero hindi ganyan ka O.A magreact, naging kaklase lang yung crush niya akala mo naman pinagbagsakan ng pera!"

"Paepal ka talaga noh! Baka gusto mong ipaalala ko sayo yung crush mong si—"

"Shut up Kait!" sumalubong yung kilay niya.

See? Alam na alam ko kung paano patatahimikin 'tong lalaki na ito!

"Gusto mo sabihin ko kung paano ka nabaliw kay Ate—"

"Hindi ka ba talag titigil?!" pikon na sabi ni Kuya. Ngumisi ako sa kaniya.

"See? Kaya wag mo akong subukan Kuya" nakangising usal ko.

"Ayan na naman kayo ah" si Mama.

Napailing na lang siya sabay kinuha yung gamit sabay umakyat.

Umupo ako sa sofa na hanggang ngayon ay kinikilig pa. Iniyakap ko yung unan habang nakangiting nakatingala. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nagaganap.

Oh my gosh! Hindi talaga ako makapaniwala na magiging kaklase ko si Aki! Nakakakilig super!

Pumikit ako nang may ngiti sa labi. Wag kang mag-alala Aki! Mahuhulog at mahuhulog ka din sa akin. Gagawin ko ang lahat, mahulog ka lang sa akin. Wala na akong ibang hahanapin pang iba kundi ikaw lang, ikaw lang at wala nang iba!

Kinabukasan, maaga akong nagising upang pumasok. Napuyat yata ako kakaisip sa kaniya. Nakakakilig naman talaga. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Nakakainis nga lang dahil medyo gusot pa yung uniform ko pero ayos lang yan. Hindi ko naman ikamamatay ito.

How Can I Get You?Where stories live. Discover now