Chapter 7

0 1 0
                                    


Chapter 7: Partner

"O anong nangyari diyan sa uniporme mo?" tanong ni Mama sa akin pag kauwi ko.

Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. "Wala po, ma natapunan lang po ng kaklase ko pero nagsorry naman po siya" pagsisinungaling ko.

Ayoko lang mag-alala sa akin yung mga magulang ko. Ayaw na ayaw kasi nila na may naaapi sa pamilya namin. Siyempre sino ba namang miyembro ng pamilya ang gustong maapi ang kamiyembro nila.

"Ahh ganun ba" ngumiti si Mama. "Akina yang uniporme mo, lalabhan ko na"

Hinubad ko yung uniform ko at ibinigay kay mama. Pakiramdam ko ang lagkit na ng buong katawan ko. Bwisit na babaeng 'yon. Hindi ko naman sinasadya na matapunan yung uniform niya e, nakasampal pa siya sa akin. Lakas niya naman!

Pagkatapos kong maligo ay umakyat na muna ako sa taas. Tatawagin na lang daw ako ni mama pag nakahanda na ang pagkain.

Pagkarating ko sa kwarto ko, umupo muna ako sa study chair ko at humarap sa salamin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Pakiramdam ko pagod na pagod na ako ngayong araw na 'to.

Punasan mo sarili mo. Ayoko ng makalat.

Unti-unting sumilay yung ngiti sa labi ko nang maalala yung ginawa ni Aki sa akin kanina. Yung binigyan niya ako ng panyo.

Kinilig talaga ako 'dun. Sobra! Bumilis na naman yung tibok ng puso ko dahil sa kaniya. Sobrang kinikilig talaga ako! Ang saya-saya ko!

Tumayo ako at kinuha yung bag ko para kunin yung panyo na ibinigay niya sa akin. Inamoy ko ito at napangiti ako habang nakalagay yung mga kamay ko sa ilalim ng baba ko, para bang nananaginip.

Ahh! Ang sarap sa pakiramdam, pakiramdam ko lumutang na naman yung puso ko dahil sa kaniya. Hindi na mawala yung ngiti sa labi ko hanggang sa makababa ako.

Sakto namang pagbaba ko ay kararating lang ng kuya ko. Sa akin kaagad dumapo yung paningin niya.

Napataas agad yung kilay niya nang makita yung matamis na ngiti ko na ang dahilan ay ang gusto ko.

"Saya mo na naman?" tanong niya.

"Palagi naman akong masaya kuya, ikaw, kailan ka ba magiging masaya?"nakangising usal ko.

"Kapag puti na ang uwak" walang emosyong aniya sabay bumeso kay Mama.

Napairap na lang ako. Masaya naman talaga yan si Kuya, tanga nga lang.

Maya-maya lang ay nagsimula na kaming kumain. "Nasaan nga po pala si Papa mama?"

Lumunok muna si Mama. "Nasa trabaho pa, mamaya pa 'yon uuwi. Alam mo naman yung Papa mo, busy e"

"Palagi na lang ba siyang busy?" tanong ni Kuya.

"Kuya, para sa atin naman 'yon Kuya kaya wag kang epal diyan"

Napailing na lang si Kuya. Nagpatuloy pa kami sa pagkain. Minsan napapangiti ako kapag naalala ko yung nangyari kanina. Si Aki lang talaga ang laman ng isipan ko at hindi na talaga siya mawala lalo na't magkasama pa kami sa iisang eskuwelahan, lalo akong naiinlove sa kaniya.

Hay nako Aki ko! Hanggang kailan mo ba ako pakikiligin!

Nakangiting bumuntong-hininga ako. Mabuti na lang at masarap yung ulam na nakahain sa hapag-kainan at dumagdag yung kilig at sarap na aking nadarama.

"O siya nga pala anak" panimula ni Mama kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Nalabhan ko na yung uniform mong natapunan ng juice, kunin mo na lang sa likod at para maplantsahan mo na"

How Can I Get You?Where stories live. Discover now